Episode 1
Akira's POV
Alas kwatro ng daling araw, kami ni ate Josefine at si ina'y ay magkakasama sa pagtitinda ng kakanin, tumigil na si ate Josefine sa pag-aaral dahil sa hirap ng aming buhay she is twenty one years old anim na taon ang tanda sa akin ni Ate Josefine.Sobra akong nag-aalala dahil malapit na kaming palayasin sa inuupahan naming bahay baka sa kalye na kami pulutin.Kasalanan ito ni Tatay kung hindi nya siguro kami iniwan sana hindi nahihirapan ng sobra si ina'y sa paghahanap buhay na dapat ay sya ang gumagawa, galit ako kay Tatay dahil pinagpalit nya si ina'y sa ibang babae.Simula nang iniwan ni Tatay si Ina'y wala na kaming nabalitaan pa tungkol sa kanya.I'm Akira Soledad the first honor of the class I'm third year highschool nag-aaral akong mabuti para mabigyan ko ang pamilya ko ng magandang buhay I am fifteen years old.Talino na lamang ang meron ako ngunit pagdating sa itsura bagsak ako dahil halos lahat ng tao na napapatingin sakin palagi akong nilalait pero kahit pinanganak akong pangit thankful parin ako kay Lord kasi maswerte pa rin ako kumpara sa iba.Habang naglalakad kaming tatlo napatigil bigla kami sa paglalakad."Ale! Pabili po kakanin!" Sigaw ni Mang Estong sa kabilang kalsada."Mga anak diyan muna kayo tatawid lang ako" pagpapaalam ni ina'y sa amin."Nay, Prone accident area pupuntahan nyo pwede bang samahan na namin kayo?" Sambit ni ate Josefine kay ina'y."Josefine wag kang praning at Isa pa ilang beses na ako dumadaan doon kaya wag kang mag-alala walang mangyayari" sambit ni ina'y kay Ate."Sige na po nay, Basta mag-iingat kayo ha." Paalala ni Ate Josefine kay ina'y.Tumawid na si Ina'y sa kabilang kalsada para pagbilhan si Mang Estong.Pagkatapos pagbilhan ni Ina'y ng kakanin si Mang Estong. tatawid na si Ina'y pabalik sa amin, isang puting kotse ang bumangga sa aming ina tumilapon si Ina'y sa malayo na sobra kong ikinagulat halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Si ina'y nakahandusay sa kalsada at duguan hindi namin alam kung anong gagawin."Ate si Ina'y dali na tumawag ka ng tulong!" Pakiusap ko kay Ate ngunit nakatulala pa rin si Ate at hindi makapagsalita.Hindi ako nagdalawang sa sampalin si Ate Josefine para bumalik sya sa sarili nya."Aray! Bakit mo naman ako sinampal?" Reklamo nya."Ate kanina pa kasi kita kinakausap eh nakatulala ka lang, si Ina'y naaksidente" sambit ko.Then she started to cry bigla kaming napatingin sa sa puting kotse bumaba ang dalawang sakay nito na isang babae na mukhang na sa edad twenty pataas tapos ang sexy ng damit at kulot ang buhok.Then nakita ko yung lalaki I think ito yung nagmamaneho ng puting kotse napansin ko na tila lasing kung maglakad ang lalaking sakay ng puting kotse mukhang na sa edad thirty to fourthy years old na, hindi ako makalapit kay ina'y kasi pinagmamasdan ko sila.Akala ko kaya nila nilapitan si Ina'y para isugod sa hospital ngunit nagkamali ako dahil sa halip na isugod sa hospital tinakasan nila ito.Tumakbo ako para habulin ang puting kotse na bumangga sa aking ina."Bumalik kayo rito please!" sigaw ko habang pinipilit kong habulin ang puting kotse.Ngunit hindi ko na ito mahabol dahil sobrang bilis magmaneho ng lalaking iyon.Ang layo na ng tinakbo ko habol hininga ako pinuntahan ko si Ina'y nakita ko na lang si Ate Josefine na umiiyak habang nakahawak sa kamay ni Ina'y."Ate kamusta na? Ate tawag tayong tulong" pakiusap ko."A-Akira wala na si Ina'y huhuhuhu" malungkot na pahayag sakin ni Ate, dito na nagsimulang namuo ang luha sa mga mata ko."H-Hinde hindi ito pwede" sabay hawak ko sa pulso ni Ina'y.Bigla na lamang rumagasa ang luha sa mga mata ko "Hindi! Ina'y gising na wag mo kaming iwan huhuhu" Niyakap ko si Ina'y sa huling sandali hindi ako makapaniwala na wala na ang pinakamamahal kong ina, magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon.Habang umiiyak ako binalikan ko ang mga ala-ala namin ni Inay noong sya ay nabubuhay pa.Tatlong taon ang nakakaraan...Kami ni Inay at Ate Josefine ay naglalakad sa kagubatan na ito. Habang naglalakad ako nakaramdam ako ng pagkasabik dahil gusto ko nang makita ang tabing ilog na palaging ikinukwento sakin ni Ate Josefine."Wow! Ang ganda!" Ang pagkamangha ko nang masilayan ko ang ganda ng lugar na ito.Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko ang paligid na kay gandang pagmasdan. Grabe ang ganda ng lugar para akong na sa Garden of Eden ang lugar na nababasa ko sa bible.Wala kasi kaming sapat na pera para makapamasyal kung saan-saan kaya dito kami pumunta ni Inay at ni Ate Josefine sa tabing ilog kung saan tahimik ang lugar at sariwa ang hangin.Nagdala si Inay at Ate Josefine ng pagkain namin para sa araw na ito. Nagluto si Inay ng pinaksiwan na bangus grabe excited na ako. Ang pagkain namin ay pinaksiwan na bangus,kanin at saging.Actually muntikan na akong madapa dahil nakakalimutan kong tingnan ang nilalakaran ko kaya napagalitan ako ni Ate Josefine.I'm the second honor of the class nalulungkot ako kasi bumaba ang grade ko kaya naging second honor nalang ako pero kahit second honor ako proud na proud parin si Ate Josefine at Inay sakin. Palagi nilang sinasabi sakin na gawin mo lang ang best mo sapat na yun para sa amin yan ang salita nila sakin na nakakapagbigay ng lakas ng loob sakin para ganahan pa akong mag-aral ng mabuti. I'm glad kasi nandyan sila para suportahan ako at kahit kailan hindi nila pinaramdam na may kulang kahit na iniwan kami ni Tatay. Aminado akong hindi ako nakaranas ng kalinga ng isang ama pero hindi ko na yun hinahangad dahil kontento na ako kay Ate Josefine at kay Inay dahil binusog nila ako sa pagmamahal at Isa pa nandyan naman si God para gabayan kami at alam kong hinding-hindi kami pababayaan ng Diyos. Ngayon wala na si Inay parang nawalan na ng kulay ang mundo ko sobra akong nalulungkot at nag-aalala dahil wala na ang pinakamamahal kong ina. Ngayon ulila na ako susubukan kong maging matapang at babaunin ko ang mga bilin sakin ni Inay kahit wala na sya.
Dalawang araw ang lumipas...
Narito parin kami sa loob ng hospital dahil hindi pa namin naiuuwi ang bangkay ni Inay.
Ang hirap na nga ng nag-iisa ang magulang tapos mawawala pa hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Sobra akong nag-aalala ngayon wala na si Ina'y saan kami kukuha ng pera para ma-claim na ang bangkay ni Ina'y. Narito kami ni Ate Josefine sa hospital nililinis na bangkay ni Ina'y sa Morgue hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko halos pugto na mga mata ko then si Ate Josefine nakatulala lang.
Pagkatapos linisin si Ina'y pumasok na kami ni Ate Josefine sa loob ng Morgue. Bumuhos ang aking luha at humagulhol ako sa pag-iyak nakabalot si Ina'y ng puting kumot hindi ko kayang tingnan si Ina'y kaya hindi ko na hinawi pa ang puting kumot dahil hindi ko kayang makita si ang Ina ko na patay na. Sa huling pagkakataon niyakap ko si Ina'y ramdam ko ang malamig nyang bangkay habang yakap-yakap ko ito magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko sa pagkawala nya.
After one hour nanatili pa rin kami ni Ate Josefine sa loob ng hospital hindi pa rin kami makauwi dahil hindi pa namin nake-claim bangkay ni Ina'y sa Morgue. Upang hindi kami mangawit sa pagtayo umupo kami ni Ate Josefine sa bangkuang mahaba sa hospital.
Josefine's POV
Sobra na akong naiistres at nadedepress sa mga nangyayari hindi ko alam kung saan kukuha ng pera para maiburol ng maayos si Inay dahil wala kaming pera at higit sa lahat wala akong ibang maisip na ibang paraan kundi ibenta ang sarili ko.
Napansin kong nakatulog na si Akira na nakasandal sa balikat ko kaya nagpasya akong ihiga si Akira dito sa mahabang bangkuan habang natutulog dito sa hospital. Kailangan kong gumawa ng paraan para ma-claim ang bangkay ni Inay dahil bilang anak obligasyon kong ibigay ang maayos na burol at libing para sa ina ko.
Ayokong gawin ito pero mukhang kailangan na ito lang ang tanging paraan para magawa ko ito.
Kahapon habang naghahanap ako ng trabaho may nakita akong isang bar kung saan naghahanap sila ng G.R.O actually hindi ko alam ang meaning ng G.R.O pero alam ko kung anong klaseng trabaho yun. Malaki ang sweldo sa loob ng isang araw pero kailangan foreigner ang makat*lik ko para mas malaki ang pera wala na akong ibang maisip na paraan kaya kahit ayokong gawin ito pero napipilitan na ako.
Nagpasya akong umalis dito sa hospital para maghanap ng pagkakakitaan. Masakit man sakin na gawin ito pero wala akong magagawa ang hirap ng sitwasyon ko.
"Patawarin nawa ako ng Diyos kailangan ko itong gawin para kay Inay" Ang sabi ng isip ko habang rumaragasa ang luha sa aking mga mata.
Naglakad ako papasok sa loob ng bar at agad naman nila akong tinanggap bilang bagong babaeng bayaran.
Binigyan nila ako ng damit kahit ayokong isuot ang damit na ito dahil masyadong malaswa kung isuot ay isusuot ko parin dahil kailangan ko itong gawin.
Akira's POV
Dahil sa kakaiyak ko hindi ko napansin na nakatulog na pala ako, pagkagising ko wala na si Ate Josefine sa tabi ko I try to find my sister sa building ng hospital na ito pero hindi ko sya nakita. Naghintay pa ako ng matagal ilang oras ako naghintay napakapit nalang sa tiyan ko.
"Gutom na ko" daing ko, halos magkakalahating araw na akong hindi kumakain hindi pa rin dumadating si Ate Josefine eh hindi naman naalis si Ate ng hindi nagpapaalam.
Josefine's POV
Narito ako sa loob ng madilim na kwarto pikit mata kong ibibigay ang sarili ko sa isang foreigner na hindi ko kakilala.
"Common honey!" Nakangiting sambit ng lalaking ito habang isinasandal ako sa pader.
Agad nya akong sinunggaban ng halik at hindi sya nag-alinlangan na hubarin ang suot ko dahil sa pagkasabik nyang makat*lik ako.
Agad nya akong pinadapa sa kama at agad nyang ipinasok ang pagkal*l*ki nya sa pagkab*b*e ko.
"Ahhhh..aray ko..ahhh!" Ang daing ko habang umiiyak ako sa sakit nang ilabas masok nya ang pagkal*l*ki nya sa pagkab*b*e ko kaya napakapit ako ng mahigpit sa bedsheet.
Pagkatapos nyang gamitin ang katawan ko binigyan nya ako ng ekstrang pera at hindi na sya nagdalawang iwanan ako dito sa loob ng kwarto.
Pagkaalis ng foreigner na nakat*l*k ko at saka pa lamang ako humagulhol sa pag-iyak.
"Diyos ko po patawarin mo ako! Wala na po akong maisip na ibang paraan kaya nagawa ko ito sana po maintindihan nyo ako kasi sobrang hirap na po ng buhay namin mula ng namatay si Ina'y!" Ang sambit ko habang umiiyak ako.
Akira's POV
Pasado alas otso ng gabi sa wakas dumating na si Ate Josefine ngunit may napansin akong kakaiba sa bihis nya at nakasuot pa ng high heels naging pala-isipan sakin ang pananamit ni Ate Josefine.
"Akira may pagkain ako para sayo" sabi ni Ate Josefine.
Napansin ko na pulang-pula ang kanyang labi at halos lumuwa na ang kanyang dibdib sa suot nyang damit at maraming pinamili galing Mall mukhang marami syang pera.
"Akira tara kumain ka na alam kong gutom ka na."
Tiningnan ko mga mata ni Ate Josefine mukhang galing sa pag-iyak.
"Ate bakit ganyan suot mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hay naku kumain ka nalang, gutom lang yan."
Kumain na lamang ako dahil gutom na gutom na ako kasabay ko si Ate kumain.
"Bukas maibuburol na natin si Ina'y at makakabayad na tayo ng upa sa bahay, wag kang mag-alala Akira hindi kita pababayaan kahit wala na si Ina'y sa atin." sambit ni Ate.
"Ate saan ka nanggaling? Hindi kita makita kanina eh" tanong ko.
Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ni Ate Josefine at napayuko na lamang sya.
"Bunso wala na akong maisip na ibang paraan para magkapera ng malaki kaya... sorry napilitan lang ako ibenta sarili ko para may pambili tayong kabaong para kay Ina'y huhuhuhu" malungkot na pahayag ni Ate sakin.
Hinimas-himas ko ang kanyang likod habang humihikbi sya sa pag-iyak. Then Napaiyak na rin ako.
"Ate bakit ganon lahat nalang ng importante sa atin bigla nalang nawawala? Hindi naman tayo masamang tao ah bakit ganon? Sabi ni Ina'y just trust God pero bakit pinabayaan sya ni God? mukhang walang Diyos huhuhu." binitawan kong salita na may halong poot at galit.
Sa tingin ko pinabayaan na talaga kami ng Diyos o baka wala lang talagang Diyos.
"Huwag naman ganyan Akira! kung sino man yung may kasalanan ng pagkamatay ni Ina'y yung driver ng puting kotse yon. So please huwag mong isisi sa Diyos" pagsaway ni Ate sakin.
Humihikbi na ako sa kakaiyak hindi ko pa rin matanggap na wala na si Ina'y. Ipinapa
ngako ko na makukulong ang nakasagasa kay Ina'y magbabayad sya.
Limuel's POV
Pagkauwian namin galing sa school. Uuwi na sana ako ngunit biglang tinawag ni Lenard ang pangalan ko.
"Limuel tara sama tayo kay Joshua!" Ang pag-aaya sakin ni Lenard habang naglalakad ako papunta sa labas ng gate.
Lumapit ako kay Lenard.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Ang tanong ko kay Lenard.
"Bro minsan lang ako humiling sayo kaya pagbigyan mo na ako at Isa pa birthday ko ngayon" Ang sambit ni Lenard sakin then inakbayan nya ako.
"Eh saan pa ba tayo pupunta?" Ang tanong ko kay Lenard.
"Basta sumama ka nalang" Ang Nakangiting sambit ni Lenard sakin.
"Baka mapagalitan tayo ni Papa kapag nalaman nyang hindi tayo umuwi kaagad!" Ang pag-aalalang sambit ko kay Lenard.
"Ano ka ba? Minsan lang naman at Isa pa saglit lang naman tayo"
"Talaga saglit lang?" Ang tanong ko kay Lenard.
"Oo naman!" Ang tipid na sagot ni Lenard sakin.
Biglang lumapit sa amin si Joshua.
"Oh kamusta tuloy ba tayo?" Ang tanong ni Joshua kay Lenard.
"Oo tuloy na tuloy! At Isa pa may bago tayong member si Limuel" Ang masayang sambit ni Lenard kay Joshua.
"Oh tara na baka kanina pa sila naghihintay sa labas" Ang sambit ni Lenard sakin.
Naglakad na kaming tatlo palabas ng gate at nagpasya kaming magkarera nila Lenard gamit ang motorsiklo.
Sumakay ako sa motor medyo marunong na akong magmaneho ng motor ngayon dahil tinuruan ako ni Joshua.
Nagpasya akong pabilisin ang pagmamaneho nitong motor na sinasakyan ko ngayon.
Masaya ako kasi marunong na akong magmotor ngayon. Nagulat na lamang ako nang hindi ko na magawang pabagalin ang pagmamaneho nitong motor kaya bigla na lamang akong naaksidente at nawalan ng malay.
Lumipas ang tatlong oras...
Nagising na lamang ako dito sa loob ng hospital at hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa sakit ng binti ko. Nagsisisi ako dahil sumama pa ako kanila Lenard sa pagmomotor kung hindi ako sumama sana hindi ako umiiyak sa sakit ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko para kausapin si Mama and agad naman sinagot ni Mama ang tawag ko.
"Mama" Sambit ko habang hawak ko ang cellphone ko para kausapin ang Mama ko.
"Anak naman nasaan ka na ba bakit hindi ka pa umuwi dito?" Ang pag-aalalang tanong sakin ni Mama.
"Mama na sa hospital po ako ngayon. Mama sorry po!" Ang sagot ko.
"Ha? Bakit anong nangyari sayo! Ha?" Ang pag-aalalang tanong sakin ni Mama.
"Mama naaksidente po ako kaya hindi ako makauwi dyan. Mama sorry po kasi hindi ako sumunod sa bilin nyo sorry po talaga Mama!" Ang paghingi ko ng tawad kay Mama dahil hindi ako sumunod sa kanyang utos.
"Nasaan ka ba anak? Pupuntahan kita dyan" Ang tanong sakin ni Mama
"Narito po ako sa San Lazaro" Ang sagot ko Kay Mama.
Isang oras ang lumipas...
Sa wakas dumating na si Mama at kasama nya si Papa kapwa silang nag-aalala sakin.
Nakita ko si Papa nakasimangot at nakatayo lang then si Mama niyakap ako dahil nag-aalala sakin ng sobra si Mama.
"Kung sumunod ka lang sana Limuel hindi tayo magkakaroon ng ganitong problema!" Ang painis na sambit sakin ni Papa.
"Papa, Mama sorry po sa inyo!" Ang paghingi ko ng tawad sa mga magulang ko.
"Limuel you are seventeen years old and in the next five months your turning eighteen so just be responsible to your actions and be mature enough. Isipin mo lahat ng consequences ng mga gagawin mo bago mo gawin eh paano kung ikinamatay mo yon paano kami ha?" Ang pag-aalala ni Papa sakin.
"Sorry po Papa promise hindi na po mauulit!" paghingi ko ng tawad kay Papa
"Limuel Ikaw nalang ang nag-iisang anak namin ng Mama mo paano kung nawala ka paano na kami kapag nawala ka? Limuel ikaw nalng ang maaasahan namin at maaasahan ko na magmamana ng lahat at magmanage ng company balang araw kaya huwag mo kaming biguin pakiusap naman!" Ang pag-aalalang sambit sakin ni Papa.
Dahil sa mga sinabi ni Papa dito na ako nagsimulang umiyak.
"At Isa pa huwag kang iiyak kapag nalulungkot ka hindi magandang tingnan na umiiyak ang lalaki sinasabi ko ang mga ito sayo dahil anak kita at gusto ko maging maayos ang pagpapalaki namin sayo ng Mama mo. Naiintindihan mo ba Limuel?" Ang bilin sakin ni Papa.
"Opo Papa promise hindi na ako uulit" Ang sambit ko habang umiiyak ako dahil masakit ang binti ko.
Akira's POV
This Thursday first night ng burol ni Ina'y, dito sa bahay na inuupahan namin ibuburol si Ina'y alas kwatro na ng hapon dumating mga taga St.Peter para i-arrange na ang burol ni Ina'y.
Nagpuntahan ang aming mga kapitbahay upang makiramay. Inihanda ko ang mga biskwit at kape para sa mga bisita.
Sa unang gabi ng burol ni Ina'y hindi ako natulog wala akong ginawa kundi ang umiyak lang sa loob ng kwarto.
Sobra akong nasasaktan sa mga nangyayari. Naisip kong lumabas upang sumilip sa kabaong hindi ko pa rin mapigilan ang malungkot at magalit.
Lumapit sa akin si Ate Josefine.
"Akira alas tres na ng daling araw bakit di ka pa natutulog?"
"Hindi kasi ako makatulog teh wala na kasi si Ina'y eh"
"Kailangan mong matulog baka magkasakit ka nyan" pag-aalala ni Ate sakin.
"Ate hindi talaga ako makatulog eh ang hirap kasi" I reasoned.
Lumabas ako para ligpitin ang mga pinagkapihan ng mga bisita kanina may isang magazine na nakalagay sa lamesa ang nakaagaw ng aking pansin. Nilapitan ko ito at tiningnan maigi.
Pamilyar sakin ang lalaking nakita ko sa magazine na hawak ko ngayon mukhang ito talaga yung nakabangga kay Ina'y si Erik Saison ang mayaman na negosyante sa buong Manila.
Basta sigurado ako na si Erik Saison yung nakita ko na bumangga sa Ina'y ko at hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit yung picture ng white car dito na kasama nya sa picture ito rin yung kotse na nakita ko na bumangga kay Ina'y.
Hindi ako nagdalawang isip pa na ibigay kay Ate Josefine ang magazine na hawak ko. Pagkabigay ko ng magazine yumuko sya at umiiyak.
"Ate magsampa tayo ng kaso para makulong sya" my suggestion.
"Sige magsampa tayo pero sa ngayon maghintay muna tayo na mailibing si Ina'y"
Pagkatapos ng limang araw inilibing na si Ina'y sobrang hirap mag-adjust kasi nasanay akong nandyan sya tapos ngayon wala na. Kinabukasan nag-file na si Ate Josefine ng kaso laban kay Erik Saison hindi ako nakasama dahil bigla akong nagkasakit.
Until dumating na yung araw na hearing para sa kaso ni Ina'y so hindi na naman ako nakasama dahil may sakit ako kaya naiwan ako dito sa bahay mag-isang nagpapagaling.
Alas nuwebe na ng gabi nakauwi si Ate Josefine.
"Ate kamusta nakakulong na ba?" Tanong ko.
Si Ate Josefine ay biglang sumimangot.
"Akira natalo tayo, Wala tayong laban kasi... maimpluwensya sila at mayaman at isa pa magagaling abugado ni Erik Saison kaya natalo tayo" malungkot na pahayag ni Ate sakin.
I started to cry again.
"Ate hindi pwedeng ganon napaka unfair naman namatay nalang si Ina'y ng ganun kadali tapos malaya pa rin yung nakamatay sa kanya. Hindi pwedeng mangyari yun Ate huhuhu."
Then I hug my sister.
Kahit nabigo kaming makamit ang hustisya para kay Ina'y sa ngayon, hindi ako papayag na hindi ko ito makamit kahit kailan maghihigante ako balang araw ipaparamdam ko sa kanila kung anong sakit na ipinaramdam nila samin sa pag
kamatay ng ina namin. Tripleng paghihirap ang ipaparanas ko sa Saison family mark my word.
Lumipas ang dalawang linggo...
Akira's POV
Nandito ako sa Simbahan dahil sinamahan ko si Mico magtinda ng sampaguita.
Bukas kasi holyweek na kaya kailangan kumayod kami ng best friend ko.
Nandito kami sa lng simbahan nakaupo sa hulihan wala naman misa tumambay lang muna kami rito ngunit napatigil ako nang may isang lalaking may sakbit ng bag sa likod nakasuot ito ng puting t-shirt at black slocks na papalapit sa amin.
Paglapit ng lalaki samin naamoy ko ang pabango nito na nakakarelax ngunit diko alam kung anong pabango nito sa tingin ko mamahalin pabango ng lalaking ito.
"Hi good morning! Nakita nyo ba si Father Rico?" Tanong ng lalaking ito sa amin ni Mico.
"Oo pero hintayin mo na si Father kasi balita namin bumili sya ng pagkain sa labas" sagot ko.
"Pwede bang dito muna ako sa tabi nyo habang naghihintay? Ang boring kasi " he reasoned.
"Oo naman! No problem!" Sagot ko
"Salamat!" He says and he smiled at me
Inalis ng lalaking kaharap ko ang nakasakbit na bag sa kanyang sarili at ipinatong ang bag pack sa tabi ko.
Dito na ako nagsimulang ngumiti dahil tila parang nahawa na ako sa ngiti ng lalaking nasa harapan ko. Grabe ang gwapo!
"Hi! Dayo kalang dito Tama?Parang ngayon lang kita nakita eh" tanong ko.
"Oo eh taga Manila kasi ako " sagot nya.
"Ang gwapo mo!" Pagkakasabi ko habang wala ako sa sarili ko dahilan ng pagkagulat ko.
Lutang kasi ako ngayon kaya heto parang tanga haha
"Salamat! Btw, maganda ka!" He says while smiling at me.
Diko alam kung ano mararamdaman ko pero kinakabahan ako.
This is my first time na meron taong nagsabi sakin na maganda ako.
"Salamat kahit di naman talaga!" Saad ko habang napapakamot sa sintido ko.
Tinapik ako sa likuran ng lalaking ito na ikinagulat ko.
"Dyan na kayo nandito na si Father eh!" He reasoned.
"Sige!" Saad ko.
Isinakbit mula ng lalaking kaharap ko ang bag pack nya at tuluyan nang naglakas papalayo sa amin.
Habang naglalakad sya ang mga mata koy nakasunod ngunit biglang bumalik ang pagtingin ko kay Mico mula nang ito ay kinuhit ako.
"Bakit ba?" Painis kong tanong.
"Pansin kita kanina pa ano crush mo na yung lalaking dayuhan na Yun?" Tanong ni Mico sakin.
"Eh ano naman kung maging crush ko? Eh crush lang naman wala naman masama dun!" I reasoned.
"Sinabihan ka lang na maganda gusto mo na agad? Paano kung pagtripan ka nun at pagsamantalahan ka?" Saad ni Mico.
"Mukhang mabait naman eh!" I reasoned
"Ewan ko sayo Akira! Di ka na nadadala look pinagtripan ka ng classmate mo before paniwalain ka masyado!" Paalala ni Mico sakin.
Sa mga sumunod na araw naging abala kami ni Ate Josephine, Mico at ako sa paggawa ng palaspas.
Hanggang sa sumapit ang linggo I decided to attend mass para makasama sa pagcecelebrate ng linggo ng pagkabuhay actually sa tabi ng simbahan na ito ay may tinayo pang mga bagong building.
Sa bagong tayo na gusali actually hanggang 3rd floor ang taas nito sobrang nagandahan ako sa building na yun.
Buti kakaunti palang ang mga tao dito sa Simbahan kaya napagpasyahan kong umupo napatigil ang pagiging malikot ng mata ko dahil may naamoy na naman akong mabango.
Napalingon ako sa aking likuran and I saw again the guy I saw last week. Naglakad ang lalaking ito sa unahan kasama ang ibang mga sakristan grabe ang gwapong sakristan naman nito palangiti pa!
Baguhan lang sya siguro sa pagiging sakristan nya dahil ngayon ko lang sya nakita eh.
Ang mga mata ko ay nananatiling nakasunod sa lalaking nakilala ko last week.
Hanggang may batang lalaking tumakbo papunta sa unahan ng lalaking ito his name is Joseph the youngest member ng sakristan
"Brother Limuel! Tawag ka po ni Father! Kailangan ka po nya!" Saad ni Joseph habang habol nya kanyang hininga dahil sa pagtakbo.
Tinapik naman ng lalaking ito ang likuran ni Joseph.
"Wag tumakbo pag nagmamadali nakakahingal talaga yan!" Saad ng lalaking ito.
"Who is Brother Limuel??" Tanong sa isipan ko diko alam kung sino sa kanila dahil marami silang magkakasama.
1 hour later...
Natapos na nga ang Homily ni Father but we are still here inside the church dahil may announcement daw si Father.
Nakabihis sakristan yung lalaking nakilala ko last week and tinawag ito ni Father.
" Pasensya na sa abala ano akoy may pahabol lamang sa announcement! Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang mga magiging bagong seminarista dito sa atin na nagmula sa Maynila!" Saad ni Father habang hawak ang mic.
Nakita ko ang lalaking nakilala ko last week na humawak sa mic at huminga muna ito ng malalim.
"Good morning po sa inyong lahat!" Pagbati sa aming lahat at nagsimula nang humiyaw ang mga babae.
Paano ba naman kasi di hihiyaw mga kababaihan dito eh ang gwapo gwapo nya talaga sobra! Hayst naman!
" I'm Limuel Garcia Saison! 17 years old tawagin nyo nalang akong Brother Limuel! Ako po ay sakristan for almost 3 years at isa sa magiging bagong seminarista!" Pagpapakilala ni Brother Limuel sa unahan.
I was so shocked this time dahil isang seminarista pala ang crush ko!
Limuel pala pangalan nya uhm that's a nice name bagay sa kanya mabait tapos ang gwapo!
Sayang naman kagwapuhan nya mukhang maraming babae nagkakagusto sa kanya at talaga magaganda pa pero that's his choice I will pray for him.
Di ko na sya magiging crush dahil magpapari pala talaga sya at hindi pwedeng magkagusto pa ko sa kanya dahil ayokong umasa at baka masaktan feelings ko.
Sakristan sya for almost 3 years pero napakabihira kong makita oo nga pala bihira lang akong magsimba.
Pagkatapos ng announcement at pagpapakilala ng mga bagong papasok na seminarista ay agad akong lumabas.
pagkalabas ko ay agad akong tumabi kay Mico habang kaharap ni Mico ang mga tinitindang palaspas
Mico's POV
Nakita ko si Akira na umupo sa tabi ko
habang nakasuot ito ng kulay pink na dress kaya napangiti ako.
"Ang ganda ng suot mo pero bat nakasimangot ka?" pagtataka ko.
"Eh kasi naman eh!" nayayamot na saad ni Akira sakin.
Huminga ako ng malalim
"Eh ano ba kasi Yun?" tanong ko.
"Kasi yung crush ko pala magpapari na sya!" saad nya habang nakasimangot dahil nalulungkot.
hinimas ko ang likod ng kaibigan kong si Akira.
"Ayos lang yan ganyan talaga ang buhay di lahat ng gusto mo makukuha mo!" payo ko.
"Saka ipagdasal mo nalang ang vocation ng crush mo hayaan mo yung pagkacrush mo sa kanya lilipas din yan. wag kasi mahilig umasa para di nasasaktan look at you oh!" I added.
"Salamat sa mga payo mo sakin Mico!" pagpapasalamat ni Akira sakin.
"You're welcome! friend!" saad ko.
Kung ako nalang kasi Akira di ka mag-sisisi dahil sasaluhin kita at sasamahan forever.
Paglipas ng isang buwan....
Finally, malapit na akong mag graduate ng highschool! and next year college na ako sa wakas makakatulong na ako kay Ate Josefine para tumigil na sya sa pagbebenta ng sarili nya. Alam ko naman kung bakit ginagawa ni Ate Josefine yun kasi para sa amin si Ate na kasi ang tumatayong Ina ko eversince namatay si Ina'y.
Then nagpunta ako sa computer shop para magbrowse sa f*******: this Tuesday. Then may nakita akong scholarship application so I clicked it at kumuha na rin ako ng entrance exam.
After three days bumalik akong computer shop para tingnan kung pumasa ako sa entrance exam. Yes finally, pasado nga ako sa entrance exam ng university sa Thailand. Ang maganda pa rito may sponsor pa ako at sagot pa ng sponsor ko ang pamasahe papunta sa bansang Thailand.
Magtutuloy-tuloy ang pagtulong sakin ng sponsor ko if mapanatili kong mataas grades ko kaya pinagbubuti ko pa pag-aaral ko para sa amin ni Ate Josefine.
Nagvideo call kami ng boyfriend ko na si Mico actually dati namin kapitbahay si Mico nagkalayo lang kami dahil lumipat na sila sa kabilang bayan. Since last week palang kami nang maging magboyfriend at girlfriend alam ko naman na love at tanggap nya ako. I like him kasi masipag sya tapos mabait at magalang.
Sana kahit anong mangyari hindi nya ako ipagpalit sa iba sa oras na umalis na ako dito sa Philippines at sana maintindihan ni Ate Josefine kung bakit kailangan ko pumunta sa Thailand kasi para naman ito sa amin.
After three days bumalik akong computer shop para tingnan kung pumasa ako sa entrance exam. Yes finally, pasado nga ako sa entrance exam ng university sa Thailand. Ang maganda pa rito may sponsor pa ako at sagot pa ng sponsor ko ang pamasahe papunta sa bansang Thailand.
Magtutuloy-tuloy ang pagtulong sakin ng sponsor ko if mapanatili kong mataas grades ko kaya pinagbubuti ko pa pag-aaral ko para sa amin ni Ate Josefine.
Nagvideo call kami ng boyfriend ko na si Mico actually dati namin kapitbahay si Mico nagkalayo lang kami dahil lumipat na sila sa kabilang bayan. Since last week palang kami nang maging magboyfriend at girlfriend alam ko naman na love at tanggap nya ako. I like him kasi masipag sya tapos mabait at magalang.
Sana kahit anong mangyari hindi nya ako ipagpalit sa iba sa oras na umalis na ako dito sa Philippines at sana maintindihan ni Ate Josefine kung bakit kailangan ko pumunta sa Thailand kasi para naman ito sa amin.
March ten is my graduation day.
I'm so very emotional kasi this is the first time na wala si Inay dapat kasi si Inay yung magsasabit sakin ng medal ngunit hindi na yun mangyayari pa dahil patay na si Inay.
"Our class Valedictorian Soledad, Akira M. let's give her applause" Ang sambit ng principal sa stage.
Nagpalakpakan lahat ng narito sa graduation ceremony.
Tumayo ako at naglakad papunta sa stage dahil tinawag ang pangalan ko kasama si Ate Josefine dahil si Ate ang magsasabit ng mga medal ko.
"She is best in Mathematics, best in English, best in perfect attendance and the most responsible student of the the year" Ang sambit ng teacher ko habang sinasabitan ako ng mga medal