Habang naglalakad ako patungo sa kinatatayuan ni Simon, muling nagbalik tanaw sa nakaraan ang aking isipan. Pawang mga masasakit na alaala ang unang nagbalik sa isipan ko kung saan pinagmalupitan at ikinulong ako nito. Ngunit sa pagbalik ng mga pangit na alaalang iyon ay muli rin nanariwa ang mga magagandang alaala na siyang dahilan naman kung bakit ko ito lubos na minahal. Naroon ang kung pa'no ako binu-bully ni Simon na 'di ko maintindihan sa sarili kung bakit patuloy rin naman akong sumusunod sa kaniya. Nariyan din ang araw na ipinagkaloob ko sa kaniya ang sarili na walang anumang pangambang iniisip na masasaktan ako nito. Napangiti ako nang maalala ang mga araw na nakikipaghabulan ako sa kaniya upang damayan sila sa paglalaro ng aming mga anak kung saan isa sa mga mahahalagang ara

