Chapter 5

2037 Words
Nagtatangis ang ngipin ni Jake habang nakamasid ito sa gawi ng abalang nag-uusap na sina Monica at Bobby. Kitang-kita niya na halatang napipilitan lang si Monica na pakibagayan ang lalaking pakakasalan ayon sa kaibigan nito na si Camille. Naniningkit ang mata niya sa galit sa tuwing nakikita ang madalas na paghawak ni Bobby sa kamay ni Monica. At ang mas lalo pagpapakulo ng dugo niya ay ang pasimpling paghalik ng lalaki sa kamay ni Monica. Nang matanggap niya ang text ni Camille kung saan makikita si Monica at ang lalaki umano na pakakasalan ng dalaga ay kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan upang puntahan ang mga ito. At hindi siya pwedeng magkamali. Sa itsura palang ng Bobby na iyon ay halatang may kamanyakang taglay ang lalaki. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng table at ini-dial ang number ni Camille. "So have you seen them?" Bungad kaagad ni Camille nang sagutin nito ang tawag niya. "I want to f**k that jerk!" Puno ng galit sa tinig ni Jake. "I told you, mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki na 'yan, kaya tulungan mo na ang kaibigan ko. Ang babae na mahal mo. I mean, minahal mo noon. She would only make her life miserable when she gets married to that man," ani Camille sa kabilang linya. "So what do you want me to do?" Tanong niya sa kausap. "Just help her, 'di ba gusto mo naman si Monica? Or should I say, mahal mo pa s'ya, tama? Then, here's your opportunity to take her ng walang kahirap-hirap. H'wag ka nang magpakain pa sa pride mo! Nakahanda na s'yang isakripisyo ang sarili n'ya by marrying the man that she doesn't love. Oh, eh bakit hindi na lang sa'yo, di'ba? Ikaw din baka magsisi ka sa huli pag naikasal na si Monica sa lalaki na 'yon," giit ni Camille sa kanya. Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Jake nang matapos ang pakikipag usap kay Camille sa telepono. Hindi siya ma-pride. It is just… He is just afraid that Monica would reject him again. Pero bakit nga ba pumasok sa isip niya ang bagay na iyon? He is now a handsome and sexy powerful engineer, Jake Fernandez, sa edad nito na 31. Lots of women dream of having him. Maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. Kaya bakit siya makakaramdam ng takot sa isang Monica Delavin lang? Kung nagawa ni Monica na paikutin at paglaruan siya noon. Pwes, Iba na ang sitwasyon nila ngayon. This time, He will use his power, connections, even his money. Para si Monica naman ang Paiikutin niya sa kanyang mga palad. Hindi malaman ni Monica kung bakit siya nakakaramdam ng labis na kaba sa mga oras na iyon. Pumunta siya sa kumpanya ng daddy niya dahil may isang businessman na gustong makipag-usap sa kanya. Nagtataka siya kung bakit siya ang gustong makausap ng businessman na iyon eh wala naman siyang alam sa pamamalakad at sa kalakaran ng company ng dad niya. Sobra-sobra na siyang nagpapasalamat kung totoo nga na handa ang misteryosong lalaki na iyon na isalba ang kumpanya nila. Kaya naman gagalingan niya sa presentation mamaya para makuha niya ang matamis na "YES" nito sa business proposal niya. Isa pang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago tuluyang pinihit pa bukas ang seradura ng pinto sa opisina ng daddy niya. Ang sabi ng secretary ng dad niya ay maagang dumating ang lalaki. Pero hindi naman siya late sa takdang oras na napagkasunduan sa pakikipag meeting niya dito. "Good Morning, sir!" She happily greeted the man seated on his father's swivel chair. Nangunot ang noo ni Monica at napaisip ito kung bakit tila parang ang lalaki ang boss kung umasta the way he seated on his father's throne. Habang abala ito sa pagbabasa ng mga dokumento sa ibabaw ng table ng daddy niya. Tumaas ang isang kilay niya dahil ni hindi man lang nagawang tumingin sa kanya ang lalaki nang batiin niya ito. The nerve! Mukhang masungit, ah! "Ehem!" Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng lalaki. Nag angat ito ng ulo at walang emosyon na tumingin sa dereksyon niya. And he didn't bother to smile at her. She abruptly widened her eyes ng napagtanto kung sino ang businessman na makakaharap niya. Walang iba kung di si Jake Fernandez! Hindi siya nakapaghanda sa bagay na iyon. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil bakit nga ba hindi niya naisip na itanong sa secretary ng daddy niya ang pangalan ng lalaki na gustong makipag-usap sa kanya. Tila naistatwa siya sa kinatatayuan kung ano ang pina-plano ng lalaki at nagkaroon ito interest na tulungan ang kumpanya ng ama niya? Ang pagkakaalam kasi niya ay matindi ang galit sa kanya ni Jake kaya naman kahit ilang beses na sila nagkita sa bahay ng kaibigan si Camille ay ni hindi siya magawang ngitian man lang. At minsan nahuli niya ito na masamang nakatitig sa kanya. Marahil kung nalulusaw lang siya matagal na siyang lusaw sa paraan ng masamang paninitig ni Jake sa kanya. "Tatayo ka na lang ba d'yan, Ms. Delavin? You will only have two minutes to discuss your business proposal," he coldly said to her. "Two minutes? Okay lang ba s'ya?" Hindi makapaniwala na aniya sa sarili sa sinabi ng lalaki. Ganun pa man ay tumalima siya kaagad sa sinabi ni Jake. Humakbang siya palapit sa table at inilapag doon ang isang folder na naglalaman ng kanyang business proposal. Wala siyang aaksayahing segundo sa ikli ng minuto na binigay sa kanya. by hook or by crook, kailangan niyang makuha ang matamis na "Yes" ni Jake upang hindi na siya matuloy ikasal kay Bobby. Titiisin na lang niya ang malamig na pakikitungo ng lalaki sa kanya kaysa matali habang buhay sa lalaking hindi niya mahal. Habang abala si Monica sa pagsasalita sa harap ni Jake. Napansin niya na tila wala naman sa loob ng lalaki ang makinig sa mga sinasabi nito. "You got me bored! Ms. Delavin, To tell you honestly, hindi pasado sa akin ang business proposal mo. Walang matinong negosyante ang kakagat ng proposal na 'yon." Walang gatal na pagsasalita ni Jake habang matiim itong naka titig sa kanya. Tumayo ito at pumunta sa harap ng table saka bahagyang isinandal ang sarili doon at pinag krus sa dibdib ang dalawang braso. Lahat ng pag-asa na meron si Monica bago siya pumasok ng opisina ay nawala. Ito na nga ba ang sinasabi niya, malamang gusto lang siyang paglaruan ng lalaki. Pero bakit nag punta pa ito sa kumpanya ng daddy niya? Para ano? Para mang insulto? na wala ng matinong negosyante ang magkakagusto na tulungan ang palugi nilang kumpanya? Sabagay, may point din naman ang lalaki. Wala na talagang maglalakas loob na isalba ang palugi nilang kumpanya. Muli siyang nalungkot sa katotohanan na tanging ang pagpapakasal na lang niya kay Bobby ang makasasalba ng kumpanya ng daddy niya. Yuck man para sa kanya ang makasal kay Bobby ay no choice na siya. Kaysa naman ibaba niya ang sarili at magmakaawa kay Jake na tulungan siya nito. "Thanks for your time, Sir. Kung hindi mo nagustuhan ang proposal ng kumpanya namin, at kung wala rin naman kaming mapapala sa iyo. You can leave now," taas noo na aniya kay Jake. "I still want to help you. Your company I mean," kapagkuwan ay sabi ni Jake sa kanya. He stepped closer to her and whispered. "Pero mataas ako maningil ng interest, Ms. Delavin, I am a businessman, at hindi ako sumusugal sa wala lang. Kaya kung muling I-angat ang kumpanya ng daddy mo, pero naka handa ka ba sa magiging kapalit?" Tila tumigil ang pagtibok ng puso niya ng mga sandaling iyon ng maramdaman niya ang pagdampi ng mainit-init na hininga ni jake sa kanyang pisngi. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng mamahaling perfume na gamit ng lalaki. Bagay na bagay sa kanya ang perfume nito, perfume ng isang kagalang galang at matikas na lalaki. "YES! I can do everything you want! Just help my dad," kapagkuwan ay natagpuan na lang niya ang sarili na sumagot ng yes sa lalaki. At wala na siyang pakialam pa kahit ano pa ang magiging kapalit ng pagkagat niya sa kasunduan sa lalaki. Ang alam lang niya ay may magandang balita siyang maibibigay sa ama. "You sure?" Hindi makapaniwala na tanong ni Jake sa kanya. "Yes! I'm sure." "Then, good. Let's start working on it." Ma-awtoridad na ani Jake sa kanya. Lihim siyang napangit. Sa wakas ay solve na ang problema ng dad niya. Pero ang hindi malinaw sa kanya ay ang huling sinabi nito na "Let's start working on it," "Just a reminder, be ready yourself." "Be ready yourself?" Ulit niya sa binitawan salita ni Jake. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. "Kapalit ng pagsalba ko sa kumpanya ng daddy mo. Ikaw ang kukunin kung kabayaran!" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig na sinabi ni Jake sa kanya. Muling inilapit ni Jake ang sarili at bumulong sa kanya. "Ang katawan mo ang kailangan kong kabayaran sa tulong na ibibigay ko sa daddy mo," mariing bulong ni Jake sa kanya. "What do you mean? Can you please be straight to your point? " "I want you to be my woman in bed. Warm me. Pleasure me every time I need you. That's simple," mapang insulto na sagot ni Jake. Nanigas siya sa kinatatayuan niya sa narinig. So, tama nga siya. May masama ngang pinaplano si Jake sa Kanya. Pero hindi niya hahayaan na insultuhin siya nito, lumakad siya patungo sa gawi ng pinto at binuksan iyon. "Sorry but I am not a fool para gawin ang gusto mo, I'm not a slut nor a w***e to warm you in your bed. Now leave, Mr. Fernandez," mariing sabi niya sa lalaki. Jake gritted his teeth dahil sa narinig. For the second time, she rejected him? But he will never let her reject him for the second time around. That thing will never gonna happen again. May alas siya laban kay Monica at iyon ang gagamitin niya para makuha ang dalaga. Sa kanilang dalawa ay hindi siya ang lalabas na talunan sa huli kung hindi si Monica. He marked his words! Inilang hakbang niya ang kinaroroonan ni Monica saka ito mapusok na siniil ng halik! Nanlaki ang mga mata ni Monica sa ginawa na iyon ni Jake sa kanya. Huli na para itulak pa niya ito palayo sa kanya dahil alipin na ng mapag parusang halik ni Jake ang labi niya. Hindi pa sana mapuputol ang paghihinang ng mga labi nila kung hindi dumating ang secretary ng daddy ni Monica. "Oops! Sorry po!" Gulat na bulalas ng secretary ng daddy ni Monica na si Audrey at nahihiya na tumalikod ito. "Balik na lang po ako mamaya. Tuloy nyo lang po ang ginagawa nyo, but please lang po, Isarado nyo naman ang pinto!" Reklamo ni Audrey habang lumalakad palayo sa gawi ng dalawa. "I'm a good kisser than Bobby, and better than him. Kaya wala akong nakikitang dahilan para hindi mo tanggapin ang alok ko," kapagkuwan ay putol ni Jake sa katahimikan ng dalawa. Marahang humalakhak si Jake. "Come on Monica, I know you can't sleep with him. You wouldn't have a choice this time. So lower your pride and get my offer. That would be your bravest decision you could ever have. Think about the company and your father before you turned down my offer," giit ni Jake kay Monica. Nanatiling walang imik si Monica sa lalaki habang madiing nakahawak sa seradura ng pinto. "Reminder; the moment I leave this place. There's no turning back. I can offer you once, 'cause I don't give second chances," Kinain ng takot at panghihinayang si Monica sa narinig na banta na iyon ni Jake. Hindi niya ugaling magbaba ng pride. Pero sa mga oras na iyon ay tama si Jake, she need to lower her pride and accept his offer. Besides, she would rather be with Jake's bed than to Bobby's place! Big YUCK to be with Bobby! "Fine! I'll accept your offer!" Aniya sa lalaki. "Well, then good," nakangisi na sabi ni Jake sa dalaga at tuluyan nang lumabas ng lugar na iyon. Naiwang napatigalgal si Monica sa kinatatayuan nito na hindi makapaniwala sa naging offer ni Jake sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD