C H A P T E R 29 Third Person's POV "ANO? Walang hiya talagang Mariella iyon!" Kinagat ni Eicine Lirah ang ibabang labi sa pagkainis, "Maldita at masama talaga ang ugali niyon dati pa sa Black Land, e! Isa pang Mercury iyon kung alam ko lang na sasama iyon kay Mariella dapat tinuluyan ko na iyon nung huli kaming nagkita!" Nanggigigil na singhal nito. Napalabi naman si Erris matapos magkuwento sa mga ito. Kila Luke, Matt, Skyla at Eicine na nakaupo sa sala ngayon habang inuusisa sila Aaron kung ano ba talaga ang nangyari. Mataman din nakikinig ang dalawang guardian ni Erris noon, sila Aspen at Flint. Samantalang si Aaron naman ay nakaupo sa sahig pero parang wala naman sakanila ang buong atensyon. "Patay na ang mga iyon, 'wag mo nang panggigilan." Natatawang wika ni Matt. "Mabait naman

