Chapter 16

1160 Words
Puting ceiling, puting mga dingding at ang nakasisilaw na ilaw ang bumungad sa akin the moment I opened my eyes. Ang natatandaan ko ay sa ilog ako bumagsak pero bakit ako nakahiga ngayon sa isang malambot na kama—at, paano rin ako nakarating dito? “Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano, Kris. Hindi ‘yan makabubuti sa lagay mo, hmm?” At ang nakadagdag sorpresa sa akin ay nang marinig ko ang tinig ni Henrix sa aking tabi, and he’s smiling as angel while glancing at me. “Hinanap kita noong gabing ‘yon. Hindi ako tumigil hangga’t hindi kita nahahanap… and glad I found your car floating at the river. Nagpatulong ako sa mga pulis na i-rescue ka.” “But rest assured your husband didn’t know you’re still alive.” “Does that mean ang alam ni Liam ay patay na ako?” gulat kong tanong. That night, wala na kasi ako masyadong maalala sa mga pangyayari. Basta ang malinaw sa memorya ko ay hinahabol ako ng sasakyan ni Liam bago mangyari ang insidente. “Kasi kung hindi mali ang pagkakaalala ko, pwedeng nasaksihan ni Liam na nahulog ‘yong sasakyan ko sa ilog.” “That’s exactly what happened, Kris,” saad ni Hen at naupo sa kama. As he faced me, his face got serious. “Pinaglamayan ka ng pamilya ni Liam at nakatakdang ihatid ka sa huling hantungan ngayong araw.” “Walang labi. It’s because the police reported to your family na patuloy ang operasyon nila na hanapin sa kailaliman ng ilog ang labi mo. Ang tanging bagay na nakapagpatunay na wala ka na ay isang necklace na natagpuan ng mga pulis na pinaniniwalaan nilang pagmamay-ari mo.” “You know it’s good news na isipin nilang patay na ako,” I muttered in between my heavy sighs. “Kasi kung mangyari man na malaman ni Liam na buhay ako, alam kong hindi siya titigil na hanapin ako, e. Hindi niya patatahimikin ang buhay ko if ever he finds out I’m still alive. So it’s better he lives that way… believing I’m already dead.” Naisip ko na sa sitwasyon ko ngayon, maaaring malagay na sa tahimik ang buhay ko. Pwede akong lumipat ng lugar malayo kay Liam para maiwasan kong magkrus muli ang landas naming dalawa. And if that happens, I can now start my new life without getting ruined by him and without having the fear that his presence may find out I’m hiding. Siguro ang magiging consequence nga lang ng bagong buhay na nais kong simulan ay si Sarah—dahil bigo ko siyang maisama sa ginawa kong pagtakas. Naiwan ko siya sa poder ng tatay niyang ni hindi siya magawang ituring na isang anak ‘pag hindi ako nakaharap. Pati ang mama, hindi magawang ituring na apo si Sarah… that’s why I’m so worried about what might happen to Sarah’s life now that I’m gone. “Don’t be too worried about your daughter; Sarah. Pinasusubaybayan ko siya sa kaibigan ko, and according to him, your daughter is doing well. Hindi naman daw pinagbubuhatan ng kamay ng asawa mo ang anak mo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala, hmm?” “Pero hanggang kailan?” nangangatog kong sambit. “Paano ‘pag inatake na naman ng sakit niya si Liam at ang anak ko naman ang mapagdiskitahan niya-” “Kris… relax.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Sarah would be left under Lucile’s guidance, if I’m not mistaken.” “But Lucile’s now in New York.” “Exactly. Dadalhin sa New York si Sarah para iwan kay Lucile, habang si Liam… sa pagkakaalam ko ay dadalhin sa US for further treatment sa disorder niya. He’ll undergo several treatments there and some therapies to properly control his disorder—because as we all know, his treatment could not be cured. But it can be controlled.” “Good thing that his family is considering him to be treated. Nakaraan kasi na nakausap ko ang mama, ayaw niyang tanggapin na may sakit ‘yong anak niya, e. At least my effort to bring him to Logan to diagnose him did pay off.” With my trembling fist clenched, I smiled bitterly. “Sana gumaling na siya…” “After everything he have done to your family, you still wish na maging okay siya-” “Of course. Para sa araw na magkita kami ulit, handa siya sa gagawin kong revenge. Magpagaling siya sa America dahil sisiguraduhin kong pagbalik niya rito sa Pilipinas, mas malala pa sa sakit niya ang ibibigay ko sa kanya.” Victorious smiles are all I drew within my face as I met Hen’s gazes. “Legit na ‘to, Hen. Graduate na talaga ako sa pagiging tanga at pagiging martyr na asawa. I won’t ever be poisoned by his charms nor believe his lies. Taon din ang binilang ko para magtiis sa kanya at gawing impyerno ang buhay ko at ng pamilya ko.” At habang inaalala ko muli ang araw na natunghayan ko mismo ang pagsabog ng bahay namin nang wala akong nagawa kung hindi iyakan sila sa labas, mas lalong nadaragdagan ‘yong galit ko kay Liam. Still, it is unbelievable for me that he could do such thing… na aabot siya sa puntong iisa-isahin niyang burahin sa mundo ang pamilya ko dahil sa pagiging makasarili niya. Kaya ngayon na pinalad akong makaligtas sa aksidente na kinaharap ko para takasan ang demonyo kong asawa, I would really use the miracle happened to me para bumangon at magsimula muli. At sa oras na pwede na, babalikan ko sila. Babalikan ko siya para pagbayarin sa mga atraso niya sa akin. “Sa pagbabalik niya sa bansang ito, malupit na karma ang we-welcome sa kanya. Babawiin ko si Sarah at ipaparanas ko sa pamilyang ‘yon ang delubyong ipinaranas nila sa akin. Because the moment we face each other once again, they will taste how sweet my vengeance is.” ***** Thirteenth death anniversary na nina Papa, Mama, Ludwig, Marga at Gwen ngayong araw. Labing tatlong taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidente na umubos sa kanilang lahat. Literal na homeless person na ako dahil ni isa sa mga pamilya ko, wala na akong nakakasama sa buhay. It’s Henrix all along—ang asawa ng kapatid kong pumanaw sa pagsabog; my twin, Gwen. Had it been with Hen’s concern to take good care of me, baka nababaon na sa sobrang lungkot ang buhay ko. “Miss na miss ko na kayo,” sambit ko habang titig na titig sa magkakatabi nilang lapida. “Hindi ko na nga kayo nakasama after ko maikasal kay Liam, ‘di ko naman inaasahan na mapapaaga ang pamamaalam n’yo sa akin. Kung alam ko lang na gan’tong buhay pala ang sinasabi sa akin ni Liam na gusto niyang i-offer just to be his love, sana hindi ko tinanggap. ‘Di na sana kayo nadamay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD