Still Limuel's POV "Ginamit lang kita para lang maipakulong yang ama mo dahil pinatay nya ang Nanay ko. Ginamit lang kita para lang makapaghiganti dyan sa pamilya nyo! Naiintindihan mo ba ako Limuel? Uulitin ko ginamit lang kita hindi kita minahal! Nakikipaghiwalay na ako sayo dahil gusto kong mabuhay ng tahimik dahil sa tuwing nakakasama kita naaalala ko mga katarantaduhan ng Papa mo!"Ang sigaw ni Akira sakin then biglang nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Mahihimigan ko ang galit sa boses ni Akira na tila hindi na sya ang babaeng nakilala ko noon na minahal ko. Si Akira ang malambing at mapagmahal kong asawa na ngayon ay nagbago na. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sumasabay din ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman k

