C H A P T E R 28 Eicine Lirah's POV Napatili ako nang bumuka ang bunganga ng higanteng halaman na iyon tsaka akmang lalamunin na nang buo si Matt. Mabuti na lang at mabilis na nakatakbo si Matt! Ang engot naman kasi, hindi pa lumayo! "KUNG MAGPAPAKAMATAY KA NAMAN LUMAPIT KA NALANG DITO AT AKO SASAKAL SA 'YO!" Inis na sigaw ko sa lalaking nasa likuran ko na. Napakamot lang ito ng batok saka nag-peace sign. Ang engot, muntik pa tuloy siyang malamon ng buo! Psh! Hindi pa rin yata nakakabawi sa pagkakagulat sila Luke at Skyla kaya nauna na kami ni Aspen na umatake doon sa halaman na 'yon. Bukod sa higante siya, walang mga mata, may malaking bunganga at matatalas na ngipin. Tinitigan ko ang pana at palaso ko, "Hindi ako sigurado kung tatalab 'to. Mukhang makapal 'yung stem ng halaman na '

