"Ano ba iyang ginagawa mo, Loves?" tanong ko kay Simon na abala sa pagsusulat sa kaniyang notebook habang nakaupo ito sa may couch. "Listahan lang 'to, Loves. Sige na, mauna ka nang magpahinga riyan," ani naman nito. "Sabay na tayong matulog, Loves," malambing kong aya sa kaniya. "Tatapusin ko lang 'to, Loves," sagot pa sa akin nito. Naiiling na bumaba ako ng kama saka nilapitan ko ito sa may couch. Kinuha ko ang ballpen na hawak nito saka inilapag iyon sa ibabaw ng lamesa. Umupo ako sa kaniyang kandungan saka ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg. "Matulog na tayo, Loves," malambing kong saad sa kaniya saka pinaulanan ko siya ng maliliit na halik sa mukha. "Sabi ko nga matutulog na tayo," alanganing ngiti nito kasabay ng 'di niya maiwasang pag-ungol dahil sa aking ginag

