C H A P T E R 36 Chapter 36 Mabilis akong nagteleport papunta sa Clinic Room, nag-aalala ako kay Warren, bakit kaya nasa Clinic siya? Saka, teka bakit alam ni Farrah? Dumumi na naman tuloy ang utak ko at naisip na baka nga kanina pa sila magkasama pero inalis ko rin kaagad iyon sa isip ko, posible iyon kasi nasa iisang paaralan kami nag-aaral pero hindi na siya gusto ni Warren ngayon di ba? Kasi sa 'kin siya lumapit, hindi kay Farrah. Ibig sabihin ako na ulit, hindi si Farrah. Tama. Naabutan ko si Warren na pinagagaling ng isang healer, nagulat ako kasi ang dami niyang sugat sa mga braso. Maliliit lang naman ang mga iyon pero marami talaga at dumudugo pa. Lumapit na ako kaagad sa tabi niya sa maliit na kama, "Warren, ano nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Hindi siya sumagot kaagad

