Thamia “ANONG tinititigan mo?” Kasama ko si Mateo ngayon at kami lang ang natira rito sa penthouse. Sina Karen at Angelu ay day-off. Sina Nazarus at Xavier, hindi ko alam kung nasaan sila. Madalang ko lang silang makita. “Wala lang. Masama bang tumulala?” Tumawa si Mateo sa akin. Natigilan lang siya nang may mapansin. “Ang ganda ng kwintas mo, ah?” Tapos na ang 1st semester ko at bakasyon na namin. Masaya ako na nagawa kong malagpasan ang nagdaang semester. Napahawak ako sa kwintas ko. Ngayon lang siguro napansin ni Mateo ito. Magmula ng ibinigay ito sa akin ni Miguel, parati ko nang isinusuot. Pakiramdam ko ay kasama ko siya kapag suot ko ang kwintas. “Bigay ni Boss? Hindi ko nagawang magsalita at tumango lamang ako. Ngumisi si Mateo. “Alam ko ‘yang kwintas na ‘yan. May sentime

