[ALEXANDER'S P.O.V.] " Magiingat ka. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa kung sino-sino." " Magiingat ka. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa kung sino-sino." "Magiingat ka. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa kung sino-sino." " Magiingat ka. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa kung sino-sino. " Nagpaulit-ulit sa utak at pandinig ko ang sinabing iyon ni Lhei. Nakauwi na kami dito sa bahay at kanina pa ako naka-higa sa kama ko pero sadyang hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Isip ako ng isip tungkol sa huling sinabi ni Lhei sa akin na iyon. Gusto ko pa sana siyang tanungin kong ano ang ibig niyang sabihin doon pero dahil nga nauna siyang umuwi sakin ay di ko na siya naabutan. Kanino naman ako magiingat? Tsaka di na niya naman kailangang sabihin sakin na 'wag akong magtiw

