Chapter 8

791 Words
Hope POV “Go back to your friends, Honey,” sabi niya, bumalik ang bahid ng ngiti. “I’ll see you again.” “At next time…” Saglit siyang tumigil. Tumingin sa akin, Diretso. “Don’t pretend you don’t want me there.” At pagkatapos, Umalis siya. Iniwan akong nakatayo. Nalilito. Kinakabahan. At mas lalo… Nahuhulog sa lalaking hindi ko pa rin maintindihan. Pagbalik ko sa mesa, tuliro pa rin ako. Parang naiwan pa rin sa hallway ang isip ko. Hindi ko halos marinig ang sinasabi nina Julia at Miles. Paulit-ulit lang umiikot sa utak ko ang mga sinabi niya. All night… Kilalang-kilala kita… Bigla akong napabalik sa realidad nang tumunog ang cellphone ko. Si Aries. “Hello…” mahina kong sagot. “Where are you?” tanong niya agad. “Sabay na tayo umuwi.” Saglit akong napatingin sa paligid, parang hinahanap ko pa rin ang isang pamilyar na presensya. “Nandito kami sa Starbucks,” sabi ko, sabay bigay ng address. “Okay, I’m on my way,” sagot niya. “Okay,” maikli kong tugon bago ko pinatay ang tawag. Dahan-dahan akong lumingon sa paligid. Sa pintuan. Sa mga taong dumadaan. Sa bawat sulok ng coffee shop. Pero, Wala na siya. Parang bula na lang na naglaho. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa… O mabitin. Ilang minuto pa, Dumating si Aries. Nakita ko agad siya sa labas ng coffee shop, mabilis ang lakad papasok, parang may hinahanap. At nang magtama ang mga mata namin, Diretso siyang lumapit. “Hope.” Tumayo ako. “Aries…” Hindi ko na kailangang magsalita pa. Sa itsura pa lang niya, Alam kong may napansin na siya. “Uuwi na tayo,” sabi niya, pero hindi siya agad umalis. Tinitigan niya ako—mula ulo hanggang paa. Parang may hinahanap. Parang may kinukumpara. “Ano?” pilit kong tanong, kunwari walang alam. Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya ng konti. “May iba sa’yo,” diretso niyang sabi. Natigilan ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?” depensa ko agad. Napailing siya. “Hindi ko ma-explain…” mahina niyang sabi. “Pero iba ka ngayon.” Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang nararamdaman ko. “O baka pagod lang ako,” pilit kong dahilan. Hindi siya naniwala. “Kahit pagod ka…” dagdag niya, “hindi ka ganyan tumingin.” Napatingin ako sa kanya. “Paano?” “Parang… may iniisip kang hindi mo masabi,” sagot niya. Tahimik. Tumama siya. Diretso. Napabuntong-hininga ako. “Aries, wala ‘to,” pilit kong sabi. Pero siya— Mas lalo lang sumeryoso. “Hope,” mababa ang boses niya, “may nangyari ba kagabi?” Nanlaki ang mata ko. “Wala!” mabilis kong sagot. Masyadong mabilis. At doon siya napahinto. “See?” sabi niya. “Hindi ka naman ganyan sumagot dati.” Napapikit ako saglit. Hindi ko alam kung maiinis ba ako… o matatakot. “Concern lang ako,” dagdag niya, mas malambot na ang boses. “Ayokong may mangyaring masama sa’yo.” Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. At sa sandaling iyon, Naalala ko kung gaano niya ako kakilala. Kung gaano siya ka-importante sa buhay ko. Pero kasabay nun, May isa pang mukha na pumasok sa isip ko. Honey. Napapikit ako ulit. “Let’s go home,” mahina kong sabi. Tumango siya. Pero bago kami tuluyang lumabas— Saglit siyang tumigil. “At kung may itinatago ka…” dagdag niya, hindi tumitingin sa akin, “sana ako yung una mong sabihan.” Hindi ako nakasagot. Dahil sa unang pagkakataon, May tinatago na nga ako sa kanya. Sabay-sabay na kaming tumayo. Nagpaalam ako kina Julia at Miles. “Mauna na kami,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Message ka pag nakauwi ka ha,” bilin ni Julia. “Oo,” sagot ko. “Mag-ingat kayo,” dagdag ni Miles, sabay kindat. Napangiti ako nang bahagya. Paglabas namin ng coffee shop, sinalubong kami ng malamig na hangin ng madaling araw. Tahimik ang paligid. Pero ang isip ko, Magulo. Naglalakad kami ni Aries sa gilid ng kalsada, naghihintay ng masasakyan. Wala kaming imikan. Pero ramdam ko, May gusto siyang itanong. At may mga bagay akong ayaw sagutin. Saglit akong napalingon sa likod. Sa pintuan ng coffee shop. Sa mga anino sa paligid. Pero, Wala na siya. Wala si Honey. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, Pero parang may kulang. “Hope…” Napalingon ako kay Aries. Tahimik siya, pero seryoso ang tingin. “Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya. Tumango ako. “Okay lang ako,” sagot ko. Pero kahit ako, Hindi ko na sigurado. Dahil sa gabing iyon, May nagbago. At hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD