Chapter 4

1215 Words
Hi!" Naka ngiting bati ni Monica sa lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid 40's ang edad. Akala ko ba anak ng kaibigan ni dad 'to? Eh parang halos same age na sila ni dad! "M-Monica Delavin, right? S-sit down, sit down," nakangiti at natataranta na tugon ni Bobby kay Monica at pagkatapos ay tumayo ito upang ipag hila siya ng upuan. "In fairness, gentle man!" Aniya monica sa sarili. "I'm sorry to keep you waiting, ang traffic kasi," paumanhin niya dahil halos isang oras siyang late sa time na usapan nila. "O-oh, I-it's nothing, you're worth to wait. By the way I'm Bobby," malapad pa rin ang ngiti sa labi na sagot nito sa kanya. Nagulat si Monica nang gagapin ng lalaki ang isang kamay niya at humalik ito doon. Eeew! Pasimpli niyang binawi kaagad ang kamay na hawak nito. "Nice to meet you Bobby," aniya at pilit na ngumiti sa kaharap. Nakahinga siya ng maluwag nang lumapit sa gawi nila ang waiter. Habang abala si Boby sa pakikipag usap sa waiter sa kung ano ang order nila. Siya naman ay napapailing na lang sa pagkadismaya habang lihim na inaaral ang kabuuang itsura ng lalaki na nasa harapan niya. Oh, Lord. Parusa ko na ba ito? I can't imagine myself being with him, and his bed! hindi ko talaga ma imagine paano ako sa sexy time naming dalawa, kaloka! "Anything wrong?" Tanong ni Bobby nang mapansin nito na hindi ginagalaw ni Monica ang pagkain na nasa harapan nito. "Ayaw mo ba ng mga ini-order ko? You can order anything you want," kapagkuwan ay sabi pa nito. Mabilis siyang umiling rito. "No, the food is perfect, I'm still quite full. So just eat up," pagdadahilan niya. Hindi naman ang food ang may problema. Nawalan na siya ng gana sa isiping balang araw ay ikakasal siya kay Bobby. Kinausap niya ang ama kung ano ang pwede nilang maging paraan para hindi tuluyang mawala sa kanila ang kumpanya. At ang tanging alas upang hindi tuluyang mawala ang kumpanya ay ang pakasalan niya ang anak ng kaibigan ng daddy niya. Taliwas man sa kanya ang bagay na iyon ay handa siyang mag sakripisyo para sa ama at sa kanyang nakababatang kapatid. At first, her dad dissagres her idea, but she insists on marrying his dad's billionaire son's colleague's friend. At kung ang pagpapakasal ang solusyon sa problema ng daddy niya ay bukal sa loob niya na gagawin ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay makaiwas sa stress at sa iba pang isipin ang daddy niya. Ang kumpanya ng daddy niya ang isa sa pinakamalaking kumpanya na nagsu-supply sa mga malalaking hardware sa pilipinas ng mga construction supplies, at mga malalaking bakal na ini-export sa ibang bansa. Kaya nga lang ay sa dami ng mga bagong companies na kayang mag bigay ng mas mababang presyo kumpara sa presyo na kayang ibigay ng kumpanya ng daddy niya ay unti-unting nawala ang mga hardwares na sinusuplayan ng kumpanya ng kanyang ama. Nang matapos silang kumain sa restaurant, Bobby insisted to drove her home. Naisip niya maigi na din para ma-practice ang sarili niya being around on his presence. "Thanks for driving me home," ani Monica nang nasa tapat na sila ng gate ng kanilang bahay. "It's my pleasure to drive you home, besides, sooner or later. I will drive you wherever you want to go, once we get married," anito sa kanya. Tanging isang pekeng ngiti ang itinugon niya sa sinabi ni Bobby. "Thanks again sa paghatid mo sakin, drive carefully, Bobby," kapagkuwan ay sabi niya sa lalaki. Akma na sana siyang tatalikod kay Bobby matapos mag paalam sa lalaki. Pero ganun na lamang ang pagkabigla niya sa ginawa nito sa kanya. Bobby held her wrist at walang sabi -sabi na kinabig siya palapit sa lalaki at humalik sa pisngi niya! Nanlaki ang mga mata ni Monica sa ginawa nito at mabilis na itinulak ito palayo sa katawan niya! At sa sobrang pagka bigla niya sa nangyari ay hindi niya namalayan na napa lakas ang pagtulak niya sa dibdib nito at nasampal pa niya ito sa pisngi. "Sorry, Ikaw naman kasi. Binigla mo ako!" Nanlalaki na aniya sa lalaki. Ang akala ni Monica ay mati-turn off sa kanya si Bobby dahil sa ginawa niya, pero laking gulat niya sa ginawa nito. Hinawakan ni Bobby ang isang kamay niya na ginamit sa pananampal sa mukha nito. "You know, you were the first woman who slapped me. At Kahit ilang beses mo pang gawin sa akin 'yun, okay lang. Ang lambot at ang bango kasi ng kamay mo!" Sabi nito habang paulit-ulit na inaamoy at idinadampi sa magkabilang pisngi ang palad niya na hawak nito. Mabilis na binawi ni Monica ang kamay sa lalaki nang makita niya na akma sana nitong hahalikan ang kamay niya. "Uhm, salamat ulit sa paghatid mo sa akin, Bobby. I'll go ahead na," aniya at hindi na hinintay pang magsalita ang lalaki dahil kaagad niya itong tinalikuran. Napapailing na lang siya habang mabilis na lumalakad papasok sa kabahayan. Nakakaloka ang lalaki na 'yon, may pagka manyak din taglay, ah! *** "So, totoo nga ikakasal ka na?" Hindi makapaniwala na tanong ng kaibigan ni Monica na si Camille sa kanya. "Parang ganun na nga," nakanguso na sagot niya sa kaibigan. Kinuha niya ang phone at ipinakita ang picture ni Bobby kay Camille. "My goodness! Monica, pumayag ka talaga na mag pakasal sa lalaki na 'yan? Halos kasing tanda na ng daddy mo 'yan, ah!" Bulalas ni Camille sa kanya. "I don't have a choice, I need to marry him to help my dad. Nalulugi na ang kumpanya ni dad, at hindi ko naman kaya na panoorin ko na lang ang tuluyang pagbagsak ng kumpanya niya. Kawawa naman ang younger brother ko," bakas ang kalungkutan sa mukha na sagot ni Monica. "That's why you are willing to sacrifice your own life para sa company ng dad mo? Yuck! I can't imagine you kissing that man when you marry him," maasim na mukha na pahayag ni Camille sa kaibigan. "Sabagay, mukha naman daks! Not bad," hirit pa ni Camille. "I'll cover his face na lang pag kailangan namin mag sexy time!" Sakay ni Monica sa biro ng kaibigan. At sabay bumulahaw ng malakas na tawanan ang dalawa. "Bakit hindi ka kaya lumapit kay Jake Fernandez, di ba dati patay na patay sa 'yo ang isa na 'yon? Balita ko big-time na s'ya ngayon ah!" Kapagkuwan au putol ni Camille sa tawanan ng dalawa. Napunit ang ngiti sa labi ni Monica. "Jake Fernandez," usal niya sa pangalan na binanggit ng kaibigan. "Baka murahin pa ako nun pag nakita ako! Alam mo naman ang nangyari noon 'diba?" "Sabagay… Ikaw kasi e, Paglaruan mo ba naman 'yung tao," "Aray, ah! Grabe siya mang judge," "Oh bakit totoo naman di ba?" "Hindi naman ganun 'yon 'no, misunderstanding lang po. Tsaka, hindi ko naman s'ya pinaglaruan noon," "Eh ano ba talaga ang nangyari? Bakit umalis si Jake dahil sa iyo?" "Hay naku, past is past. Huwag na nating pag-usapan pa ang nakaraan. Isa pa, mga bata pa tayo noon 'no. We were just high school students back time," pag-iiba ni Monica sa tema ng usapan nilang magkaibigan. Bigla siyang nakaramdam ng quilt sa sarili. Kasalanan ba talaga niya ang naging pagkawala ni Jake noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD