[KIM'S P.O.V.] Ilang araw ko nang napapansin ang pagiging seryoso ni Alexcia kapag kinakausap niya ako. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko magmula ng malaman niya na kaibigan ko dati si Hell ay nag-iba na ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko malaman kung bakit nagiba siya sa pakikitungo sakin pero di ko na lang iyon pinansin pang muli. Dumeretso ako sa room at doon hinintay sila Hailey, Lei, at Sydney. Bumalik sila sa room na mga seryoso ang mukha. Si Lei naman ay mukhang naiinis dahil sa kunot nitong noo. Samantalang bigla na lang yumuko si Hailey at ganun din si Sydney pagka-upo nila. "Hey, you okay?" tanong ko kay Lei. Tinignan niya lang ako saka bumuntong hininga. Di na siya nagsalita pa ng pumasok ang prof. Seryoso pa din si Lei at di ako nililingon pang muli. Nasa prof ang kanyang

