Chapter 74

1283 Words

Nilapitan ko ang tulog na tulog na si Carla. Napuyat kasi ito sa pagbantay sa tatlong bata kagabi. Kahit pa nga dinadamayan ko ito sa pagpupuyat ay pinilit pa rin niya akong makatulog. Napakapalad ko talaga sa kaniya dahil nagagawa niyang tiisin ang lahat ng mga hirap. Mapasaakin man iyon galing o sa pagiging ina man nito. Ngayon ko napatunayan ang lahat ng mga winika sa akin nito noon na kinaya nga niyang palakihin sina Carlo at Simona kahit na nag-iisa lamang siya. Daig pa nga nito ang isang superhero na parating may lakas para sa amin ng mga anak namin. Umupo ako sa may gilid ng kama saka yumukod upang gawaran ito ng halik sa kaniyang pisngi. "I love you!" bulong ko sa kaniyang tainga. Gumalaw ito saka iniyakap ang kaniyang braso sa aking baywang dahilan para 'di sinasadyang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD