Imelda's POV Nang nabalitaan ko na nakakulong na si Lenard hindi na ako nagdalawang isip pa na samahan ang anak at manugang ko sa pagbisita kay Lenard na aking pamangkin. Kahit pamangkin ko si Lenard hindi ko maiwasan ang magalit dahil sa kanya muntikan ng mamatay ang anak ko. Na sa loob ng selda si Lenard kaya nirequest ko sa mga pulis na ilabas sya sandali at agad naman syang pinosasan at hinawakan ng mga pulis upang hindi makatakas. Sa sobrang sama ng loob ko hindi ko na napigilan na sampalin si Lenard. "Hayop ka! Siraulo ka Lenard! Paano mo nagawa sa amin ito?" Ang pagalit kong sambit. Ngumisi na lamang si Lenard na naging dahilan upang mainis ako kaya sinampal ko ulit si Lenard ng paulit-ulit. "Mama! Tama na po!" Ang pakiusap sakin ni Limuel. Tumingin ako kay Limuel. "Anak dah

