C H A P T E R 27 Third Person's POV Umurong ng ilang hakbang sila Erris at Warren nang matapatan ang nanlilisik na pulang mga mata ni Mariella. Nakakatakot na purong pula lamang iyon, walang kahit anong itim sa gitna. Idagdag pa ang nakakatakot na ngisi nito. Madilim ang paligid pero naaaninag pa rin nila ang bulto ng babae sa harap. Sa isip ni Erris ay kaya siguro nagsialisan ang kumpol n fairies kanina dahil sa parating na si Mariella, malamang ay naramdaman din ng mga ito ang panganib at natakot tulad ng nararamdaman din ngayon ni Erris. "Pinasakit niyo talagang dalawa ang ulo ko. Nandito lang naman pala kayo, kung saan-saan pa ako napadpad!" Angal ni Mariella saka pinaikot ang mga nanlilisik sa pula na mga mata. Totoo na nahirapan siya maghanap sa mga ito. Umangat lamang siya sag

