Batid na panay ang buhos ng luha sa aking mga mata, tiningala ko ang mukha ng asawa kong mukhang nagbalik na sa kanyang katinuan. “At kung iisipin mo pa rin ang safety ng iba para hayaan mo akong duguin dito imbes na sana ay dalhin mo na ako sa ospital, for the second time, Liam… we’ll going to lose a child!”
“I’m not going to do that.”
Binuhat niya ako’t nagmamadaling inilabas sa bahay at isinakay sa kanyang kotse. Hindi kami sa garden area dumaan dahil mahirap na’t magkagulo pa ang mga bisita namin doon.
At habang nanghihinang nakaratay ang katawan ko sa upuan ng kotse, mangiyak-ngiyak pa rin ako sa mga nangyayari. Wala man lang akong magawa para sa nanay ko… at ngayon, dahil sa ginawa ni Liam sa akin, posibleng mawalan na naman kami ng anak. And if ever that happens… hitting two valuable things in my life in one stone… I’ll have no will to continue living.
*****
“Wala kayong dapat ipag-alala. Ligtas ang baby.” Ang mga salitang ‘yon mula sa doktor ang nakapagpanatag sa hinang-hina ko nang katawan. “Both of you should’ve been thankful that the incident that happened, according to Liam, was not, after all, getting severe. Kasi kung naging malala ang kinalagyan mong sitwasyon, Kris… that can lead you to an unfortunate loss of your baby.”
Malapit na kaibigan ni Liam ang doktor na tumingin sa akin, and he’s Lance. He’s very well aware of what’s happening between us, and very much aware how dangerous Liam’s condition was.
“You should’ve got proper treatment, Liam. There’s no wrong in trying.”
“I said I’m fine, Lance. Wala akong problema, so shut up.” Lumapit sa akin si Liam at umupo sa tabi. Maski ang marahan na paghimas ng kamay niya sa buhok ko, kinatatakutan ko na. “I’m managing to control myself. ‘Wag n’yo akong alalahanin-”
“So, you’re admitting there is really a problem with you?” hindi ko napigilan ang sariling magtanong. “Ayaw mo lang tanggapin na mayroon kasi ayaw mong kaawaan ka namin at alagaan, ‘di ba? Ayaw mong magmukhang mahina-”
“Kris-”
“Liam, please naman. Naturingang doktor ka pero hindi mo magawang alagaan at pagalingin ang sarili mo. At least taking some treatment to get yourself better wouldn’t lessen your humanity. Gawin mo naman sana… kahit hindi na para sa akin…” Tiim-bagang na tinagpo ko ang mga mata niya. “Kahit para na lang sa anak natin.”
Noong nakaraan lang ay nangako ako sa sarili kong sasarilinin ko na lang ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ngunit dahil sa nangyari, na wala sa oras ang rebelasyon, Liam had finds out I’m carrying our child. Kahit pagod na pagod na akong umasa na babalik siya sa dating Liam na nakilala at minahal ko, I’m thinking of taking a risk again just to have my dream family even before the day I married him.
“Just like what your wife said, consider treating yourself. Hindi magiging ligtas ang baby n’yo sa violence, Liam. Kailangan mong magdesisyon ngayon… and think carefully about the necessary actions you have to do to protect the innocent child in your wife’s womb.”
Agad ring lumabas na ng kwarto si Lance pagkaraan na sabihin ‘yon. Ngayon ay naiwan ako sa isang lugar kasama ang asawa ko.
“Okay, wife.” Napapitlag ako sa bigla niyang sinambit at agad niyang napukaw ang atensyon ko.
Tumayo si Liam at lumayo sa akin, at muling hinarap. “You know how much I wanted to have a child with you. Nasaktan ako no’ng unang beses tayong nawalan ng anak, and without letting you know, gabi-gabi akong stress at ginugulo ng kung ano-anong boses sa utak ko because of our loss. Tama ka, e. Tama kayo. I’m slowly losing my identity and… my control is getting out of my hand.”
“But for the sake of our baby, sige. I’m going to consider your request. Hindi ko na rin kasi kayang makita ka, na pagkatapos i-overtake ng kung sino ang katawan ko, mamumulat na lang ako sa sarili kong mga mata na umiiyak ka sa harapan ko habang ako ay hindi makapaniwalang tinitingnan ang mga kamay kong humampas at sinugatan ang katawan mo… and after causing you violence, wala akong maalala sa mga nangyari na kahit ano.”
Kitang-kita ko ang ginawang pagkuyom niya sa mga kamao bago ako tinalikuran at lumabas ng kwarto. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalalabas ay bigla siyang pumasok ulit at hinarap ang mukha ko.
“And trust me, Kris. I tried to save your mother’s life earlier. While Lance checking you up, ilang mga ospital na ang tinawagan ko para sunduin ang mama mo. Unfortunately, she’s dead on arrival. I’m sorry for being too late.” Kasabay ng pagsara ng pintuan ang sunod-sunod na pagpatak ng aking luha.
What the fvck? My mother’s gone? My fists started to shiver as hell, trying my best to not scream the hell out of me. Nagawa ko ngang maging okay dahil safe ang baby ko, ngunit ang malaman ang balitang ‘yong nanay kong ilang taon ko ring hindi nakita matapos kong makulong sa bubong na tinitirhan namin ng asawa ko, I can’t even imagine the next time I’ll meet her, sa burol niya na.
Ginawa ko naman ‘yong kaya ko. Halos magmakaawa na ako sa mga doktor na bisita ni Liam, pati na rin sa kanya, na tulungan ‘yong nanay ko.
Kung tutuusin, kung ‘di sila nag-inarte sa safety na sinasabi nila, baka hanggang ngayon humihinga pa rin ‘yong nanay ko. E, hindi! Nagsayang muna sila ng ilang minuto bago sila gumawa ng aksyon… and they’re feel sorry for my lost?
Akala ko lalambot na ulit ‘yong puso ko sa asawa ko pagkatapos kong marinig sa kanya na handa na siyang harapin ‘yong sakit niya… but still he made another reason para kamuhian ko siya!
*****
“Tell me, what do you feel lately? In the past five months?” panimula ni Logan sa pag-interrogate kay Liam.
Ngayong ding araw nang makalabas ako ng ospital ay sa clinic ni Logan ang naging diretsyo namin ni Liam. Habang nasa biyahe ay sinabi ko na rin sa kanya na ‘yong pagpapalitan namin ng sulat ni Logan, it’s about Logan pestering me to brought Liam to him.
“Wala na akong masyadong naaalala, e. Basta ang klaro sa utak ko, okay naman ako nitong mga nakaraang araw. Nararamdaman ko lang na minsan, ‘pag hindi ako makatulog sa gabi, mayroong mga boses akong naririnig at gumugulo sa utak ko. Out of control with these voices, nawawala ako sa sarili at mayroon akong mga bagay na nagagawa sa iba, lalo na kay Kris, na hindi ko alam na ginagawa ko na pala sa kanya.”
“And I can’t even stop myself from doing that.” Traces of frustration clearly obvious in his face.
“Since when did you experience this? ‘Yong mga boses na naririnig mo, kailan ka nagsimulang marinig ang mga ‘yon?”
“Actually, I don’t remember.”