C H A P T E R 35 Chapter 35 Erris Lily's POV Bumaba ako sa pangalawang baitang ng hagdan at tinabihan sa pagtayo si Eicine saka ngumiti sa maraming tao pagkatapos ni Papa na ipakilala ako. Malaki ang sentro na 'to ng palasyo kaya asahan na rin namin na marami talaga ang dadalo. Maganda ngang tunay ang mga dekorasyon, maging ang mga kasuotan ng mga kababaihan. Nagpatuloy si Papa sa pagsasalita at hindi ko na nga iyon naintindihan... mula kanina kasi ay hindi na naging maayos ang paghinga ko. Parang dumoble ang pintig ng puso ko saka bigla talaga akong kinabahan. Napalunok ako nang maramdaman ko ang presensya ng isang lalaki sa gilid ko na may matapang na pabango. Siguradong magkakaroon na kami ng maraming oras para mag-usap niyan mamaya. Huminga ako nang malalim at mariin na pumikit s

