[ALEXANDER'S P.O.V.] Lumapit ako kay Laurence at tinapik siya sa balikat "Pre, tama si Lhei. Manhid ka at hindi mo maramdaman na may ibang nagmamahal sayo. To be honest, hindi talaga ako boto sayo nung una. Pero nung nagtagal, wala na akong pinipili sa inyong tatlo na nanliligaw sa kambal ko. Laurence, maganda yung surprise mo ngayon kaso sana hindi mo kay Lhei ginawa. Dapat doon sa taong hindi ka tinigilan na mahalin." pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palabas ng restaurant. Kasama ako sa planong yun. Una palang talaga, alam ko na walang interes si Lhei kay Laurence. Sa totoo lang, ewan ko ba kay Lhei yung bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagmamahal. Ilang taon na din ang lumipas e. Paglabas ko, wala na si Lhei. Siguro nauna nang umuwi yun. Ay wait, si Ayu pa pala. Bumalik ulit

