bc

I rescued a Mafia Boss

book_age18+
231
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Mag isang binubuhay ni Hannah ang mga kapatid masaya to kahit nahihirapan.

isang guwapong lalaki ang nagawa nyang tulungan sa bingit ng kamatayan pero ang hindi nya alam hindi basta stranghero lang ang sinagip nya kung di isang Mafia boss na marami ng nakabangga Matataas na tao at pinag hahanap ito.

mawiwindang ang tahimik na buhay ni Hannah pati ang nararamdaman nya sa oras na malaman nya ito .

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HANNA'S POV ngisi akong dismayado sa 150pesos na binungad ko sa mga palad ko.. "paano ba ito?," pahimas noo kong tanong dahil sa pag iisip kung paano ko pag kakasyahin sa isang linggo ang 150 pesos sa amin tatlong mag kakapatid pang ngayon araw lang to at kukulangin pa nga dahil sa lakas kumain ng mga bata kong kasama.. nakatulala ako sa dalampasigan ng dagat dala ang pang pagkain uwi para sa mga kapatid ko saglit akong naupo sa buhangin para makapag isip muna ng tahimik araw araw nalang akong ganito naigiisp kung ano nanaman kakainin namin kinabukasan.. " Ay! pisti kang aso ka! akina nayan! ," patayo kung hinabol ang aso umagaw sa pag kain dala ko hindi ko man lang nakita sa lalim ng iniisip ko. mukang mapapaga pa yata kaming mawawalan ng kakainin bakit naman kasi tumambay tambay pa ako don! hindi pa ako dumiretso ng uwi.. " ano bayan! wala na..," napa upo ako na parang napapaiyak dahil nag kalat nasa daan ang pagkain na para sa mga kapatid ko at pinag piyestahan na ng ibang aso kainin.. matalim kong tiningnan ang aso kumuha ng pagkain ko na sarap na sarap pa sa pag nguya.. hinugot ko sa paanan ko ang suot kong digumang tsinelas at ibinato ko dito "bwisit!," sigaw ko sa pag kayamot. pamaywang akong huminga ng malalim at bagsak ang balikat kong tinalikuran ang mga asong nauna ng mga nagsihapunan sa amin.. pauwi na akong natatanaw ang dalawang kong kapatid na nag aantay sa labas alam kong mga nagugutom na ang mga to ..hawak ko ang dalawang maliit na itlog na mainit init pa dahil kalalabas lang nito galing sa puwit ng manok binayayaan parin kami ng ulam ngayon araw.. "Bakla!," muntikan kong maihulog ang mga itlog na hawak ko dahil sa gulat ng biglang sulmulpot ang impaktang baklang to sa harapan ko! " ano ba! pag ito nabasag ikaw ang ipapaulam ko sa mga kapatid ko!," banta ko dito kunot noo itong nakatingin sa mga itlog na hawak ko.. "ginawa mo na namang ref yung puwit ng manok ni aling susan ah,? asan yung kinita mo kanina?," umirap ako dito at nagpatuloy mag lakad papunta sa bahay namin sinundan ako nito na may pag tataka at inaantay ang sagot ko.. " ayon kinain na ng aso!," walang ganang sagot ko ditong may pag kayamot.. "ate!," salubong sakin ng kapatid kong babae ng makarating kami sa bahay huminga ako ng malalim ng umikot ikot naman sa paligid ko ang kakambal nitong lalaki na si Pepop.. kunot noo pang tiningnan ang dalawang itlog na kasya sa isang kong kamay.. " ito ulam natin?," tanong nitong hindi maipinta ang muka sa pag kadismaya.. hindi ko na ito sinagot dahil alam kona sasabihin ng batang to..kahit malabo naman mangyari.. "bahala ka dyan hindi ako kakain nyan!," padabog itong nag inarte sa sulok at umupo dahil sa ulam namin ngayon.. hindi na ako nag salita dahil kahit naman ilan beses niyang sabihin yan ay hindi rin naman niya kaya lalabanan ang gutom niya kaya kung ano nakahain talaga sa mesa ay kinakain parin nila.. "anong kailangan mo babaita?!," tanong ko sa kaibigan kong bakla na umupo sa plastik namin upuan nag handa na ako ng pang gatong para lutuin ang mga itlog at initin ang bahaw na kanin.. "nakaheram na ako ng bangka gagamitin natin," napatingin ako ng seryoso dito ang tinutukoy nitong bangka ay ang gagamitin namin para makapunta sa "south china sea" mang huhuli kami ng palihim ng malalaking isda doon.. alam namin dilikado ang binabalak namin dahil ilang mga balita sa lugar namin na kaya hindi nakakauwi ang iilang mangingisda dahil nahuhuli ng mga chinese coast guard pero walang nakakaalam kung ano ang ginagawa sa kanila halo halo nalang ang mga nagiging balita na pinapatay daw oh o kaya tinototure.. pero iniisip na namin baka panakot lang yon ng ilan dahil yung iba kahit na hindi nila sabihin na doon sila na ngingisda ay kita naman ang mga nakakaakit nilang nahuhuling isda na alam namin sa south china sea lang mahuhuli nasasalisihan lang nila ang mga cost guard doon. " kelan natin pwedeng gamitin?," ditermenado ko agad na tanong tamang tama yon dahil walang wala talaga ako napaka lugi naman kung ibang kapitb bahay namin ang nakikinabang sa mga malalaking isdang naandon.. " Mamayang gabi na bebe! ihanda muna ang malaking cooler box nyo mga 2am tayo alis," ngiting tinataas taas pa mga kilay dahil sa binabalak namin mamaya.. tumayo ito at kumembot ng lakad papalabas ng pinto,, "bayot ka!," sigaw ni pepop dito na ngumunguso padin sa sulok dahil sa ulam namin ngayon.. umiiling na lang ako sa batang to at mabilis kong pinag patuloy ang magluto para makakain na sila at patulugin ng maaga.. kailangan kong pag handaan ang pag alis namin mamaya ni Beki... *** 2:10 am.. ? irita akong nag aantay sa baklang yon! yung 2am na balak pa yatang gawin 2pm.. "Hanna?," mahinang tawag sa akin ni beki nasa dagat na ito dala dala ang bangkang gagamitin.. "kaya naman pala ang tagal mo sinasagwan mo pa yata papunta dito yang bankang yan?," anang ko dito binitbit ko ang malaking cooler papunta sa bangka at inilagay ko doon.. "maririnig kasi ng mga swapang natin mga kapit bahay ang ingay ng motor baka mabulayaso patong binabalak natin..," sagot sakin nito sumampa na ako sa maliit na bangka. "oh! mag sagwan ka muna lalayo muna tayo bago natin paganahin ang makina," utos sa akin nito kinuha ko ang sagwan at pumuwesto na .. nasa kalagitnaan na kami ng karagatan at doon na nanamin inumpisahan paandarin ang motor ng bangka.. tanging maliit na flashlight lang ang gamit naming ilaw at liwanag mula sa buwan. iniiwasan kasi namin na mapansin kami ng mga coast guard na naandon. ramdam ko ang lamig ng hangin at ang nakakabinging katahimikan sa kadilaman ng dagat " andito na ba tayo beks?," tanong ko dito ng huminto na kami at nag hahanda na ng mga gagamitin na namin .. nagpalinga linga ako at nag tataka kung paano niya nalaman na nasa south china sea na kami gayong napaka dilim ng paligid at alon alon tubig lang maririnig mo.. " yes bebe.. ako nalang ang sisid look out kana lang ito flash light igalaw galaw mo yan sa ilalim kapag may mga coast guard na paparating para makita ko ..neh?," utos muli sa akin sinuot na nito ang goggles na may flash light hawak nito ang mahabang panusok para sa dadagitin namin mga isda.. " bakla ka! baka hindi kana maka balik mag lambat na lang kasi tayo," alalang sabi ko dito dahil sa dilim ng dagat at lalim nyan pwedeng siyang kapusin ng hangin.. " hindi ako sisid sa pinaka ilalim kung ano lang ang makita ko yun lang tutusukin ko nito.. at saka ang liit lang ng bangka natin baka hindi kayanin pag nilambat sigurado akong napakarami isda sa pwestong to..," maya maya pa umagaw samin ng pansin ang magkasunuran nag tatalon isda.. "o dabah sabi ko sayo eh," nagningning na sabi nito sa akin,.. "Oo na sige na dali dali bago pa tayo ma tyempuhan," pag mamadali ko dito pumuwesto nai ito at nag umpisa na nga tumalon.. napahaplos ako sa sarili kong katawan ng mapag isa na ako sa bangkang yon.. pasilip silip ako ng tingin sa tubig.. may lahing pating talaga ang baklang yon hindi ko alam kung ilang minuto na sa ilalim ng dagat at hindi pa umaahon. ilang sandali pa ay nanlaki ang mata ko ng umahon na si beks punong puno ang mahabang panghuli namin sa mga isda.. " ang dami beks!," gulat sabi ko dito agad ko binuksan ang malaking cooler .. " wow!," nag niningning ang mata ko ng sunod sunod ilagay ni beks ang ibat ibang malulusog na isda.. "ang dami malalaki pa nyan sa ilalim bebe! kaso hindi kakayanin ng Pana ko ," " ok nato gagi! ang lalaki na nga nito mabebenta natin ng mahal," sagot ko dito "korak! kukuha pa ako," tumalon ulit ito sa karagatan at ilang sandali pa ay umahon uli para ilagay ang bagong huli abot tengga ang ngiti namin ng mapupuno na namin ang cooler.. " last nalang isa pa!," ngiting tumatamango lang ako dito .. umiral uli ang katahimikan ng sumisid muli si Beks.. "Wahhhh!!! Cyrus Hindi ako marunong lumangoy!!!," takang akong napalingon sa mga sigawan sa kalayuan hinanap ko kung saan nang galing ang mga ingay .. pinipipilit ko aninagin ang maliit na liwanag parang isa itong yate may kalayuan pa sa amin pwesto ito.. kaya hindi ako sigurado kung yate nga ito?.. nainip akong tumingin muli sa dagat dahil parang ang tagal ng baklang yon umahon?.. napalingon na ako sa likuran ng unti unti ko ng naririnig ang ingay ng nag mumula sa yateng yon nanlalaki ang mata kong makita na yate nga iyon.. yateng nag aapoy at hindi ako nag kakamali papunta yon sa direksyon namin. sa taranta ko ay nag sisigaw ako sa baklang yon na nasa ilalim pa ng dagat.. "baklita! baklita ! mamatay tayo dito!," nag uuga ang bangkang sinasakyan ko dahil sa hindi mapakali kong galaw kinuha ko ang flash flight at nilubog ko sa ilalim ng dagat at inikot ikot lalo pa ako naloka ng malapit na ang yate sa amin.. akma na sana akong tatalon ng bigla bumuluga ang impaktang kanina ko pa tinatawag. taranta din itong umakyat agad sa bangka..hinila nito ang tali mula sa motor ng bangka para umandar kaso kailangan pa yata ng ilang hila sa makina yon para gumana!. " wahh! umandar kang animal ka!!," taranta sigaw ni beks na nag mistulang lalaki na dahil sa bilis ng kilos sa pag hila.. napalunok akong nakatulala sa nag liliwanag na papalapit na yate.. " WAHHHHHHH!!!!," malakas namin sigaw at laking mata naming nakatingin sa nag liliyab na malaking bangkang yon! at sakto bigla umandar ang bwisit namin bangka at pasalisi namin itong naiwasahan. pasapo kaming dalawang nakahinga ng malalim ng maiwasan nga namin ang rumaragasang yateng yon!, maya maya pa ay.. "BOOOMM!!!," tumaob ang bangkang sinasakyan namin dahil sa impact ng pagsabog ng yateng nag aapoy lang kanina.. nag talsikan lahat ng meron sa yateng yon at sumakit din ang tengga ko sa lakas ng pag sabog. lumiwanag ang kadilaman sa karagatan gawa ng pag sabog .. nakatulala kaming nakatingin lang ni beks dito habang pareho kami palutang lutang.. "wahhh ano bayon?!," balikwas ng katabi ko. na ngilabot ako ng makitang putol na kamay ng tao yon.. tumingin kami sa paligid namin at doon namin napag tanto na ibat ibang parte ng katawan ng tao ang nagkalat sa dagat.. "beks!," tawag ko dito ng makita patungo nasa bangka namin nakataob.. " halika kana hanna mababaliw na ako dito!," nanginiging nitong sabi walang hina hina ay agad niyang pinilit pa tihiyain ang bangka namin.. " sandali lang beks ayon yung cooler!," lumangoy ako papunta sa cooler dahil importante parin samin yon.. " Ohhhh??," napayakap ako sa cooler ng may marinig ako ungol inilinga ko ang paningin ko at nakita ko nga ang isang lalaking nakadapa sa ibabaw ng malapad na tabla na palutang lutang kinakabahan man ay nilapitan ko to dahil patuloy parin itong umuungol na parang ng hihingi ng tulong ng makalapit nga ako dito ay napagalaman ko nga siya yon at buhay pa ito.. "ano kabang babae! ka bakit nag dala kapa ng bangkay!," bulaslas ni beks sakin ng hila hila ko ang tablang sinsakyan ng estrangherong lalaki.. " buhay pa siya! tulungan muna ako dito," wika ko sa kanya na imbis yung lalaki ang hilahin pataas ay yung cooler ang unang kinuha dahil sa takot sa mamang daladala ko.. "ano kaba naman hanna hindi nga natin alam kung anong klase tao itong tinulungan mo," hilang sambit ni beks habang pinag tutulungan namin iakyat ang sugatang lalaki sa bangka namin.. napabalikwas kami ng makarinig ng sirena ng barko.. " naku tara na! mga Chinese Coast Guard nayan yari tayo!," mabilis na sunod sunod na hila ang ginawa ni beks at hindi naman nag tagal ay gumana ang makina ng bangka namin at mabilis nilisian ang "South china sea " " I RESCUED A MAFIA BOSS "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.3K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.0K
bc

Dangerous Spy

read
322.8K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
58.1K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook