Chapter 3

1445 Words
Maayos naman na na-ihatid ko ang bata sa school kanina. I was really worried. Bigla ko namang naalala ang mamumungay niyang mga mata. I should’ve checked his temperature before leaving the house! Nagplano na ako sa utak ko na kapag nakarating ako sa school at nasundo ko na ang pamangkin ko ay didiretso kami sa hospital. Hindi naman pu-puwedeng hindi. “Baka hindi na ako makabalik mamaya, ha. Lizzy! Ikaw muna bahala!” paalam ko sa manager ko. Tumango lang naman siya sa akin. Lumabas na ako ng bar pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko. Mabilis ko naman iyon pinaandar papunta sa school ng pamangkin ko. Halos paliparin ko na nga ang sasakyan na iyon, makarating lamang kaagad sa eskuwelahan. Pagkaparada ko ng sasakyan ko sa parking lot ng grade school ay mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse upang makalabas na mula roon. Nakasabit naman sa aking braso ang mamahalin kong bag. Binili ko pa ito no’ng nagpunta ako sa New York. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mabilis ang bawat paglakad ko. Kahit na suot ko’y high heels. Sanay naman kasi talaga akong magsuot ng high heels. Teenager pa nga lang ako ay ganito na ang sinusuot ko. Mahirap lang kami no’n pero nagkaroon ako ng kaibigan na fashionista. Maganda iyon. Model pa. Panay sali iyon sa beauty pageant noon tapos palagi niya akong sinasabihan na mag-ayos-ayos din kaya naman natuto rin ako. Naging model pa nga ako—totoo. Qualified naman daw ako kaya kinuha na rin akong mag-model. Kaya kahit papaano’y may income din ako noon. Inipon ko ‘yon income na nakukuha ko sa pagmo-model ko. Hindi ko sinasabi sa mga guardian namin ‘yong amount ng exact na sahod ko kaya naman naka-ipon ako noon. Nagbibigay din naman ako ng mga panggastos sa bahay pero ang kalahati na noon ay inipon ko. Tapos palagi pa akong may raket. Sobrang sipag ko talaga… kasi alam kong hindi ako mapag-aaaral ng mga nangangalaga sa amin noon. Tanong ko pa nga noon sa sarili ko na kapag hindi ako nagsipag. Hindi ako nag-ipon—hindi ako uunlad. Gusto kong yumaman. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko kaya sobrang sipag ko. Kaya naman pagdating ko ng college, may pan-tuition ako… ako at ang kapatid ko. Pero hanggang third year lang ako kasi naisip ko na mas mahalagang makapagtapos ng pag-aaral ang nakababata kong kapatid. Masipag din kasi mag-aral ang kapatid kong si Pauline kaya hindi ako nag-alilangan. Nagtrabaho pa ako noon sa isang fastfood chain para suportahan nga ang pag-aaral ng kapatid ko. Pero, haha. May nangyari sa sa amin kaya medyo nagkaroon ng aberya. Pero buti naman ay nakapagtapos pa rin naman siya ng pag-aaral niya. Nagtulungan pa kami sa pagpapatayo ng bar na ‘to. Tinapos ko na rin ang isang taon ko sa college kaya may diploma rin talaga ako. I am so proud that I overcame all the challenges in my life. And I am fighting to overcome my challenges in the present. Nang makarating ako sa clinic ay naabutan ko nga roon ang pamangkin ko. Nakahiga siya at may bimpo sa kaniyang noo. Hindi rin ma-ipinta ang mukha ngi Wendell. Halatang may sakit na iniinda. Napa-facepalm naman ako kaagad. Gusto kong sumigaw pero kinalma ko na lang din ang sarili ko. Dadalhin ko na ‘yan sa hospital! Ayaw kong nakikita siyang nagkakaganiyan! “Can you please call the ambulance, please?” sabi ko sa nurse na nandoon bago ko lapitan ang anak ko at agad kong hinipo ang balat nito sa noo at pisngi. Sobrang init niya nga! “Yes, Ma’am,” sagot naman no’ng nurse. Gusto ko siyang sigawan. Sobrang init ni Wendell tapos ganito lang?! Dapat kanina pa sila tumawag ng ambulansiya para madala sa hospital! Kaka-stress! Pero, hindi ko ginawang mag-b***h out dito. I tried to be polite. Kung stress ako sa nangyayari. Mas stress ang mga teacher, I salute them all. Ayaw kong dumagdag sa stress nila. Like, gumagawa sila ng mga grades. Napakaraming learning plans na ginagawa. Nagdi-displina pa sila ng mag estudyante tapos sisigaw-sigawan ko lang sila? Iyong nurse din dito ay teacher din kung hindi ako nagkakamali. Oo, may inis sa dibdib ko pero kailangan din isipin kung ano ang nararamdaman nila. Ayaw na ayaw ko ang nakakasakit ako ng tao. Mas gugustuhin ko na makipag-usap na lamang ng maayos. Hindi naman talaga ako mahilig makipag-away sa mga teacher. There’s no point. Lagi lang akong mahinahon at madaling kausap. Hindi naman natin alam kung anong pinagdadanan nila. Kung anong pagod ang nararanasan nila sa trabaho’t personal life nila tapos mag-eeskandalo ako. I shrugged. Nakipag-usap pa nga ako sa adviser niya na nandoon na rin upang tanungin kung ano nga ba talaga ang nangyari and then nalaman ko na matamlay nga raw buong klase kaya naman no’ng tingnan ng teacher at hawakan sa may noo. Doon lang nila nalaman na nilalagnat na pala. Tumango-tango naman ako. Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansiya pagkatapos ay mabilis naman kaming nakapunta sa hospital. Nag-aalala ako. Hindi rin makapagsalita nang maayos si Wendell. Masakit lang talaga ang kaniyang ulo. Inaapoy kaya siya ng lagnat! Hindi ko pa rin matukoy kung bakit naman lalagnatin si Wendell. Hindi naman siya naligo sa ulan—hindi rin naman siya sakitin, hindi ko talaga maintindihan ang cause nitong lagnat ni Wendell. Hindi ko nga ‘yan pinapadapuan sa lamok, eh. Ingat na ingat ako sa kaniya palagi. As much as possible, gusto ko ako ang nagpe-prepare ng foods niya para nasisiguro ko. Hindi naman sa walang akong tiwala sa kasambahay namin pagdating sa bagay na ‘yon. Gusto ko lang maging komportable. Hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano kasi ako mismo, alam ko na safe ‘yon. Gusto ko lang maging kampante. Dahil sa taas ng lagnat niya’t wala namang balak yatang bumaba ay pina-admit ko na siya. Nag-stay lang ako ng ilang hours do’n. Nagbabantay lang ako kay Wendell hanggang sa makaramdam ako ng gutom kaya naman nagpunta ako sa cafeteria. Pagdating ko ay um-order kaagad ako. Balak kong doon kainin sa room ni Wendell kaya naman take -out lang kaso nga lang papalabas pa lang ako ng cafeteria nang may mabangga ako. “Ay sorry!” paghingi ko ng paumanhin. Nalaglag pa ‘yong mga papel na hawak niya kaya naman. Buti na lang ay may malapit na lamesa kaya naman agad kong ipinatong doon iyong pagkain na in-order na buti na lang ay hindi nahulog. Ang kapit kasi ng hawak ko. Good. Agad akong tumulong sa pagkuha niyon sa sahig. Inabot ko iyon gamit ang mga kamay ko. Hindi ko naman sinasadyang basahin ang nakasulat doon. Nakita ko ‘yong sakit niya… I know that he’s dying. Bigla akong nakaramdam ng awa. “Okay lang po,” matamlay na sabi nito. Hindi na talaga ako magugulat kung makaka-encounter ako ng ganito dahil nga nasa hospital ako. “Ingat ka, ah.” Ngumiti ako sa lalaking nasa harapan ko na siyang nabangga ko. Sa itsura niya’y halatang may malala talaga siyang sakit. In-abot ko pa sa kaniya ‘yong mga papel na napulot ko. Mabilis niya namang kinuha iyon. Pilit lang siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay tumango. “Salamat po, Ate. Kayo rin po,” sabi niya. Ate... Bigla kong naalala si Pauline. I sighed. May lungkot pa rin talaga. Nagpatuloy na ako sa paglalakad dala ng pagkain na binili ko. Hindi ko na nilingon ang lalaking ‘yon. There was a huge sadness in my chest. Lalo pa’t naalala ko si Pauline. Malamang sa malamang ay manlulumo ang kaanak at kaibigan ng lalaki na iyon. Siguro rin ay tinataningan na siya ng doctor. Pero sana naman ay hindi. I am praying na sana mabuhay pa siya. Ang bata niya pa para magkaroon ng ganito kalubhang sakit. Nang makabalik ako kay Wendell ay nakita ko agad ang mulat na mulat nitong mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Kumuha ako ng upuan at inilagay iyon malapit sa hospital bed niya. I caress his cheeks. Mainit-init pa rin ito. Ngunit hindi na katulad ng kanina. “Kumusta ang pakiramdam mo?” I asked him. Pinilit naman niyang ngumiti sa akin. “Mabuti naman na po, Tita Pam. Medyo masakit na lang po ang ulo ko.” “Nagugutom ka ba?” Tinaas ko ang dala kong pagkain at ipinakita ko sa kaniya. Umiling naman siya. “Hindi po, Tita Pam. I want to sleep, po,” he said. “But don’t leave me here while I sleep, ah?” Matamis naman akong ngumiti at saka tumango sa kaniya bilang sagot. Hinintay ko lamang siya na makatulog muli bago ako nagsimulang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD