Chapter 8

1987 Words
"Finally, natapos din ako!" masayang wika ni Monica sa sarili matapos magluto ng hapunan nilang dalawa ni Jake. Hinubad niya ang apron at pagkatapos ay lumakad papunta sa silid ng binata. Kumutatok siya ng tatlong beses sa pinto at hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto. Mabilis siyang napalunok nang tumambad sa kanya ang binatang walang suot damit pang itaas at tanging boxer short lang ang suot. Mahilig siya sa mga gwapong lalaki pero hindi siya ang tipo ng babae na fanatic ng ma-abs na katawan ng boys. Pero nanlaki ang mga mata niya sa mapipintog at malaki na matigas na abs ng lalaki. Napa tanong siya sa sarili kung paano nag transform, ang patpatin, nerdy classmate s***h suitor niyang si Jake, way back then during their high school days. Naputol ang pag-iisip niya nang malakas na tumikhim ang lalaki at pagkatapos ay nagsalita ito. "Tapos ka na ba magluto?" Tanong nito sa kanya. "Uhm... o—oo! Nakaluto na ako," sagot niya matapos mabawi ang sarili sa pagkatulala. "Okay, susunod na lang ako sa kitchen," sabi sa kanya nito at pagkatapos ay walang niha-niho na sinarahan siya ng pinto. HUMPS! NAGING GWAPO AT HOT LANG, NAGBAGO NA PATI UGALI? AKALA MO KUNG SINONG GWAPO NA! TSE! Inis na sabi niya sa kabastusan na inasal ni Jake sa kanya. Lumakad siya pabalik sa kitchen, gutom siya oo, pero mas gusto niyang ihilata ang katawan sa malambot na kama sa sobrang pagod ng buong araw na iyon. "Hapunan ang pinapaluto ko sa iyo, hindi breakfast." dismayadong bulalas ni Jake matapos makita ang mga naka-atang na nilutong pagkain ni Monica sa hapagkainan. "Really? Hotdog and egg for dinner? Inabot ka ng halos 1 and half hour sa pagluluto then 'yan lang pala ang niluto mo," he added. Mabilis umusok ang ilong ni Monica sa narinig na sinabi ni Jake, aba't sa halip na magpasalamat ito sa pagod niya sa pagluluto ay iyon lang ang maririnig niya mula dito? Hinga ng malalim, Monica. Inhale... Exhale... huwag papadala sa inis mo sa lalaki na iyan. "Pagod na kasi ako, Jake. Kaya sorry kung 'yan lang ang nakayanan kong lutuin. At isa pa, frozen ang mga meat na stock sa loob ng ref mo. So I decided na hotdog ang egg na lang ang lutuin ko para mabilis na din akong matapos sa pagluluto." Mahinahon at nakangiting sagot niya rito. Lumakad si Jake patungo sa sink para maghugas ng kamay, at pagkatapos ay kumuha ng tissue. "Kung hindi ka naman pala magluluto ng maayos na ulam, sana nagbukas ka na lang ng delata, may luncheon meat ako d'yan sa food storage—" namilog ang mga mata na napatigil si Jake sa pagsasalita ng makita niya ang mga sunog na hotdogs and eggs sa trash bin nang itapon niya ang tissue na ginamit niyang pamunas ng basang kamay. Kaya naman pala inabot ito ng siyam siyam sa pagluluto ng simpleng pritong itlog at hotdog lang ay halos maubos na nito ang stock niya sa fridge! Napakagat labi si Monica sa kaba ng makita niya si Jake na umasim ang mukha kasabay nang pangungunot ng noo na humarap sa kanya. Strike na naman siya nito! "S-sorry... ano... ahm... papalitan ko na lang 'yung mga nasunog kong stock mo," naka-ngiwing wika niya sa lalaki. Alam niya na magagalit at sasabunin na naman siya nito kaya inunahan na niyang magsalita. "You are old enough, Monica, but until now, simpleng pagpiprito lang ng itlog at hotdog hindi mo pa magawa ng tama?" Mababa pero puno ng pang maliit na tinig ni Jake. Humila siya ng silya at naupo roon. Then he made a tsked. "Tsk. 'yan kasi, ang hilig mong ipasa sa ibang tao ang trabaho mo kaya ngayon simpleng gawain lang hindi mo magawa ng maayos," dagdag na sabi pa niya habang napapailing sa pagka dismaya na nilalagyan ng pagkain ang plato. "Ano ba 'to? Lugaw or Kanin? Pati ba naman pagsasaing hindi mo pa alam gawin? Tsk!" Sabi pa niya sa nilutong kanin ng dalaga na halos maging lugaw na sa dami ng tinubig sa bigas. "Alam mo, sa halip na i-appreciate mo 'yung pagod ko sa pagluluto ko, panay ka pa reklamo. Edi sana ikaw na nagluto para na-satisfy mo ang sarili mo sa gusto mong luto ng pagkain!" Inis na sagot niya kay Jake. Pinipigilan naman niya ang sarili na huwag sumagot sa lalaki pero grabe na ito sa kanya. Pagod siya at masakit ang likod, binti, sakong at buong katawan niya sa pag-iikot sa kumpanya ng daddy niya. Palibhasa ay wala ito roon maghapon at hindi nito nakita ang paghihirap niya kaya ganoon ito magsalita sa kanya. Pinagluto na nga ng makakain, reklamador pa? Siya nga ni hindi pa niya naipagluluto ang sarili niya ni minsan, kaya lucky ito dahil naipagluto niya ito. Tapos, mamaliitin lang ang luto niya? The nerve! Nang matapos silang kumain ay wala man lang pasalamat na namutawi sa bibig ni Jake, basta tumayo lang ito sa hapagkainan at muling pumasok ng kwarto. Panay reklamo sa niluto ko, eh naubos din naman niyang kainin! Kainis! Nakanguso na sabi niya sa sarili habang hinuhugasan ang mga pinagkainan nila. Nang matapos siyang maghugas ng plato ay nag prepare na siya sa pagtulog, at dahil wala siya sa sariling unit ay hindi niya magagawa ang night routine niya. Pagod na nahalungkat siya ng maisusuot sa loob ng bag upang pamalit niya matapos maligo. Dala ang damit ay lumakad siya papunta sa silid ng lalaki tsaka kumatok sa pinto. Tumaas ang kilay niya sa inis dahil nakakailang katok na siya sa pinto ay parang walang balak si Jake pagbuksan siya ng pinto. "Jake! Jake tulog ka na ba?" Malakas na tawag niya sa lalaki kasabay ng paulit-ulit na katok sa pinto. "Bakit," tipid na sabi nito sa kanya nang pagbuksan siya ng pinto. Napabuntong hininga siya. Akala talaga niya ay hindi siya pagbubuksan ng pinto ng lalaki. "Pwede ba akong makigamit ng banyo mo? Wala kasing shower sa cr sa kitchen," sabi niya rito. Napalunok siya ng haguran siya ng tingin ni Jake mula ulo hanggang paa na waring sinusuri ang buong katawan niya. "Please..." pakiusap niya para pumayag ito. Nakahinga siya ng maluwag nang buksan nito ang pinto para makapasok siya. "Salamat!" Nakangiting pasasalamat niya dito at hindi na hinintay pa na muling magsalita pa. Mabilis siyang pumasok at naglakad patungo sa banyo ng lalaki na parang alam niya ang pasikot-sikot sa loob ng silid ito. Sa dami ng nabenta niyang condo, may idea na siya sa iba't ibang design ng room at kung saan naka place ang banyo sa loob ng kwarto. Especially sa tulad ng unit ni Jake na isang tao lang ang nakatira. Pag pasok niya sa banyo ay mabilis niya na hinubad ang suot na damit at pagkatapos ay itinapat ang hubad na katawan sa dutsa ng shower. Ah! Heaven... Aniya habang ninanamnam ang umaagos na warm water mula sa shower. Inabot siya ng halos kalahating oras sa pagshashower dala ng sandamakmak na alikabok na kumapit sa balat niya. Ini-off niya ang shower at binalot ang basang katawan ng towel. Suot ang kulay pulang night dress at seamless panty ay lumabas siya ng banyo na ang basang buhok ay naka balot ng towel. Sunod-sunod na napalunok si Jake ng makita ang kalalabas lang sa banyo na si Monica. Sa ikli ng suot nito ay kumikinang ang natural na maputi at makinis na balat ng dalaga, kaya naman mabilis na namagnet ang mga mata niya sa katawan nito. Kemeng naupo si Monica sa isang dulo ng kama ni Jake. Ngunit hindi pa man siya tumatagal ng ilang sigundo sa pagkakaupo ay narinig niya na nagsalita ito at pinalalabas na siya sa silid ng lalaki—so saan pala siya matutulog ng gabi na iyon? "Tapos ka na mag shower, right? Now, leave my room," pagtataboy nito sa kanya palabas ng kwarto. "Wait, where am I supposed to sleep?" Maang tanong niya sa lalaki. Mabilis na tumayo at lumakad siya patungo sa pinto tsaka binuksan iyon. "You can sleep in the couch," wika nito sa kanya. "What?! In the couch? Doon ako matutulog? Oh my gosh! Jake, are you out of your mind?" Hindi makapaniwala na bulalas niya rito. Tumango si Jake sa kanya. "Yes, Dear, may problema ka ba doon? This is my house, alanganaman na ikaw ang patulugin ko dito sa bed ko, at ako ang doon sa couch matulog 'di ba?" sarcastic na sabi nito sa dalaga. Monica gritted her teeth in disbelief, so sa labas talaga siya matutulog? Wala talagang puso ang Jake na 'to! Hindi na siya muling sumagot pa, she rolled her eyes at him at nagpapadyak na lumakad palabas ng pinto. Hindi maipinta ang mukha na umupo siya sa couch sa magkahalong inis, galit at sama ng loob sa lalaki Ang sama mo! Dahil sobrang pagod talaga siya at gusto na niyang matulog ay binaksak niya ang sarili sa sofa para matulog. Pero makaraan ang ilang sandali na pagkakahiga ay hindi niya magawang makatulog dahil sa liwanag ng ilaw at talagang hindi siya sanay matulog na may suot na damit. Nagpasya siya na tumayo at i-off ang ilaw at pagkatapos ay hinubad ang suot na night dress. Naisip niya hindi naman siguro lalabas pa ng kwarto ang binata kaya okay lang kung matulog siya ng walang suot na damit, sa ganoon ay mas madali siyang makakatulog ng mahimbing. Yakap ang pillow sa sofa ay tumagilid siya ng higa at hindi naman tumagal ay nakatulog siya ng payapa. 2:00 AM na ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Jake. Umiling iling siya, hindi siya dapat na ma konsensya sa ginawa niya sa dalaga dahil part iyon ng pagpapahirap at paghihiganti niya dito. Tumayo siya sa kama at lumabas ng silid, kinapa niya ang switch ng ilaw upang i-on iyon. Mabilis na nangilit ang ngipin niya nang tumambad sa mga mata niya ang natutulog na dalaga. He gritted his teeth more nang mapadako ang paningin sa hita ni Monica at lalo na ng makita pa niya ang seamless panty na suot nito na kulay maroon! Idagdag pa ang malusog na pares ng pinagpala na dibdib ng dalaga. Sunod-sunod siyang napalunok at mabilis na nabuhay ang daloy ng dugo sa buong katawan niya, habang hinahaguran ng tingin ang natutulog na si Monica. He gritted his teeth multiple times, sa hubad na katawan ng dalaga habang nakayakap sa ito sa pillow. Hindi ka na attracted sa kanya ngayon, Jake! Tandaan mo 'to, si Monica na dapat ang hahabol sa iyo at hindi ikaw. Itanim mo iyan sa isip mo! Sita niya sa sarili at pagkatapos ay mabilis na pumasok ng kwarto, kinuha niya ang kumot upang takpan ang katawan ni Monica. Pero pagbalik niya sa sofa ay kumilos ng kaunti ang dalaga dahilan upang lumuwag ang pagkakayakap nito sa pillow. Ang pinipigilang init sa buong sistema ng katawan niya kanina pa ay mas nagliyab ito ngayon. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil ngayon ay mas ganap na niyang nakikita ang malalaking dibdib ng dalaga. His mouth quickly watered seeing her pinkish n*****s that seemed to entice him to come closer and suck on them. Damn it! He cursed, at mabilis na tinakip ang hawak na kumot sa sa hubad na dalaga. Pagkatapos ay lumakad siya papunta sa kitchen straight to the fridge, kinuha niya ang pitchel ng malamig na tubig tsaka diretso na uminom ng tubig dahil sa labis na panunuyo ng lalamunan. Alam niya na inaakit siya ni Monica, pero hindi siya mahuhulog sa alindog nito, not again! Hindi siya parang aso na naglalaway na makuha ang katawan nito, kahit pa may karapatan siyang angkinin at sipingan ito anumang oras na gustuhin niya, dahil ang katawan nito ang kabayaran sa utang ng ama nito sa kanya. Wala kang ibang nararamdaman para sa kanya kung hindi init ng katawan lang, Jake, 'yan lang dapat, galit ka sa kanya tandaan mo 'yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD