“You’re crazy!” Sinampal ako ng mama pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.
“Could you please stop acting like a professional?! Huwag mong ipagmamalaki sa akin ‘yang degree na natapos mo kung hindi mo naman nagamit ‘yan paglabas mo ng eskwelahan!”
“Pag-aalaga ng anak at paggawa ng mga gawaing-bahay lang ang alam mo, ang kapal naman ng mukha mong magdesisyon na dalhin sa psychiatrist ang anak ko?! And you even say he’s having a mental disorder?!”
Nakanginginig ang bagsik ng mga tingin niya sa akin, that even some of our household workers getting terrified by her.
“Walang baliw sa pamilya namin, Kris. Ikaw ang baliw!”
“Now you’re saying the diagnosis of a licensed psychiatrist is just merely falsity?” Aakyat na dapat ang mama para pumanhik sa kwarto namin ni Liam, ngunit nagsalita ako behind her back. “You’re saying a licensed psychiatrist misdiagnosed your son to have DID. Gano’n ba, ma? After he showed some of the symptoms of this disorder, you call it misdiagnosis?”
“He just be can’t-”
“O baka hindi mo lang po matanggap ‘yong kondisyon niya, ma?”
I merely talk back to her dahil malaki ang paggalang ko sa kanya. But this matter should not slide.
“Naging mahirap din po sa akin na tanggapin ang-”
“Shut up!” Ang kaninang nakatalikod niyang anino ay humarap muli sa akin. “If I were you, just leave the house.”
“W-What?”
“Escape.”
“Sorry, ma. Wala akong dahilan para iwan si Liam at Sarah dito sa bahay. Hindi ko tinitingnan na dahilan na may problema sa kondisyon si Liam para iwan ko siya. I’m not that kind of wife, ma. Hanggang sa maging mabuti na ang lagay ni Liam, mananatili ako sa tabi niya-”
“Do you really want to stay with your family’s murderer?” Sa mga salitang binigkas ng mama, parang nabawasan ang lakas na mayroon ang katawan ko. “Naalala mo no’ng nagmamakaawa ka sa asawa mong tanggapin ang nanay mo sa ospital para magbaka-sakaling madugtungan kahit isang minuto lang ang buhay ng nanay mo?”
Lumapit siya sa naninigas kong katawan at bumulong, “He just wants your mother to die, Kris. Walang mga restrictions sa mga ospital na hindi sila tumatanggap ng mga pasyenteng may sintomas ng flu.”
And as she came back to her position and faced me, she smirked. “It was just a piece of fiction, hija. Niloko ka lang ng asawa mo para nang sa gayon, matuluyan na ang nanay mo habang nasa sasakyan pa lang.”
“H-He can’t-”
“He already did.”
Just three words I heard made my tears flood all over my cheeks. Dahil sa tuwing inaaalala ko ‘yong sinabi ni Liam sa akin na ginawan niya raw ng paraan para maipasok sa ospital ang nanay ko, but then he failed to do so dahil dead on arrival na si Mama… I believed in him. Naniwala akong gumawa talaga siya ng paraan para madugtungan ang buhay ng nanay ko… and then I’m going to find this out?
“Ngayon, mga kapatid mo naman ang nasa panganib,” muling tugon nito. “I just heard my son’s having discussion over the phone about the bomb explosion he planned to assassinate each twig of your family tree.”
Ang mga kapatid ko? S-Sina Papa?
“Kaya imbes na magmalasakit ka na alagaan ang asawa mong unti-unti nang inuubos ang pamilya mo, hurry and try to save them. Malay mo hindi ka pa naman late, ‘di ba?”
“Y-You…” As I was clenching my shivering fist and was planning to punch her wrinkled face, I stood still and gulped. “May mangyari lang masama sa pamilya ko… sisiguruhin kong mas malupit sa karma ang bawi ko. Tandaan n’yo ‘yan!”
Nagtatakbo ako palabas ng bahay at kaagad na sumakay ng kotse… but the engine doesn’t start—At kitang-kita ko sa harap ng bahay ang mama na nakangisi sa akin habang pinaiikot sa daliri ang susi ng kotse.
As if she’s going to give me the keys… kaya ang ginawa ko na lang ay tumakbo ako palabas ng bahay at pinara ko na lang ‘yong pedicab na nadaanan ko. Mabagal nga lang ang takbo nito kaysa sa isang normal na sasakyan, pero bahala na. Mananalangin ako sa Diyos na sana pagdating ko sa bahay namin, kahit ‘yong mismong bahay na lang namin ang maabutan kong abo… ‘wag lang sina Papa.
*****
“Bitiwan mo ako, Henrix! Gusto kong pasukin ‘yong loob-”
“Kris, wala na sila riyan.” Ikinulong ako ni Henrix sa magkayapos niyang mga kamay.
“And my arrival was too late to save them,” mahina niyang tugon. “Let the policemen to brought their remains on the funeral, Kris-”
“How could you say that?!” Marami mang tao ang nasa paligid para makichismis sa nangyaring pagsabog sa bahay namin, hindi ko ginamit na dahilan ang presensya ng mga chismosang ‘yan para pagtaasan ko ng boses si Henrix. “Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi naman ikaw ang nawalan ng pamilya, Hen! Magsama-sama kayo!”
Nagsumiksik ako sa mga nagkukumpulan na mga tao at nagpupumilit na malampasan ang barrier papasok sa bahay namin, ngunit isa na namang pagsabog sa bahay namin ang naganap kung kaya’t naestatwa na ako nang tuluyan na pinagmamasdan ang bahay naming malapit nang maging abo.
“Kris, come on.” Dala ng katawan kong malapit nang bumagsak dahil sa panghihina, naging madali para kay Hen na ilayo ako mula sa bahay namin. “Gwen did her best to save Margaux and Ludwig… to escape the house.”
Nakuha ni Hen ang atensyon ko at ngayon lang din namalayan na nasa loob na kami ng isang patrol. “What do you mean?”
“Ito.” May isang phone siya sa akin na inabot. “Habang nasa mall si Gwen para magdala ng grocery sa mga papa mo, natanggap ni Gwen ‘yang text message mula sa asawa mo. And he’s threatening your family about the bomb explosion.”