Chapter 7

1773 Words
Sa buong byahe papunta sa kumpanya ng daddy ni Monica ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa matapos ang nangyari kanina sa restaurant. Nangyari dito? Biglang inatake ng sumpong? Napabuntong hininga na tanong ni Monica sa sarili dahil mukhang malakas ang sumpong ng kasama niya, nagtataka naman siya dahil wala naman dahilan para mainis si Jake ng ganon ka tindi sa kanya. Oh…my! Nagselos ba s'ya kay Boby? Umiling iling siya upang hindi sang ayunan ang tumatakbo sa kanyang isip. Malabo naman kasi na mag selos si Jake kay Boby, marahil ay nainis lang ito dahil natagalan siya na sumunod palabas ng restaurant. Iyon lang talaga 'yun. Nang makarating sila sa kumpanya ng daddy niya ay pinakilala siya sa kaagad sa lahat ng empleyado at binigyan siya ng gawain. Funny thing is, company iyon ng daddy niya pero hindi siya kilala ng mga employees, di tulad ng pagsalubong na galang ng mga tao roon kay Jake na kung todo ang yuko at pagbati ng magandang umaga sa lalaki. Kaya may parte ng puso niya na parang gusto niyang mainis, siya dapat ang ginagalang ng mga employees ng company ng daddy niya pero wala siyang makita ni kaunti na paggalang mula sa mga ito maliban na lang sa secretary ng daddy niya, na nakakakilala sa kanya. Ang utos sa kanya ni Jake bago ito umalis ay kailangan niya na mag start sa pinaka mababang posisyon upang malaman niya ang mga bagay bagay kung paano patakbuhin ang kanilang kumpanya. Ibinilin siya ni Jake sa secretary nito na si Abegail ang secretary ng dad niya na ito na ang bahala na mag assist sa kanya sa mga dapat na gawin sa buong araw na iyon. "G-good afternoon, Sir. " Bati ng secretary ni Jake sa kanya nang makita siya nito na papasok ng opisina. " Is there something wrong?" kunot ang noo na tanong ni Jake sa secretary nang mapansin nito na nagulat ng makita siya. "Uh... ahm... ano po kasi sir—" Hindi na pinatapos ni Jake ang gustong sabihin ng kakaharap dahil mabilis siyang lumakad papasok sa opisina at nabulaga siya nang makita si Monica na nakahiga sa couch habang may isang empleyado na nagmamasahe sa mga paa nito! Naningkit ang mga mata ni Jake sa nakikita niya. Kahit kailan talaga ang babae na 'to! Masyadong bossy! At ayaw ng nahihirapan " MONICA! " Napatayo ng tuwid sa paggulat ang babae na nagmamasahe sa paa ni Monica sa malakas na boses ni Jake. Samantalang si Monica naman ay hindi natinag sa pagkakahiga. "Sir!" Nabigla na turan ng babae na nagmamasahe kay Monica at yumuko ito na tanda ng paggalang. " You can leave now. " Kapagkuwan ay utos ni Jake sa babae, at ito na rin ang nagbukas ng pinto upang makalabas ka agad ang ito. Mabilis na inilang hakbang ni Jake ang couch na kinaroroonan ni Monica ng silang dalawa na lang ang naroon sa loob at pagkatapos ay tinignan niya ito na tila tigre na handang manakmal sa sobrang galit. "What?" Maang tanong lang ni Monica sa nanggagalaiti sa galit na si Jake sa kanya. "Having a foot massage during working hours? Really? Monica? " Sarcastic na turan ni Jake. "I'm a bit tired, Abegail tours me around the company," she tried to defend herself sa naabutang eksena ni Jake pero nabigo siya na gawin iyon dahil sinabon na siya nito. " Look, Monica. Hindi ka pwedeng kumilos at mag-inarte ng ganyan sa kumpanya na 'to, hindi dahil sa anak ka ng may-ari ng kumpanya, doesn't mean that you can do everything you want to do. Mahiya ka naman sa mga empleyado na ginagawa ng maayos ang mga tungkulin nila, at ikaw, ano? nagpapasarap lang dito? With matching foot massage pa!" Muling singal ni Jake dahilan naman para ikataas ng kilay niya. "What you see it's not what you think, okay. I'm just relaxing for about a couple of minutes, natapos ko na din naman lahat ng mga pinaggagawa mo. Hindi naman siguro masama na mag rest for a while di'ba?" Kalmado na sagot niya sa lalaki upang hindi na mag escalate pa ang tensyon sa pagitan nila. Napahinto ang muli sanang pagsasalita ni Jake nang kumatok sa pinto ang secretary nito. Nanlaki ang mga mata ni Monica nang makita nito ang dala ni Abegail na mga papel. Bad shots na naman siya nito kay Jake. Agh. "Ma'am Monica, pinabibigay po ng isa sa mga intern, na I-xerox na daw po niya lahat." Namula ang buong mukha ni Jake sa pagpipigil ng galit kay Monica. Ang inutos pala niya sa dalaga na i-xerox ng 500 pcs ang form na binigay niya dito na gawain ay ipinasa din pala sa iba! Nauubos na talaga ang pasensya! Pagkalapag ni Abegail sa ibabaw ng table ni Jake ang hawak na forms ay agad din itong lumakad palabas ng pinto. Pero bago pa man ito tuluyang lumabas ng opisina ay bumaling ito kay Monica at nagsalita. "Marami pong salamat mam Monica sa treat n'yo sa amin, dumating na po yung pinadiliver mo na pizza." Napangiwi si Monica sa pasasalamat na iyon ni Abegail. Sa mukha kasi ni Jake ay mukhang mali na naman ang ginawa niya. "It's nothing, and that's a small things to return a favor," kapagkuwan ay malapad ang ngiti sa labi na tugon niya kay Abegail. Napahilot nalang sa sintido si Jake, lahat talaga ng bagay ay madali nakukuha ni Monica ng walang kahirap hirap. Palagi nitong pinapagana ang pera. Tanda pa niya noong high school sila kapag cleaner ito ay hindi naglilinis bagkus ay kumukuha ito ng kapalit niya para maglinis, at marami siyang nauuto na mga classmates din nila dahil sa binibilan niya ang mga ito masasarap na pagkain or kung minsan naman ay chocolates ang pinamumdmod nito. Pero iba na ngayon, she will make sure na hindi na mapapaikot pa ni Monica ang mga tao sa paligid nito dahil wala na rin itong pera. Alas singko ng hapon ay uwian na ng mga empleyado, kaya naman hindi na niya hinintay pa na magbigay ng order si Jake na pauwiin siya. Inayos niya ang sarili at naghanda na upang umuwi. Nang makarating na siya sa labas ng kumpanya at mag-aabang na sana nag taxi ay narinig niya na tinawag siya ng isa sa mga guard. "Yes? " Takang tanong niya sa guard. "Uhm… Ma'am, pinapasabi po kayo ni Sir Jake na hindi pa daw po kayo pwedeng umalis kaya hintayin mo daw po siya, dahil pababa na daw po si sir," magalang na will sa kanya ng lalaki. Napaisip siya bigla sa sinabi ng gwardya sa kanya, may mali na naman ba siyang nagawa? Dahil panigurado na sisinghalan na siya nito for sure. Habang abala si Monica na mapapanood ng mga nagsisi uwian na mga empleyado, sa paghihintay na lumabas si ni Jake sa building. Nang makita niya ito ay agad niyang nilapita upang tanungin kung ano pa ang kailangan nito sa kanya at pinag-antay pa siya ng napakatagal. Gustong gusto na talaga kasi niyang humilata sa malambot na kama niya dala ng labis na pagod sa buong maghapon. Ngunit hindi pa man niya ibinubuka ang bibig para magsalita ay nauna ng bumigkas ng salita si Jake sa kanya. "Let's go," wika ni Jake sa kanya ng makita siya nito sa labas. "Hey, wait!" Sagot niya habang pilit na sinusundan ang lalaki sa paglalakad patungo sa nakaparada nitong kotse sa parking lot. "You are coming with me," kibit balikat lang na sagot sa kanya ni Jake na binuksan ang pinto ng kotse at naupo sa driver seat. "I am tired Jake, I don't want to go somewhere else with you. Right now, all I want is to go straight to my condo and get myself into bed." Salubong ang kilay at nakapamewang na sagot niya sa lalaki sa tapat ng nakabukas na pinto ng kotse sa driver seat. "Well, I don't f*****g care if you are tired, you are coming with me so hop in now. " Giit ni Jake at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto ng kotse. "Grrr!" Yamot na nagpapadyak si Monica na pumasok sa kotse ni Jake at pagkatapos ay padabog niya na sinara ang pinto ng kotse tsaka sinandal ang likod sa backrest. "Saan naman tayo pupunta?" Hindi maipinta ang mukha na tanong niya rito habang nakatingin sa labas ng bintana. "Sa unit ko dahil patitinuin kita," sagot nito habang binubuhay ang makina ng kotse. Mabilis na bumaling ng tingin si Monica sa lalaki. "Anong sabi mo? Sa unit mo? Anong gagawin ko doon?" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya rito. "Do I have to remind you that I own you now, Monica?" Mababa ngunit buo ang tinig na wika sa kanya ng lalaki habang abala ito sa pagmamaneho ng sasakyan. Napalunok siya sa tinuran nito sa kanya. Do I have to remind you that I own you now, Monica… Bigkas niya sa isip sa sinabi ni Jake. So ano ang gagawin nito sa kanya sa unit nito? Wala siyang dala na damit pamalit, paano siya matutulog sa unit nito? Baliw ba siya? "Wala akong damit na isusuot unit mo, kaya paano ako matutulog 'di ba?" Maya maya ay sabi niya. "Don't mind it, pinalipat ko na ang ibang mga gamit mo sa condo ko—" "Anong sabi mo? Pumasok ka sa unit ko ng walang permiso mula sa akin?!" Umuusok ang ilong na putol niya sa pagsasalita ni Jake. Mabilis na umiling ito sa kanya. "Not me, your housekeeper," sagot nito sa kanya. "Pero bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo hinakot ang gamit ko sa unit ko?" Muli ay giit niya rito. "Sa unit ko ikaw mag-eestay simula sa araw na ito dahil magiging personal assistant kita sa lahat ng lakad ko," "Ano?!" Bulalas na tanong niya sa lalaki. Tumango si Jake rito. "Yes, simula sa araw na ito ay P. A na kita. Since ayaw mo lang rin naman mapagod sa pagtatrabaho sa company ng daddy mo, bibigyan kita ng madaling trabaho. Ang pagiging personal assistant ko lang," wika nito sa dalaga. Napaisip si Monica sa sinabi ng lalaki. Sabagay, mas madali na rin ang maging personal assistant nito kaysa magpagod siya sa kakatayo at kakalibot sa kumpanya nila na masyadong mainit at maalikabok lalo na sa feld ng mga malalaking bakal na ini-export abroad. Nakangising palihim na sinipat ni Jake ang natahimik na si Monica. Kung sa inaakala nito na magiging madali ang pagiging personal assistant na trabaho sa kanya ay nagkakamali ito. Ipaparanas niya dito kung paano siya nito inalalay noon sa kakautos nito sa kanya ng mga panahon na baliw na baliw pa siya sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD