bc

Devouring Him (Cougar Series #68)

book_age18+
168
FOLLOW
1K
READ
sex
second chance
bxg
witty
office/work place
virgin
addiction
assistant
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Pamela Meridith Margiela is 36 years old, unmarried, and untouched!

Her only sister, Pauline, passed away several years ago, leaving her with Wendell, Pauline's son. At 36, she realized he was no longer eligible for marriage. She held no grudges against the world because she had already devoted herself to her nephew and her bar. Then, a man entered her life and wrecked it.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"TITA PAMMMMM!" Nagmulat ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ng pamangkin ko. Wendell ang kaniyang pangalan. He's someone I'd say is more valuable than gold. He was precious to me. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin. Ang sunod kong narinig ay ang pagbukas ng pinto kuwarto ko. Napakusot-kusot na lamang ako ng aking mga mata at pilit na bumangon. Napatingin ako sa may bintana. Napansin ko na bumubuhos ang malakas na ulan sa labas. Malakas ang ulan… Rinig na rinig ko rin ang nakakabingi nitong pagbuhos. Kaya naman pala malamig at napasarap pa ang tulog ko. Nilingon ko naman ang pamangkin ko na pitong taong gulang pa lamang. Ngumiti ako sa kaniya nang makita ko siya. "Bakit ka sumisigaw, Wendell?" tanong ko pa sa kaniya. Ang aga pa. Tumingin pa nga ako sa wristwatch ko, alas singko pa lamang ng umaga. Lumapit naman siya sa akin. Hay naku, Pamela, kapag hindi sumigaw si Wendell ay hindi niya maririnig ang mga tawag nito. Umakyat siya sa kama ko at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. "Bakit hindi mo po ako tinabihan kagabi?" nagtatampo pang tanong nito sa akin. Napailing-iling naman ako. Hindi ko namalayan na mabilis pala akong nakatulog pagka-uwi ko kaninang madaling araw galing sa bar. May-ari ako ng isang successful na bar. Marami akong mga customers na araw-araw ay nadadagdagan. I am busy but despite of that. I always make sure that I have time for Wendell and monitor him to ensure that he’s safe. "'Di ba, sinabihan na kita na aabutin ako ng madaling araw. Hindi naman ako naka-uwi kagabi, Wendell," paliwanag ko pa sa kaniya. "Sana sinama mo na lang ako sa bar kagabi." Hay naku! Nagtatampo talaga 'tong anak ng pinakamamahal kong Pauline. Si Pauline ay ang ina ni Wendell, biologically. Siya talaga. Hindi ako. Pamangkin ko lamang siya sapagkat si Pauline Ameily Margiela ay nag-iisa at nakababata kong kapatid. Pero nakakalungkot lang talaga na hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita at makasama ni Wendell ang kaniyang tunay na ina. Ganoon din si Pauline, hindi niya man lang nasubaybayan ang paglaki ni Wendell. Ang lungkot talaga. "Alam mo naman na hindi ka puwede sa bar, hindi ba?" sabi ko na lang sa kaniya at marahang ginulo ang kaniyang buhok. Nakasuot naman ito ng makapal na jacket dahil nga sa lamig ng panahon. Ako lang ang hindi. Ang malambot kong comforter lang ang nagpasarap ng tulog ko. Pero nararamdaman ko pa rin ang antok. Wala pa nga yatang limang oras simula nang matulog ako. But she think that’s enough rest for her lalo pa’t maganda naman ang quality ng kanyang tulog. "Alam mo naman na hindi ka pa puwede ro'n," sabi ko pa. Bata pa ang pamangkin ko at hindi talaga siya puwede roon. "Haist. Kailan po ba ako magiging puwede Tita Pam?" he asked. "Kapag malaki ka na, siyempre!" sabi ko sa kaniya. Pinaharap ko siya sa akin at marahang pinisil ang magkabila niyang pisngi. Ang cute ng batang 'to. "Kailan po ba ako lalaki?" Nakanguso pang tanong ni Wendell sa akin. Hindi ko naman napigilan ang matawa. Ang pamangkin ko, Naku! Gusto na kaagad lumaki. Kung ako ang tatanungin ay kung puwede lang ay huwag na muna siya lumaki. I secretly laughed at that thought. Hindi ko naman kayang pigilan iyon. Ako nga—hindi ko mapigilan ang pagtanda ko. Malapit-lapit na akong magkaroon ng napakaraming puting buhok sa ulo. "Malapit na 'yon, wait mo na lang." "Pero hindi mo pa rin po ako tinabihan kagabi. Sana pag-uwi tinabihan mo na lang po ako," sabi niya bigla. Napangiwi naman ako nang kaunti. Nasanay kasi talaga siya na tintabihan ko siya sa pagtulog noon pa man. "Nandoon naman si Yaya Marsha mo, ah," sabi ko pa sa kaniya. Pag-uwi ko kasi ay naabutan ko siya na katabi ang Yaya Marsha niya. I hired Marsha as his maid—kailangan kasi, eh. Kailangan ko talaga na magkaroon man lang ng katulong sa bahay o magbantay man lang sa pamangkin ko habang nasa bar ako. "Oo nga po, pero dapat tinabihan mo pa rin po ako. Gusto ko na palagi kitang nakikita sa paggising ko, Tita Pam," sabi niya sa akin. Parang tumalon naman tuloy ang puso ko sa sinabi niya. Sa akin na talaga napamahal si Wendell at napamahal na rin talaga ako sa kaniya. I love him. Anak na rin talaga ang turing ko sa kaniya. Tita pa rin ang tawag niya sa akin sapagkat doon ko talaga siya sinanay. Gusto ko kasi na ang tunay niyang ina na lamang ang tawagin niya sa iba’t ibang Mama. Si Pauline na lang talaga ang pamilya ko noon pero iniwan niya pa rin ako—may iniwan naman siya sa akin para may kasama ako kaya naman mahal na mahal ko siya at ang anak niya. “Oh, siya, sige na. Pangako, hindi na mauulit ito,” I said with assurance. Napangiti lang siya sa akin. Ginulo ko lamang ang kaniyang buhok pagkatapos ay inaya ko na siya na lumabas ng kuwarto. Inaantok pa ako ngunit hindi naman na ako puwedeng bumalik sa pagkakatulog. Magluluto na lang din ako ng pagkain. Kapag nandito naman ako sa bahay at kaya ko naman na magluto ay ako na lang talaga ang nagluluto—lalo na kapag umaga. Nakasanayan ko na rin kasi na ako ang maghahanda ng baon at almusal ni Wendell bago siya pumunta sa school. “Tita Pam. May kuwento ako,” biglang sabi sa akin ni Wendell habang nagpi-prito ako ng tocino. Sinulyapan ko naman siya ng tingin pagkatapos ay sinimangot-an. Nakita ko siyang nakapangalumbaba habang nakaupo rito sa lamesa. “Ang aga-aga. Huwag ka mangalumbaba riyan,” pagbabawal ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umayos ng upo. Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. Namumungay ang mga ‘to. Kahit saang anggulo talaga ay ang Tatay ni Wendell ang kamukha niya. Kung nasaan man ngayon ang gag*ng iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natutuwa sa kaniya. Sana naman ay araw-araw siyang kina-karma dahil sa mga ginawa niyang hindi talaga nakakatuwa noon pa man. “Maligo ka na ro’n. Mamaya mo na lang i-kuwento sa akin ‘yong gusto mong i-kuwento,” utos ko sa kaniya na mabilis niya namang sinunod. Sabi ng iba ay istrikto raw ako na tiyahin. Hindi naman. Sobra-sobra nga ang pagmamahal ko riyan sa nag-iisa kong pamangkin. Dahil wala na si Pauline ay si Wendell na lang talaga ang pinakamalapit kong pamilya. Buti na lamang ay hindi ko nararamdaman na mag-isa ko simula nang mawala si Pauline sa buhay namin. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko an ang pagkain na babaunin ng pamangkin ko. Nasa ikalawang-baitang na ang pamangkin ko. Halos hindi ko nga rin namalayan ang kaniyang paglaki. Parang dati lang ay isa siyang sanggol na hindi ko mapatigil sa pag-iyak. Uy! Totoo iyon! Halos ipa-baranggay na kami ng mga kapitbahay namin dahil gabi-gabi na lang ay nabubulabog sila sa pag-iyak ng pamangkin ko. Hindi ko talaga mapatahan sa pag-iyak si Wendell no’ng una. Hanggang sa natuto na lang din ako. Wala kasi talaga akong alam sa pag-aalaga ng bata noon. Umiiyak pa nga ako dahil napu-frustrate ako. May mga times din na sumagi sa isip ko noon na ipa-ampon ko na lang siya kung hindi ko naman siyang kayang alagaan nang maayos. But then, hindi ko ginawa. Si Wendell na lang ang natitira sa akin. I can’t afford to lose him. I sighed. Pagkatapos kong ma-ihanda ang almusal ni Wendell at ang baon niya’y nagdesisyon ako na puntahan siya sa kuwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang nagbibihis. Bigla naman niyang hinablot ang tuwalya niya na nasa kama niya at itinakip iyon sa itaas na bahagi ng katawan niya. Nakasuot naman na siya ng shorts pero bakit pati iyong katawan niya ay kailangan pang magtakip. Napataas naman ang aking kaliwang kilay. “Tita Pam naman!” napapadyak pa siya. Natawa naman ako. “Oh, bakit? Bakit ka pa magtatago riyan, eh, nakita ko naman na lahat ‘yan!” natatawa pang sabi ko. Napasimangot lang ang pamangkin ko. Pumasok na ako sa loob ng kuwarto niya pagkatapos ay tinulungan ko na lang siya magsuot ng uniform niya. Pinulbos-an ko rin siya’t pinabanguhan. Pagkatapos ay inutosan ko siya na magpunta na siya sa kusina para mag-almusal. Ako naman ang naligo nang mabilis lang. Pagpunta ko ng kusina ay kakatapos lang kumain ng pamangkin ko. Kasama niya na roon si Yaya Marsha. “Iyong pool area kailangan nang malinis, ha, salamat,” sabi ko sa aming kasambahay. Tumango-tango naman siya sa akin. May kalakihan din kasi ang bahay namin na ‘to. At si Marsha lang halos ang naglilinis sa buong bahay. Ayaw ko nang mag-hired ng iba pang kasambahay. Okay na sa akin iyong isa lang. Ang sabi naman sa akin ni Marsha ay kaya niya naman daw maging all-around. Kaya ang sahod niyan sa akin ay doble—minsan triple. Mabait naman talaga si Marsha. Hindi ako nagsisisi na hi-nire ko siya. Ako naman ang madalas na naghahatid sa pamangkin ko. Ako rin ang madalas na nagsusundo sa kaniya pagkatapos ay i-uuwi ko siya rito sa bahay. Nagbubukas kasi ang bar ko ng 10:30 am. Tuwing 12:00 naman ang madalas na punta ko roon. May mga empleyado naman ako sa bar at sila ang nagbubukas ng bar ko. May customer din kasi ako pag-umaga pero mas marami kapag gabi. “Sige po, Ma’am. Salamat din po,” sabi sa akin ni Marsha. I nodded. I looked at my nephew. "Let's go. Baka ma-late ka sa school.” Nagtungo na kami ni Wendell sa kotse ko pagkatapos ay agad ko naman itong pinaandar. Buti na lamang ay tumila na rin nag ulan. “Ano nga pala iyong iku-kuwento mo sa akin?” tanong ko sa kaniya habang nasa biyahe kami. “Mamaya na lang po, Tita Pam,” sabi niya sa akin. Napakibit-balikat na lamang ako. Pagkatapos ko siyang ma-ihatid sa school niya ay doon na muna ako tumambay sa kotse ko. Hindi ako umalis doon habang nasa may parking lot pa rin ako ng school. Maaga pa naman. Siguro kailangan ko na lang na matulog muna. Sarado pa rin naman ang bar ko sa mga oras na ito. Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Marami kasi akong nakitang naglalandian sa bar ko—hindi naman na sa akin bago ‘yon, pero kasi, hindi ko lang maiwasan ang mapaisip. Sa edad ko na ‘to ay hindi ko pa rin nararanasan ang pumasok sa isang relasyon. Takot kasi akong masaktan—marami akong kakilala na nasaktan dahil sa pakikipagrelasyon. Isa na roon ay ang kapatid ko. Saksi ako no’ng mga panahong sinasaktan siya ng tatay ni Wendell. Ayaw kong ma-ulit sa akin iyon. I sighed. Isa rin sa mga dahilan din kung bakit trenta y sais na ako, eh, wala pa rin akong asawa. Maraming nagsasabi na dapat na akong mag-asawa para hindi ako tumanda na mag-isa. Hindi naman ako nakikinig sa kanila. Sadyang ayaw ko lang na ma-in love katulad ni Pauline. Tsaka hindi naman siguro ako tatandang mag-isa. Nandiyan naman si Wendell. If ever man na mag-asawa siya and buhay pa ako, that’s okay too. I can survive with my own naman. And if I die, I already arranged everything, siya ang papamanahan ko ng napaunlad kong bar na may pangalang… The Meeting Place: Taurus and Scorpio. Para sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. I wanted to give him a bright future. I don’t need a man; I can care for my Wendell alone. Naiisip ko pa rin na kapag may lalaki man na gustos siyang i-pursue. Madali lang din naman sabihin ang salitang, ‘no’, ‘di ba?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook