[ALEXCIA'S P.O.V.] Bababa sana ako para kumuha ng maiinom nang mapadaan ako sa kwarto ni Ayumi. May narinig akong sumisigaw kaya tumigil ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya. "Hunter, may tattoo pa din ba si Skie sa batok?" Narinig kong sabi ni Ayumi. Si Hunter ang kausap niya? At sinong Skie yun? Napaisip ako.. Skie... Hindi ba at sinabi niya din yun kahapon at sabi niya nabasa niya lang daw sa libro na hawak niya noong nagu-usap kami. "I know may binabalak kayo. Nagpapakita siya sakin! Even kanina! Pati ang kambal na Empire nagpakita siya! Kanina may napulot na wallet si Lei at may picture na nakalagay. I know it's Skie. Picture niya na nakatalikod!" What? May napulot kanina si Alex na wallet at may picture pa? Meaning malapit lang yung Skie samin. No. Ibig sabihin, sinusundan niya

