Simon Villaforte Nasa kalagitnaan ako ng meeting nang lumapit sa akin si Brent, ito ang kanang kamay ko rito sa opisina. "Boss, may long distance call ka po galing kay Ms. Lyka," bulong sa'kin nito. "Is it important?" tanong ko kay Brent. "She told me that it is..." Alanganing sagot naman sa akin nito. Alam ni Brent kung kailan ang importanteng tawag at hindi. Kilala rin nito ang ugali ko lalo na kapag nagagalit na ako. Kaya nga ito ang pinili kong maging kanang kamay dahil sa galing ng presence of mind nito pagdating sa akin. "Tell her that talk to me after this meeting," matigas kong utos kay Brent. "But, she said that this call is really important to you. She also said that, if you don't answer her call, you will never ever see again Ms. Carla and your kids," malumanay na paliwan

