Chapter 15

1247 Words
Punong-puno ng pagtataka ang mukha ko’t hindi ko makaya na paniwalaan ang sinasabi sa akin ni Hen. I faced him and gulped. “Hindi niya magagawa ‘yan-” “And how sure are you-” “Dahil magkasama kami ni Liam na nasa clinic ni Logan para ipatingin ang kondisyon niya. Nang mga oras na ‘yan, magkasama kaming dalawa. Hindi niya magagawang gawin ‘yan, Hen. I knew my husband wouldn’t do cruel things against my family!” “Could you defend him after watching this?” Ini-scroll niya pababa ang screen, at doon ay may video ni Liam siyang ipinanood sa akin. This morning, I prepared a bigger surprise for Bargamentos. Kating-kati na akong mawala kayo sa paningin ko para masolo ko na si Kris… kaya ang pagsabog na mangyayari mamaya… sana lahat kayo ay mabura na sa mapa. “Ngayon mo sabihing hindi ang asawa mo ang nasa likod ng maruming plano na pasabugin ang bahay n’yo? May sakit man o wala ‘yang asawa mo… hindi mababago ang katotohanang demonyo siya, Kris.” Marahas kong iwinilig ang ulo ko. Hindi ko kayang tanggapin na katotohanan ang sinasabi ng bibig ni Hen. Kasi… si Liam… hindi niya alam ang ginagawa niya. Dahil sa kondisyon niya ngayon, malamang hindi niya alam ang sinasabi at ginagawa niya. And I should understand why he does that- “Kris!” Napapitlag ako sa gulat nang yugyugin ni Hen ang katawan ko. “Utang na loob, ‘wag mo nang subukan na ipagtanggol ang asawa mo, okay? Tigilan mo na ‘yang pantasya mo na anghel ang asawa mo, dahil sa katunayan, he’s not! Kung mabuti siyang asawa sa iyo, hinding-hindi ka niya pagbubuhatan ng kamay-” “Hindi niya sinasadya na saktan ako, Hen! May problema sa pag-iisip ang asawa ko-” “Enough with your alibis, Kris!” singhal nito sa akin. “Huwag ka nang magpaka-martyr para lang diyan sa asawa mong matagal nang ibinenta ang kaluluwa sa impyerno! Sa higit isang dekada n’yong pagsasama bilang isang asawa, kaya mo bang sabihin sa akin na kahit isang gabi man lang ba ay nagawa ka niyang pasayahin? Kahit isang gabi man lang ba ay hindi ka niya nagawang paluhain? E, malayong-malayo na nga sa dating kinis ng balat mo ang ngayon, Kris!” “Dahil sa demonyo mong asawa, pati sarili mong katawan, hinahayaan mo na lang na saktan niya! Pati nanay mong nag-aagaw-buhay, hinayaan niyang mamatay, ‘di ba? Hindi niya pinakinggan ang pagmamakaawa mo… kaya namatay si Mama! At ngayon… sina Papa… si Margaux… si Ludwig… si Gwen… abo na lang sila ngayon dahil sa kagagawan ng asawa mo, Kris! Tapos gusto mo pang intindihin siya na dahil sa sakit niya ay nagawa niya ang gan’tong bagay sa iyo? Utang na loob, gumising ka na sa katotohanan.” And I was left with no answer. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig upon realizing that my husband almost totally wreck my life. At kung hahayaan ko pang magpakatanga ang sarili ko para sumubok na naman na bigyan siya ng chance na maging mabuting asawa sa akin… baka kaluluwa na ako’t lahat, wala pa rin siyang pagbabago. “The fact that you’re carrying a baby in your womb, you must escape as soon as possible, Kris.” Determinado ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Escape… this time, for the sake of your baby.” ***** Kasama ko ngayon si Hen para tulungan ako sa plano kong pagtakas sa asawa ko. Kinailangan kong balikan ang mga gamit ko para mag-impake, pati na rin si Sarah ay binabalak ko na isama. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung iiwan ko siya sa ama-amahan niya, na sigurado akong hindi siya ituturing na anak ‘pag wala na ako sa bahay. “Hihintayin kita rito, Kris.” At ang isinagot ko na lang sa kanya ay isang tango bago ako dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay. Wala na rito ang mama kaya’t isang malaking tinik ang nawala sa ngayon. Mukha ring ine-expect na rin niya na hindi na ako babalik dito pagkatapos ng sagutan namin kanina… but she’s wrong. I have to return for Sarah. Nang pumanhik ako sa kwarto namin ni Liam sa second floor, naabutan kong bukas ang pinto at wala siya roon sa kama. Tamang pagkakataon na ‘to para mag-impake na ako ng mga gamit. And that’s what I did. Mabilisang pag-iimpake ang ginawa ko bago tahimik na lumabas ng kwarto. Manatili lang dapat akong tahimik lalo’t gabi ngayon. Ang mga kasambahay at mga guards ay tiyak na mga natutulog na. But Liam’s not around. Sa katabi ng aming kwarto ay pinasok ko ang kwarto ni Sarah. Naabutan ko siya sa study table niya at nagbabasa. “Sarah!” pabulong kong tawag sa kanya. And I gained her attention. “Pack your things. Now.” “Why?” “Mamaya ko ipaliliwanag sa iyo ang lahat. Baby, please… Mag-impake ka na.” “I won’t leave the house-” Agad akong lumapit sa kanya at pilit pinatayo sa upuan. “We have to hurry. Tara na-” “Mom! I won’t leave. Stop it!” “Sarah, ‘wag matigas ang ulo. Halika na sinabi-” “What’s that noise, Sarah?” Sa may bathroom ni Sarah, may anino ako ng lalaking nakita. “Sarah, please… Tara na. Sumama ka na-” “No, mommy! I will stay with daddy!” At tuluyan nang nakalabas ng bathroom si Liam nang nagtatangis ang kanyang bagang na nakatingin sa direksyon ko. He’s wearing his scaring look kaya’t ayaw ko man na bitiwan ang kamay ni Sarah, I still did. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya at nagtatakbong nilabas ang buong mansyon. Batid kong sa likuran ko ay nakahabol si Liam sa akin, kaya’t nang masalubong ako ni Hen sa labas, ibinato ko sa kanya ang bagahe ko. “Sumakay ka na sa kotse. Iwan mo na ako.” “No-” “Umalis ka na! Kaya ko na ang sarili ko!” Nagtatakbo ako patungo sa garahe ng aming bahay at sumakay sa isa sa mga kotse naming nakaparada roon. Gamit ang susing nakuha ko sa kwarto namin kanina, I started the engine… and there I saw Liam… pinupukpok ang bintana ng kotse. “Bumaba ka riyan, Kris!” Ngunit pikit-matang pinaandar ko pa rin ang kotse para lang malampasan na siya. At ang dahilan ko naman para hindi sumakay sa kotse ni Hen para makatakas, ‘yon ay dahil ayokong madamay pa siya sa kapahamakan na pwede kong ma-encounter sa gagawin kong pagtakas. I know Liam would tail me using his car… and nakikita ko ang itim niyang kotse na nakabuntot sa akin. Hindi ako masyadong pamilyar sa pagmamaneho pero dahil wala akong choice kung hindi tulinan ang pagmamaneho, I still take the risk para hindi niya ako maabutan. “Fvck. Stop chasing me, please.” Nanginginig ang buo kong katawan na napatingin sa side mirror… and his car getting near to mine. Mas lalo kong binilisan ang takbo ng kotse, sagad sa kayang tulin nito. “Palayain mo na ako, Liam!” And right in the ferry bridge of a river, my car fell for not being able to push the brake and stop it from moving. Deep down the river I attained the freedom I was longing to have. Had it been from my concern, Henrix would have joined me in the menace of drowning and lacking oxygen to keep alive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD