C H A P T E R 30 Erris Lily's POV Bakit ba ako sumama pa kay Eicine? "Erris Lily, halika dito." Napaawang ang bibig ko. Halos mairita na ako sa sarili kong pangalan dahil kanina pa umuulit-ulit si Eicine diyan. Tatawagin ako, lalapit ako, isusukat ang mga damit na napupusuan niya sa 'kin, ibibili ang mga kung anu-ano na bagay para sa 'kin. Kumbaga, nags-shopping siya para sa 'kin at sakaniya rin gamit ang sandamakmak na pera ni Luke. Siyempre nung una, masaya. Nagkaroon kami ng time magkambal. Bonding. Iyon ang gusto ko, maramdaman ang pakiramdam na may kapatid. Kambal. Best friend... siyempre may parte pa rin si Farrah sa 'kin pero.. 'wag ko na lang isipin ang isang iyon- Pero mga kababayan, nakakapagod na kalahating araw na bonding! Walang pahinga basta ang alam ko lang kanina pa na

