Monica took the shower off. She hurriedly covered her wet body with towel. Halos masira na ang doorbell niya sa sunod-sunod na pag buzz ng kung sino man ang nasa labas ng unit niya. Mabilis niya na tinungo ang pinto ng condo at binuksan iyon. "What the hell—" She was shocked when she saw Jake outside her unit. Maging si Jake ay nagulat ng tumambad sa mga mata nito ang ang nakatapis lang ng tuwalya na dalaga.
So, Nag-eenjoy ka talaga na pag masdan ako!
Sumilay ang kinang sa mga mata ni Monica nang makita si Jake na halos walang kakurap-kurap sa paninitig sa kanya. "Would you like to come in?" Pilyang wika niya kay Jake na mas pinaarte pa ang pagsasalita.
"T‐Thanks! " Nauutal na sagot ni Jake. Malapad na binuksan niya ang pinto upang makapasok si Jake sa loob ng unit niya.
FUCK IT!
Jake cursed silently nang muntik mawala ang towel sa pagkaka pulupot sa hubad na katawan ni Monica. At parang na kuryente ang kamay ni Jake ng mahawakan nito ang dibdib ni dalaga nang mabilis niyang inagapan huwag mahulog ang towel nito.
"Thanks! " Pasasalamat ni Monica at inayos ang pagkaka cover ng towel sa kanyang katawan. Si Jake naman ay mabilis na tumingin sa ibang direksyon upang hindi suwayin ang mga mata na mapadako ang sa katawan nito. Pakiramdam niya pag hindi siya nag pigil sa kanyang sarili ay matutukso na naman siya ng mapang akit na katawan na katawan ni Monica lalo na't halos lumantad na sa kanyang mga mata ang buong katawan nito.
"Have a Seat, magbibihis lang muna ako, " kapagkuwan ay sabi ni Monica. Deep inside ay tuwang-tuwa siya. Seeing Jake na halatang nagpipigil sa kapusukan na taglay ng isang lalaki. Jake nodded. Kaya pumihit na siya patalikod at naglalakad patungo sa silid niya.
Habang lumalakad si Monica papunta ng silid ay napapangiti siya. Alam niya na pinapanuod siya ni Jake habang lumalakad, kaya naman mas binagalan pa niya ang bawat pag hakbang. Tama siya ng palagay, Jake is still into her. He still attracted at her, kaya naman kahit paano hindi siya mahihirapan pakisamahan ang binata into the long run ng kondisyon nito sa kapalit nang pag salaba sa kumpanya ng daddy niya. Alam niya na galit sa kanya si Jake, thanks God at blessing in disguise na tinulungan sila nito at naisalba siya nito sa naka takda sanang pagpapakasal kay Bobby, and that's enough for her. At least hindi na niya kailangan mag dusa na makasama ang oldie man na iyon. Hindi kasi talaga niya ma- imagine ang sarili niya being as Bobby's wife kung sakali man na natuloy ang kasal nilang dalawa. Gagamitin na lang niya ang charm niya kay Jake para hindi siya nito pahirapan ng sobra.
You jerk!
Sita ni Jake sa sarili. He can't help but stare at Monica. Seeing her while water dripping into her wet hair, at ang butil-butil na tubig sa leeg na pumapatak patungo sa lantad na cleavage nito. He couldn't stop himself to turn on by her attractive and ideal body. Ramdam niya ang mabilis na pagkabuhay ng daloy ng dugo niya sa katawan. Maraming beses niyang sinabi sa sarili na hindi na muli siya magpapadala sa dalaga dahil siya na ang mag papaikot at nagpapahirap dito. Pero bakit ganoon ang nangyayari? Bakit wala pa man ay siya na ang na papaikot ng dalaga sa simpleng gesture palang nito sa Kanya. Like what happened a while ago nang makita niya ang itsura ni Monica na tila baliwala lang dito ang muntik ng mahulog na towel na nakatapis sa hubad na katawan nito.
Shocked siya na mas siya pa ang na bothered sa pangyayari na iyon at hindi ang dalaga. Well, mukhang nababasa na niya ang tumatakbo sa isip nito, marahil ay iniisip nito na he's still into her kaya for sure na aakitin siya nito para mahulog muli siya sa dalaga. Pero hindi, hindi na siya ang dating nerd Jake baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Monica Delavin. Iba na siya ngayon, kumpara noon. He's not madly in love with her. Not anymore!
"Sorry to keep you waiting," ani Monica nang matapos magbihis at lumapit sa nakaupo na si Jake sa sofà.
"Are you going somewhere? " Agad na tanong ni Jake nang mapansin ang suot na uniform ni Monica. Simpleng white blouse na may naka print na pangalan ng Real Estate company na pinagtatrabahuhan nito na tinernuhan ng color black palda hindi lalampas sa tuhod.
"May client ako na naka sched mag tripping ngayon sa condo na bibilin nila," sagot ni Monica habang inaayos ang mga papeles at fliers na dadalhin sa pag-alis.
"Pwes, mag-resign kana sa Real Estate company na 'yan," kapagkuwan ay ani Jake.
Tumaas ang kilay ni Monica nang marinig ang tinuran ni Jake. Inu-utusan siya nito na mag resign?
"I can't," kibit balikat na sagot niya sa lalaki habang patuloy na nilalagay sa bag ang mga dadalhin fliers and papers.
"Hindi ko na uulitin sabihin sa 'yo 'to, I order you to resign from your job, then move work at your father's company." Walang gatol na wika ni Jake.
She faced and smirked at Jake. "I'm sorry, but my dad knows that I don't want to work for his company. And I don't even know how to run a company, baka ako naman ang maging dahilan para malagay sa alanganin ang kumpanya ni dad," giit niya sa lalaki.
Nauubusan ng pasensya na tumayo si Jake kapantay ng dalaga na sapat lang ang distansya nila sa isa't-isa.
"Akala ko ba mahal mo ang daddy mo? So, bakit hindi mo s'ya tulungan patakbuhin ang kumpanya n'yo? I need you there, at isa pa, hindi mo ba alam na may nangyayaring nakawan sa kumpanya ng daddy mo?" Wika ni Jake sa kanya sa tunay na nangyayari sa loob ng kumpanya ng daddy nito.
"Nakawan?" Hindi makapaniwalang bulalas na tanong niya rito.
Mabilis na tumango si Jake. "Yes, now you have all the reasons to move to your dad's company, "
Nalaglag ang balikat ni Monica sa narinig. Hindi niya feel ang magtrabaho sa company ng dad niya pero wala siyang choice. Kailangan niyang tulungan ang ama sa pamamalakad ng kumpanya. Besides, iyon naman talaga ang goal niya, ang matulungan ang daddy niya.
" Just give me a couple of days, may mga aayusin lang ako na pending client ko, then I let you know kapag free na ako." Wika niya kay Jake sa mas mababang tono ng boses.
Sobra siyang nag-eenjoy sa pagiging isang Real Estate agent consultant na trabaho niya. Hindi naman kasi siya nahihirapan na maka kuha ng buyers dahil ginagamitan niya ng charms at galing niya sa pagbebenta. At lucky talaga siya dahil ipinanganak siya na maganda. Isa pa ay malaking tulong ang kaibigan niya na si Camille na nagbibigay ng mga solid buyers sa kanya. At isa na nga dito ang mga mistress ng mga mayayaman na negosyante.
Makalipas ang apat na araw, nagpunta siya sa bahay ng ama upang ibalita na nagtatrabaho na siya sa kumpanya nila. Hindi maipinta ang kasiyahang lumatay sa mukha ng daddy niya nang marinig nito ang magandang balita na sinabi niya. Pero hiniling niya sa ama na mananatili siya condo unit niya at wala siyang balak na pumalagi sa bahay ng mga ito. Sinang ayunan naman siya ng dad niya at masayang-masaya na ang ama nito dahil sa wakas ay may pakialam na siya sa kumpanya dahil sooner or later naman ay silang magkakapatid ang magmamana niyon.
Lunes nang umaga ay maagang gumising si Monica upang mag handa sa pagpasok sa kumpanya. Tinawagan siya ni Jake na susunduin daw siya nito at sabay na silang pumunta sa kumpanya. Mamaya-maya ay tumunog ang doorbell ng unit niya kaya naman mabilis niya na binuksan iyon dahil alam niya na si Jake na ito.
"Nag breakfast ka na ba?" Tanong ni Jake habang patuloy na nagmamaneho ng sasakyan.
Tumingin siya at ngumiti kay Jake saka nag salita. "Yes, a cup of cereal and milk," aniya.
Hindi na sumagot si Jake pero ilang sandali ay inihinto nito ang kotse sa isang restaurant na nadaanan nila. " Let's eat first, You have a long day to day, kaya dapat na maayos na breakfast ang kainin mo," wika Jake pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan.
"No, thanks. I'm enough with my breakfast, you can go and eat, I'll stay here nalang." Giit ni Monica na maiiwan na lang siya sa car habang kumakain sa loob ng restaurant ang lalaki. Hindi naman kasi siya sanay na kumain ng heavy meal sa umaga dahil kinasanayan na niya ang cereal and milk every morning.
"Let's go," Muling yaya sa kanya ni Jake kasabay ng pagtanggal nito ang seatbelt na waring hindi narinig ang sinabi niya.
The nerve! Ang kulit talaga ng lalaking na 'to!
Aniya sa sarili nang makita niya na umikot ang lalaki at pinagbuksan siya ng pinto.
Pinang mulatan niya ito ng mga mata at napipilitan na lumabas ng sasakyan.
Talagang she really has had a difficult and long day to be with him!
"Hindi naman siguro natin last day sa mundo ngayon, 'no? " Aniya nang makita ang maraming ini-order na pagkain ni Jake.
"Just eat," tanging sagot ni Jake at sinimulan kumain sa harap niya na parang normal lang na nakakasabay siya nito kumain.
"Eat well, " kapagkuwan ay sabi niya sa ganadong kumakain na lalaki. Kumuha siya ng small amount of rice at fried chicken saka sinimulan ang pagkain. Habang ngumunguya siya she can't help but to stared at him. Ang layo-layo talaga ng Jake Fernandez noon kumpara sa ngayon. He's really hot and hunk! My gosh! Bawat pag buka ng bibig nito ay gumagalaw din ang ugat sa mga leeg nito! He's manly sexy lips na halatang maraming mga babae ang pumapantasya dito. Nahagip din ng mga mata niya ang mabalahibong dibsib ng binata dahil sa suot nitong v- neck short sleeve casual polo shirt, bagay na bagay sa Kanya ang pagkaka fit nito.
Oh! Napa buka ng bahagya ang bibig niya habang iniimagine kung gaano kakapal ang balahibo nito sa dibdib. Bet na bet pa naman niya ang mabalahibong dibdib ng lalaki! "
"What?" Wika ni Jake sa kanya nang mapansin nito na may kapilyahang namumuo sa isip ang dalaga.
"Oh, nothing. " pagsisinungaling niyang sagot sa binata. Hindi naman siya pinag aksayahang pansin ng binata. Pagka bayad ni Jake sa bill nila nauna na itong lumakad palabas ng restaurant.
Hmm! Sungit!
Patayo na sana si Monica nang marinig niya na tawagin siya ng pamilyar na boses.
"Hi!" Nakangiting bati sa kanya ni Bobby.
"H-hi, Bobby!" Naka-ngiti rin sagot niya sa lalaki.
Hindi paman tumatagal ng ilang minuto ang pakikipag kamustahan ng dalawa ay natigil sa pagsasalita ang dalaga.
"Oh my! Bulalas nasambit ni Monica sa pagkabigla nang hiklatin siya ni Jake sa bewang palapit sa katawan nito kasabay ng nanlilisik na mga mata na nakatitig sa kausap na si Bobby.
"SHE MINE! MINE ALONE!" Madiin na wika ni Jake kay Bobby at hindi na nito hinintay pa na magsalita ang lalaki dahil hinila na nito si Monica palayo harapan ni Bobby. Sa kabilang banda naman ay napapangiwi si Monica dahil halos kaladkarin na siya ni Jake sa laki ng bawat hakbang nito sa pagmamadali na makalabas sila ng restaurant na iyon.
SHE MINE! MINE ALONE!
The words spinning to her head. Na shocked siya sa binitawang salita ni Jake kay Bobby. Totoo kaya ang bagay na iyon? Or baka naman sinabi lang nito iyon for nothing, or 'di kaya ay nainis lang ito dahil natagalan ang lalaki sa pag aantay sa kanya na sumunod siya dito palabas?