Chapter 16: Resentment of a Mother
HARRY
We're finally here at Royal. Kasama ko ngayon si mama, the Goddess Queen of Mantua. Siya na lang ang sumama rito sa Royal, at naiwan si papa sa Mantua since wala naman siyang kakayahan na makapasok sa dimensyon ng mga Bathala't Bathaluman dahil isa lang siyang Sorcerer. Ngunit maaari naman siyang pahintulutan 'pag ninanais niya, but he was just insisted na 'wag na lang. Tsaka wala raw mamumuno sa Mantua 'pag umalis pa siya dahil wala rin daw ngayon sa Mantua ang iba pang Bathala't Bathaluman na naninirahan do'n, sila Goddess Moona, at Goddess Adaya, sisters of our grandmother Goddess Rose who passes away a thousand of years ago no'ng kinalaban niya no'n si God Blake in Underworld. Na anak naman silang tatlo ni God Neil, our great grandfather.
But I tried my best to convince King Llwen na sumama sa'min upang makita niya sa huling sandali si Infinity though he insisted already na 'wag na. Kasi alam ko na gustong-gusto na niyang makita, but still, he refused me. And I understand naman kung ayaw niya dahil masakit din ito sa kanya, tsaka wala siyang mapagpipilian. Kaligtasan pa rin ng kanyang mga nasasakupan ang dapat niyang unahin.
Infinity was his only child to Queen Gail, and yes, si Infinity lang ang tunay niyang anak, at si Leaves ay anak ni Queen Gail sa ibang lalaki. But still, silang dalawa'y kambal. Sabay silang nabuo't naisilang sa iisang araw, ngunit magkaiba ang mga ama nila, at posibleng mangyari 'yon dahil si Queen Gail ay isang mataas na uri ng Bathaluman.
Tsaka sabi niya'y hihintayin na lang niya si Leaves na dumating sa Mantua dahil siguradong do'n lang din naman ang kahahantungan niya after all. And King Llwen treated her as his own child, kaya malapit silang dalawa't itinuring na rin ni Leaves bilang tunay niyang ama si King Llwen.
Samantala, agad kaming lumitaw ni Queen Gail sa harap ng malaking gate ng Royal, the Monarchial Gate of Royal Dimension, the Dimension of Gods and Goddesses.
Nang makapasok kami sa eleganteng gate ng Royal ay hindi na pa kami nagpaliguy-ligoy ni mama't agad kaming tumakbo nang mabilis patungo sa bulwagan. Kinaligtaan ko na rin ang pagmumuni-muni sa Monarchial Gate, na nakasanayan ko nang gawin whenever I went here.
'Di lang kasi ako makapaniwala, na isang tulad ko'y may kakayahang pumasok dito sa Royal, kaya ginagawa ko 'yon palagi. Tsaka inaalala ko rin kasi... Na paano kung narito ngayon si Infinity? Magiging masaya rin ba siya gaya ko? Lalo na't siya ang susunod na uupo sa trono't magiging kataas-taasang Bathaluman sa buong Unibersa. Of course, yes. Who wouldn't be? Sino'ng hindi masisiyahan sa katungkulang 'yan? Hawak mo ang lahat, malalaman mo ang lahat ng mali't tama sa buong lugar dito sa Unibersa. Kung saan ay maaaksiyonan mo ito agad-agad. Kaya panigurado ako na gan'yan ang gagawin ni Infinity gaya nang ginagawang panunungkulan ni Queen Gail, at King Llwen, ang kanyang mga magulang sa Mantua.
Samanatala, nang makarating kami sa mismong harapan ng bulwagan ay biglang bumukas ang malaking pintuan nitong gawa sa pinaghalo-halong kulay ng mga diyamante.
Agad kaming pumasok ni Queen Gail, at nadatnan ang lahat na naka-upo na sa kanya-kanya nilang mga upuan. Nasa pinakagitna si Alpha Goddess Hely bilang siya na lang ang natitirang Alpha ngayon. Habang sa tabi naman niya si King Bernian, ang hari ng lahat ng mga Bathala't Bathaluman. Kung saan naman ay katabi niya si God Neil, our Grandparent, at si Goddess Heldy of Heal. Sa kabila naman ni Alpha Goddess Hely naka-upo sina God Lii of Time, at Goddess Lyre of Galaxy. At sa tabi ni Goddess Lyre ay may bakante pang isang upuan, ang upuan ni God Blake of Underworld.
May bakanteng upuan din sa tabi ni Goddess Heldy na siyang upuan ni Queen Gail bilang isa siya sa pinakamalakas na Bathaluman sa buong Unibersa.
Higit pa rito, ang mga hari't reyna naman ng iba't ibang dimension ay naka-upo sa harapan ng mga nakakataas. Naro'n din si Goddess Hearlet, at God Rain, my real dad na may sarili rin silang upuan. Habang naka-upo naman sa likod ng mga hari't reyna ang ibang mga Ranking Gods and Goddesses, na pinangungunahan ni Rina. At sa tabi ni Celeste'y naro'n ang kambal na kaibigan ni Infinity o kilala bilang si Green, sila Scarlet, at Starlet.
Parang ang lahat ng nga pinakamalalakas na Bathala't Bathaluman ay narito. At mukhang kami na lang ni Queen Gail ang hinihintay ng lahat.
"Mabuti't dumating na rin kayo." Tumayo si daddy upang salubungin kami, kaya umabante na rin kami ni Queen Gail upang salubungin din siya.
Nang tuluyan na kaming magkalapit sa isa't isa'y una kaming nagkayakap ni dad, at kumalas din kalaunan upang harapin si Queen Gail.
"My sister," my dad whispered before he give his hug to Queen Gail.
"Kuya," hindi na napigilan ni Queen Gail ang maging emosyonal nang tuluyan nang balutan ni dad si Queen Gail gamit ang kanyang mga bisig, at katawan.
"Kuya... Si Infinity?" Humagulgol sa iyak si Queen Gail.
Dad caress Queen Gail's back.
"Sorry," ang tanging lumabas sa bunganga ni dad while kissing Queen Gail's forehead.
"Hindi ko kaya," Queen Gail whispered in her cracked voice.
"Shh! Kaya mo 'yan. We're here to relief you. Alam kong mahirap ito, but you need to calm yourself. Magiging okay rin ang lahat," my dad mouthed.
Tumango-tango si Queen Gail, "Thank you," she whispered.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili na maging emosyonal. Sobrang sarap kasi sa mga mata na makita silang dalawang gan'yan. They were too close to each others. Sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa. Bigla ko tuloy naalala si Jarred. Gan'yan din kasi kami rati no'ng bata pa. Nakaka-miss lang ang mga panahon na 'yon.
"Kuya... Bakit gano'n? Ano bang nagawa kong mali, na kailangang danasin ko 'to? Na danasin ng mga anak ko? Kasumpa-sumpa ba ako?" ani Queen Gail sa garalgal na boses.
Kumalas si dad sa pagkakayakap kay mama't hinawakan ang mukha nito't iniharap sa kaniya. "Hindi!" he shook his head," Wala kang kasalanan, walang mali sayo. At mas lalong hindi ka isang sumpa, okay? Nagkataon lang, hindi naman natin hawak ang kapalaran," my dad tried to enlighten Queen Gail.
Queen Gail shook her head, "Pero bakit kailangang mangyari 'to?"
"Marahil ay ito talaga ang nakatadhanang mangyari. Misteryoso ang mundong tinatapakan natin. Kung anuman ang nangyayari'y hindi sakop ng ating mga kapangyarihan upang makita ito, kaya ang tangi lang nating magagawa ay we should deal with it. Lumaban lang tayo, malalagpasan din natin 'to. Pagsubok lang 'to," dad hugged her again.
"Narito lang ako, kami para sayo. Sama-sama tayong lalaban, okay? Mayamaya'y narito na rin si Ring," dad mouthed, na tinanguhan naman ni Queen Gail.
"P-pero nasa'n si Infinity ngayon?" patuloy pa rin sa paghikbi si Queen Gail.
Dad wiped Queen Gail's tears, "Halika," he held her hands, and walk towards the parlour, kaya sumunod na rin ako.
Naglakad na kami papunta sa 'ming mga upuan. At nang maka-upo kami ay biglang nagsalita si King Bernian, na siyang dahilan kung bakit ako napayuko. Mukhang kami nalang talaga ang hinihintay rito, tapos may yakapan, at iyakan pa kaming ginawa, na lalong nagpatagal sa'min bago makarating dito sa silid-tanggapan.
"Alam kong nararamdaman niyo ang kakaibang atmospera sa daigdig. Alam ko rin na batid mo na kung bakit nangyayari ang lahat ng ito Gail." Tumingin kaming lahat kay ina.
Tumango si Queen Gail sa sinabi ni King Bernian. "Ngunit may mas ibig akong gawin, si Infinity. I want to see her," aniya na nakatayo na ngayon.
Nakita ko kung paano tumango si King Bernian kay Queen Gail. Hanggang sa tumayo si Alpha Goddess Hely, at ikinumpas ang mga kamay.
Habang ikinukumpas ni Alpha Goddess Hely ang mga kamay ay biglang binalot ang paligid ng kulay puting mga usok. At ilang sandali pa'y dalawang eleganteng kahon na gawa sa iba't ibang kulay ng diyamante ang lumitaw sa pinakataas na bahagi ng silid-tanggapan.
(Sorry na agad, gan'yan lang ang kaya ko this time!)
"Green? Claire?" takip bungangang bulalas ni Scarlet na katabi ko ngayon.
Nang humupa ang puting usok ay unti-unting umangat ang dalawang kasinglaki ng isang tao. Marahil ay ito na nga ang kabaong nila.
Tumayo ako sa'king upuan habang pinapanood kung paano umangat ang kinalalagyan nila Infinity, at Claire. Hanggang sa tuluyan nang mabuksan ito't makita silang dalawa na mahimbing na mahimbing na natutulog.
"Infinity!" sigaw ni Queen Gail, and in just a blink of an eyes ay nasa harap na siya ng kabaong na humahagulgol.
Bigla namang nataranta si dad dahil sa nasilayan, at nakita ko kung paano siya makipagtitigan sa mga nakatataas, lalong-lalo na kay God Neil.
Nagkatanguhan si dad, at God Neil, and in just a snap ay nasa tabi na siya ni Queen Gail na tumatangis. Ngunit ang ipinagtataka ko'y kung bakit unti-unti siyang kinakain ng berdeng liwanag.
"Ihanda ang inyong mga kapangyarihan!" King Bernian said in authority, na agad namang sinunod naming lahat kahit 'di ko alam kung ano'ng dahilan.
Kan'ya-kan'ya kaming nagpalabas ng kapangyarihan sa'ming mga palad.
"Gumawa kayo ng inyong sariling mga kalasag," utos pa nito na agad naming sinunod, pero nanatiling walang kibo ang kambal na katabi namin ngayon ni Celeste.
"Walang galang na..." Scarlet bowed her head to King Bernian, "Ngunit hindi namin kayang gawin ang ini-uutos mo, mahal na hari," aniya.
"Harry," ani King Bernian, at nakuha ko naman agad ang gusto niyang sabihin. Ngunit biglang lumitaw sa harapan ng kambal si Virgo, ang kanilang nakatatandang kapatid, at gumawa ng kalasag na gawa sa tubig.
"Ako na, maraming salamat," aniya na agad ko namang tinanguhan.
"Infinity, anak?" kita ko rito kung paano yakapin ni Queen Gail si Infinity na wala ng buhay. "Magbabayad sila!" sigaw niya nang malakas dahilan upang yumanig.
Gano'n ba talaga kalakas ang kapangyarihang taglay niya't isang sigaw lang niya'y umuga na ang kalupaan?
"Ipapatikim ko sa kanila ang hinagpis ng isang ina!" Kasabay sa malakas niyang sigaw ay ang malakas na p'wersang tumama sa mga kalasag na ginawa namin.
Nakita ko rin kung paano tumilapon si Gemini, ngunit nakuha ito ni Rina agad, kaya ligtas na siya. Marahil ay hindi kaya ng kapangyarihan ni Gemini ang kapangyarihan ng isang Nature Goddess since Queen Gail is one of those Legendary Goddess.
Habang si dad ay nasa tabi pa rin niya na may kalasag ding gawa sa kidlat, ngunit mukhang hindi na rin niya kaya ang p'wersang nanggagaling Queen Gail. She's really dangerous. Ngayon ko lang natunghayan ito, ang nakakatakot na version of her.
Kaya agad kong iwinagayway ang kanan kong kamay upang magpalabas ng kidlat papunta kay dad bilang karagdagan niyang kalasag.
"Hindi ko kayo mapapatawad! Ah!" malakas niyang sigaw, at sa isang iglap lang ay nagliwanag ang kapaligiran.
Wala akong makita kahit sino't ano, ngunit rinig na rinig ko ang malakas na pagbagsak ng kung anu-ano. Kaya mas lalo kong pinalakas ang kapangyarihang inilalabas ko upang magsilbing pananggalang.
Ramdam na ramdam ko ang isang napakalakas na kapangyarihan, isang galit na galit.
~ginisamyxx