Hope POV
Nakauwi na ako sa maliit naming bahay.
Isang simpleng tahanan, siksikan, mainit, pero doon ako natutong mabuhay. Sa iisang espasyo, naroon na ang maliit na mesa, ang papag ng nanay-nanayan ko, at ang kusina na halos katabi lang ng higaan.
Lahat… magkakasalo sa iisang bubong.
Dahan-dahan akong umupo, saka ipinikit ang mga mata ko.
Napabuntong-hininga ako.
Unti-unting bumalik sa alaala ko kung paano ako napunta kay Aling Sally, ang babaeng umampon sa akin.
Siya…
Na katulad ko rin,
Ay nagtatrabaho sa club.
Hope POV (Flashback)
Amoy usok.
Sigaw.
Takot.
Iyon ang huling naaalala ko bago tuluyang nagdilim ang mundo ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay.
Pagmulat ko,
Maliwanag.
Pero hindi iyon ang liwanag na gusto ko.
Malamig.
Tahimik.
At masakit sa mata.
“O, gising na siya…”
Mahinang boses ng isang babae ang unang pumasok sa pandinig ko.
Pilít kong igalaw ang ulo ko.
Doon ko siya nakita.
Isang babae—simple ang itsura, pero may pagod sa mga mata. Nakatingin siya sa akin, parang may halong awa at pag-aalala.
“Saan… si Mama…?” paos kong tanong.
Biglang nanahimik ang paligid.
Napansin kong umiwas siya ng tingin.
At doon ko naramdaman,
May mali.
“Anak…” mahina niyang sabi, dahan-dahang lumapit. “Magpahinga ka muna…”
“H-Hindi…” nanginginig kong sagot. “Nasaan si Papa? Si Mama?”
Hindi siya agad sumagot.
Hanggang sa,
Hinawakan niya ang kamay ko.
Mahigpit.
Mainit.
“At mula ngayon…” nanginginig ang boses niya, “ako na muna ang bahala sa’yo.”
Parang may pumutok sa dibdib ko.
“Hindi…” umiling ako. “Gusto ko si Mama… si Papa…”
Pero kahit anong pilit ko,
Walang sumagot.
Walang bumalik.
Walang kahit sino.
Tanging katahimikan.
At ang babaeng nasa harap ko.
“Aling Sally…” pakilala niya.
Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangalan niya.
At doon nagsimula ang bagong buhay ko.
Lumipas ang mga araw.
Nalaman ko na lang,
Ako na lang ang natira.
At si Aling Sally,
Siya ang kumuha sa akin mula sa ospital.
“Wala ka nang babalikan,” sabi niya minsan, habang pinupunasan ang buhok ko. “Pero hindi kita pababayaan.”
Hindi siya mayaman.
Hindi rin perpekto.
Maliit lang ang bahay niya.
Minsan kulang pa ang pagkain.
Pero,
Hindi niya ako iniwan.
Sa gabi, madalas wala siya.
“Trabaho lang,” lagi niyang sinasabi.
Hindi ko agad naintindihan noon.
Hanggang sa lumaki ako.
Hanggang sa nakita ko,
Kung anong klaseng mundo ang pinapasukan niya.
Ang club.
Ang ilaw.
Ang musika.
Ang mga lalaking hindi marunong tumingin nang may respeto.
At ang ngiti niyang pilit.
Para lang mabuhay kami.
“Hindi mo kailangang sundan ang yapak ko,” sabi niya minsan.
Pero ngayon,
Nandito na rin ako.
Sa parehong mundo.
Sa parehong dilim.
Para sa kanya.
Para sa amin.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.
Bumalik ako sa kasalukuyan.
Sa maliit naming bahay.
Sa realidad.
At sa buhay na hindi ko pinili,
Pero kailangan kong panindigan.
Hope POV - Flash back Continuation
Nanatili akong nakapikit, pilit na pinatitigas ang katawan sa ilalim ng kumot habang nagkukunwaring mahimbing ang tulog. Pero ang totoo, gising na gising ang bawat himaymay ng aking pandinig. May mga bulak na ang aking mga tenga, isang desperadong harang para hindi marinig ang mga ungol at kalasingan ng mga lalaking iba’t iba ang mukha gabi-gabi.
Ngunit walang takas ang aking paningin.
Sa pagitan ng bahagyang nakabukas kong mga mata, nasasaksihan ko ang kalapastanganan sa katawan ni Nanay Sally. Nakikita ko kung paano siya bayuhin ng mga estrangherong dala niya sa aming silid, mga lalaking walang pakundangan kung saktan siya habang nagtatalik. Isang mahigpit na sabunot, isang marahas na pagpilit na isubsob ang kanyang mukha sa kanilang p*********i, at ang puting likidong pilit na ipinapalunok sa kanya na parang isang sumpa.
Nandidiri ako. Nasusuka ako sa bawat galaw na nakikita ko. Doon, sa dilim ng aming barung-barong, binuo ko ang isang panata: Hinding-hindi ko gagayahin ang nanay ko.
Pumasok ako sa mundo ng pagsasayaw sa club, pero dala-dala ko ang pangakong iyon. "Sasayaw lang ako," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko hahayaang babuyin nila ang pagkatao ko kapalit ng anumang halaga. Akala ko, sapat na ang prinsipyo para protektahan ang aking dangal.
Pero nasaan ako ngayon? Sa huli, sa kislap din ng pera ako kumapit. At ang masakit na katotohanan na humahampas sa akin ngayon—hindi lang ako basta sumuko sa pera, kundi sa maling lalaki pa ako tuluyang nabaon. Naibigay ang sarili