“Okay. Makinig ka sa akin, Doc Liam. Hangga’t maaari, ‘wag mo masyadong i-stress-in ang sarili mo at para sa ikabubuti ng kondisyon mo, the best treatment is to talk with other people-”
“Doc Logan, I’m a sociable type of person-”
“Listen, okay? Hindi lang basta pakikipag-usap sa iba ang kailangan mo. You should undergo psychotherapy. With your trusted mental health professional, you should be open about your mental health with that person para matulungan ka kung ano pang pwede mong gawin to treat that.”
“The thing is… this is very hard for you. Medyo sensitive na kailangan mong i-share sa isang mental health professional or a therapist ang mga experiences mo at concerns tungkol sa kondisyon mo, that’s why it is important to consider first building your hundred percent trust with the therapist na gusto mong mag-guide sa iyo along with these rough journey. Coping skills and relationship with your therapist would be a great help to have this kind of conversation safely.”
“Kailangan mo maging open at magtiwala, Liam. Your therapist will help you, pero para maging better ang mental health mo, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. If you really want to be better, help yourself. Kasi mababalewala lang din ang effort ng therapist mo kung ikaw rin naman itong may ayaw na makawala sa madilim mong trauma.”
“Mukha bang ayaw kong gumaling?”
“I’m not saying-”
“Iyan yata gusto mong sabihin, e. Sa haba naman kasi ng sinabi mo, para mo na ring ipinapamukha sa akin na wala na akong pag-asa na gumaling kasi iniisip mong ayaw kong gumaling, ‘di ba? Tanggapin ko na lang ba na habambuhay na akong gan’to? Tanggapin ko na lang na baliw ako?”
And I think the other personality he has is starting to attack. Nagsimula na rin akong mag-panic. Si Logan ay kaagad akong hinatak palayo kay Liam dahil alam kong maski siya ay nakakaramdam na rin ng kakaiba.
“Get your filthy hands off my wife-” Dumapo ang mga kamay ni Liam sa magkabila niyang sentido. “AAAAHHHHH! GET THE HELL OUT OF MY BODY!”
Namamakat na ang mga ugat sa kanyang sentido at mga kamay, at ang noo niya’y nagsisimula na ring maglabas ng mga butil-butil na pawis.
“Liam-”
“Logan,” hirap na hirap niyang usal. Sa kabila ng mga maluha-luha niyang mga mata, hinanap niya si Logan. “Ilabas mo sa kwartong ‘to si Kris. P-Please…”
“N-No-”
“Ngayon na! Lumabas na kayo!”
Kahit na magpilit man akong mag-stay sa loob at subukang tulungan si Liam sa sitwasyon niya ngayon, tila naubos na rin ang lakas ko na gumawa ng ibang bagay aside sa magpadala na lang sa paghila ni Logan sa akin palabas ng clinic niya.
“Balikan mo siya roon, Logan. Baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya!”
Mariin niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. “Stay here.”
Nanginginig man ay tinanguan ko siya bago pinanood na bumalik sa loob ng clinic niya. Dala ng takot na rin sa mga nalaman ko sa internet about the disorder, some of the patient with DID tends to harm themselves. At ‘yon ang ikinakatakot kong gawin ni Liam sa sarili niya.
Ngunit nakakainip na. Limang minuto na kasi ang nakakalipas, hindi pa rin lumalabas sa clinic si Logan kasama ang asawa ko. Kaya’t kahit ipinagbilin sa akin ni Logan na ‘wag akong susunod sa kanya, I still did.
Nanginginig kong binuksan ang pintuan ng clinic, na kumpara kanina ay mas tumahimik na ngayon, at kinakabahang sinilip ang loob. I saw my husband lying on the floor and passed out. Laslas ang wrist niya na kasalukuyang ginagamot ni Logan…
And by just seeing how he harmed himself, hindi ko alam kung tamang desisyon pa bang manatili ako sa poder niya.
---
“He’s trying to fight his inner self, Kris. Kanina no’ng nasa loob ako kasama siya, he’s trying everything he could para lang hindi ako ‘yong masaktan niya…”
“Instead he scratched his own wrist.”
Mangiyak-ngiyak na bumagsak ang tingin ko sa asawa kong payapang nakahiga sa couch. “What can we do, Logan? Mayroon ba akong magagawa para maging maayos na ang kondisyon ng asawa ko?”
“As I say, sarili niya lang ang makatutulong sa kanya, Kris.” Mula sa kanyang table ay nakatanaw siya sa nakahigang si Liam. “DID can be controlled, but it cannot be cured. There are some medications and treatments that help patients with DID manage themselves for the rest of their lives.”
“Liam could undergo psychotherapy and he really needs this right now. As I mentioned, makakatulong kay Liam kung matuto siyang maging open sa sarili niya at sa kondisyon niya kausap ang isang mental health professional na willing siyang pagkatiwalaan about his life. And his trusted mental health professional could also help him to deal with his disorder, para latagan siya ng mga tips only for a healthy lifestyle and possibly to elucidate him that the number one thing he could do to deal with his disorder is to stop thinking it’s his fault for having that.”
“And so much more, Kris.” Nakikisimpatya ang mga mata niyang nginitian ako. “You just have to invest your trust in your husband. Kailangan niya ng suporta at pagmamahal mo all the way to his medication, but still always keep in mind to protect yourself also and stay away with him when you start to smell the one you’re talking to is not your husband anymore.”
I heaved a long sigh. “Of course. May inosente akong bata sa sinapupunan ko ang kailangan ko rin syempreng protektahan.”
Sandali muna akong lumabas ng clinic ni Logan matapos ng pag-uusap namin sa kadahilanan na ring hindi ko na kinayang pigilan ang sariling maiyak. Every time na nakikita ko ‘yong asawa ko sa kondisyon niya ngayon, it’s just so hard for me.
Bigla akong na-guilty sa mga araw na kinamuhian ko siya dahil sa ilang beses niyang pagbubuhat sa akin ng kamay. Ilang beses ko ring inisip na sobrang malas ko na nagpakasal ako sa lalaking kagaya niya. Ilang beses akong dinemenyo ng utak ko na pumutok na parang bula ang pagmamahal ni Liam sa akin at biglang nawala.
But now being aware of his condition, I could clearly understand that his love for me never changed… but his alters controlled my mind to think that he does.