Kasalukuyan kaming nagbabiyahe patungo sa bar kung saan gaganapin ang bridal shower na inihanda para sa akin nina Lyka at Julia. "Handa ka na ba sa bridal shower mo?" nakangiting tanong sa akin nina Annie at Sylvia na tinugon ko naman nang pagtango. "Grabe, mabuti na lang talaga at napapayag natin ang magiging asawa mo na magkaroon ka ng bridal shower," naiiling na wika ni Mae. "Mukha namang mabait si Simon, pero ba't parang ang bigat ng dugo mo sa kaniya?" tanong ni Jana kay Mae. "Bumait lang iyan nang makasama si Carla. Pero kung naabutan mo ang dating Simon, tiyak isusumpa mo rin siya." Umiling-iling pa ang ulo ni Mae nang tugunin ang tanong sa kaniya ni Jana. "Talaga ba?" kapagkuwa'y tanong naman sa akin ni Jana. Ngumiti muna ako sa kaibigan bago ko ito sinagot. "Malupit si Si

