Chapter 15: Alpha God Demy: Synergic God of Death, and Underworld
HARRY
Hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ang pagpapatawag ng pulong ni King Bernian gayong may malaki kaming suliranin ngayon, si Infinity na itinakda bilang tagapagmana ng trono ng Unibersa na nakahandusay na ngayon, at wala ng malay.
Nauna na ring umalis sila Celeste, Virgo, at Frozt dahil inutusan din sila ni King Bernian na pumunta sa tatlo pang dimension dito sa Unibersa. Habang ako naman ay kailangang bumalik sa Mantua upang dalhin dito si mama't papa, ang tunay na mga magulang ni Infinity.
Yes, mama at papa na rin ang tawag ko sa mga magulang nila ni Leaves dahil iisang palasyo lang din naman kami nakatira. Also, my dad, and her mom are siblings. Kaya normal lang na tawagin ko silang mama, at papa. Saka my biological mom is died already, at si mama Gail na ang naging mama ko't si papa Llwen naman ang nagsilbing pangalawang ama ko. Kaya ma-swerte ako't si Leaves dahil may mga magulang kaming gaya nila. But sad to say, nagbago si Leaves nang dahil sa nararamdaman niya sa'kin, at dahil na rin sa nalaman niya sa kung sino ang posibleng pumatay kay Infinity.
"Harry," tawag ni dad, si God Rain, ang tunay na ama namin ni Jarred. And speaking of Jarred, kanina ko pa siya 'di nakikita.
"Dad?" Lumingon ako sa kaniya. "Ikinalulungkot ko ang nangyari. Pero gusto kong dalhin mo rito ng matiwasay ang kapatid kong reyna. Take care of her, son. Alam mo kung paano siya masaktan once na malaman niya ang mga nangyari, okay? Kasi kailangan kong hanapin si Jarred. Kanina ko pa siya 'di nakikita." Nagsalubong ang aking mga kilay.
"Siya ring ipinagtataka ko, ngunit mag-iingat ka rin. At ipinapangako ko sayo na dadalhin ko rito si mama't papa nang matiwasay." I hugged him, and suddenly I teleported.
Agad akong lumitaw sa harap ng malaking portal ng Mantua't bumungad kaagad sa'kin ang dati'y malamig pa rin na ihip ng hangin. Walang nagbago.
"Oh, how I miss this place?" Bumuntong hininga ako bago ihakbang ang mga paa't makapasok sa malaking tarangkahan ng Mantua, na siyang nagpapahiwatig na nasa dimensyon na nga ako ng mga Sorcerers.
Sa pagpasok ko palang ng Mantua'y agad kong naramdaman ang kakaibang badya ng hangin. Kung kanina'y malamig, at banayad ang hangin sa labas ng tarangkahan, dito naman ay hindi. Kakaiba.
Alam kong nagbalik na ang mga Exodus, ngunit hindi, iba ang kutob ko. Ang Exodus ay mga puppet lamang ni God Blake, kaya imposibleng pati ang Bathaluman ng hangin na si Rina'y makaramdam ng takot. Dahil ang mga Exodus ay mga mortal na kalaban lamang ng maliliit na lahing katulad ng mga Sorcerers, Fairies, Mages, atbp. Kaya't ano'ng dahilan ng hangin na maggbigay ng babalang gan'to, lalo na't kayang-kaya naman ng ibang natitirang Neon's Gods and Goddesses na lupigin si God Blake, na siyang nasa likod ng mga kadiliman sa buong Unibersa. Posible kayang ito ang dahilan ni King God Bernian kung bakit pinapatawag niya ang mga namumuno sa iba't ibang dimensyon?
Tumingala ako sa kalangitan, na ngayo'y unti-unti na ring kinakain ng dilim ang liwanag na parte nito.
Kinutuban naman ako sa nakikita gayong I'm the God of Sky, pero wala akong alam sa mga nangyayari. At isa lang ang ibig sabihin nito, may nangyayaring tanging ang mga pinakamatataas na Bathala't Bathaluman lamang ang nakaka-alam.
Kakaiba rin ang atmospera ng lupa rito. Maging ang galaw ng mga puno't mga halaman ay kakaiba ang pag-indayog. Makikita rin sa himpapawid ang mga iba't ibang lahi ng ibon na sama-samang lumilipad, at iisa ang pinapatunguhan. Parang may kung ano silang kinakatakutan.
"Mukhang mahalaga nga ang ipinag-uutos ni King Bernian sa'min ngayon, ang ipatawag ang mga nakakataas sa iba't ibang dimensyo para sa isang pagpupulong, na marahil ay ito ang dahilan." I whispered.
Ngunit hindi ko na pala namamalayang may tumutulo ng mainit na luha sa'king mga pisngi.
Bigla kasing dumaloy sa'king isipan si Infinity, ang kanyang sinapit, and I don't how to tell it to Queen Gail, and King Llwen. Kung nasasaktan na ako sa nangyayari'y mas lalong masasaktan sila ng sobra.
Pinunasan ko ang mga luha sa 'king mga mata, at pisngi. Tsaka tumingala sa kalangitan upang pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. And after a couple of minutes ay bumuntong hininga ako bago tinahak ang daan papunta sa palasyo ng Mantua.
Habang ako'y naglalakad, napansin ko kaagad ang pagiging balisa ng mga mamayan. Parang may kung ano silang tinatakbuhan, may kung anong kinakatakutan.
Walang anuma'y naramdaman ko na lang na tumatakbo na ako papalapit sa mga mamayang nagtatakbuhan. Nang makita nila ako ay isang ngiti kaagad ang gumuhit sa kanilang mga labi. Parang biglang nabuhayan sila ng loob nang makita ako.
"Bathalang Harry?" masayang lumapit sa akin ang lahat.
They bowed their heads to show their respect to me.
"Mabuti't nagbalik ka na Bathalang Harry?" tanong ng isa.
"Oo nga, lalo pa't may pinagdadaanan ang mahal na reyna," wika pa ng isa.
"Ba't mo sinabi? Ang dal-dal mo talaga. Pasen'ya na po." Iniyuko nila ang kanilang mga ulo bilang paghingi ng paumanhin.
"It's okay, mukhang kailangan ko ngang harapin si mama." Pinilit kong ngumiti. "Sige, babalikan ko kayo mamaya, kailangan ko munang puntahan ang reyna." Tinalikuran ko na sila, at humayo.
"Mukhang may malaking problema talagang kinakaharap ang Mantua." Nilibot ng aking paningin ang kapaligiran, at nakita pa ang ibang mamamayan na abalang-abala sa pagliligpit ng kung anu-anong bagay.
"Ano kayang nagaganap dito? Is it all about Exodus again?" Pabulong kong tanong sa sarili.
Binilisan ko na ang paglalakad, at agad na nakarating sa makintab, at nagniningning na palasyo ng Mantua. Hanggang ngayon ay wala paring nagbago rito. Gano'n pa rin gaya ng dati. Ang garden sa harap ng palasyo kung saan palagi kaming naglalaro ni Jarred noon ay wala pa ring kupas ang ganda. Kung saan ay may nakatayong ang statue ni Infinity no'ng baby pa siya't nakasuot ng koronang mahihahalintulad mga sa Infinity Gems. Ang lugar kung saan ako tumatambay palagi, at kinaka-usap ang statue ni Infinity, na siyang nakakapagpagaan sa 'king loob. Argh! I really miss this place!
Hanggang sa hindi ko na namamalayang kusa na pala akong dinala ng sarili kong mga paa sa statue ni Infinity. At napahagulgol na lamang sa iyak habang nakaluhod sa harap nito.
"I'm so sorry Infinity. It's all my fault, wala akong nagawa upang protektahan ka. Mas inuuna ko ang galit, sama ng loob, at pride." Lumakas ang aking paghikbi. At nang mahimasmasan ako'y akma na sana akong tatayo nang may tumawag sa'king pangalan.
"Harry?" masayang sambit ni Queen Gail sa 'di kalayuan sa'kin.
"Mama?" tawag ko't walang anuma'y tumakbo ako papunta sa kanya, at niyakap ng mahigpit.
"Harry, napadalaw ka? Hindi ba't may kaparusahan ang paglabas mo sa Royal Academy gayong batid kong nag-umpisa na ang training ninyo? Alam mong bawal, bakit ka pumarito?" mga katanungan niya na siyang dahilan upang mapahagulgol ulit ako sa iyak.
"Hey, what's going on?" Queen Gail hugged me tight as she caresses my back.
"Si Infinity," wika ko sa garalgal na boses.
Biglang kumawala sa pagkakayap si Ina sa 'kin.
"Wait, totoo ngang buhay siya?" Isang masayang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi pero nawala rin ito kaagad. "Pero, 'wag mong sabihing totoo lahat ng napapanaginipan ko?" Nangilid ang mga luha niya.
Tumango-tango ako. "I'm so sorry, hindi ko alam na siya 'yon. Kung alam ko lang sana... Sana'y nailigtas ko siya. Sana buhay pa siya ngayon, at kasama ko, natin." Tumangis lang ako sa harap niya.
"Where is she? Kailangan ko siyang makita." Biglang siyang napaluhod, at humagulgol.
Lumuhod rin ako upang mapantayan siya. "Naparito ako ina dahil sa isang mahalagang bagay na..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil sa biglang pagsingit ni Ina.
"Dahil sa pagbabalik ni Alpha God Demy!" biglang nag-iba ang awra ni Ina. "Nagpapatawag ng pulong si King Bernian dahil hindi na pa ligtas ang lahat?" tuloy pa nito.
"What are you talking about?" I asked in confusion. "Who's that... Demy?" I chuckled.
"He's a Synergic God Death, and Underworld. He's the one who stole the Infinity Gems to Alpha God Infinite. Siya ang dahilan ng kaguluhang nangyayari ngayon sa buong Unibersa." Sumingit naman si King Llwen na kararating lang ngayon.
Tulala ako dahil sa mga narinig. "I don't understand." I chuckled.
Inilahad ni papa ang kan'yang mga kamay kay mama upang alalayan siya sa pagtayo. "Pag-usapan natin 'yan sa loob." Hinigit rin ni Ama ang aking kamay upang alalayan sa pagtayo.
Agad naman kaming nakarating sa bulwagan, at umupo si mama't papa sa kanilang mga trono. Naiwan naman ako sa baba kung saan may isang upuan ang lumabas.
"Umupo ka muna riyan, kailangan mong makinig ng maigi sa 'ming sasabihin," utos ni ama.
Umupo lamang ako't hinintay ang kanilang sasabihin.
"Mag-umpisa tayo kung saan nagsimula ang lahat," wika ni papa, si King Llwen, a Shaman, one of the most powerful, and strongest Sorcerer in the history of Mantua.
~ginisamyxx
Si Queen Gail, at King Llwen ay ang totoong ina't ama ni Leaves, at Infinity. Si Harry ay pamangkin nilang dalawa dahil anak ni God Rain si Harry, na kapatid ni Queen Gail. But Harry called them mama't papa. Kung nalilito pa rin kayo. Let's read "Helms Academy: School of Sorcerers", doon niyo malalaman ang lahat-lahat ng mga katanungan about sa nila Queen Gail, King Llwen, at God Harry. Doon niyo rin makikilala si Claire nang buong-buo.
And about kay Queen Gail, napapanaginipan niya ang lahat ng mga mga mangyayari o nangyayari. She's just like the Goddess of Prophecy. But she's definitely not.
Basta, stay tuned, malalaman niyo rin ang lahat-lahat. 'Yong mga 'Prophecy' na tinutukoy ni Queen Gail ay malalaman niyo sa mga susunod na mga kabanata!
Again, standalone story to, wala ka dapat basahing iba bago ito. You can read this story kahit 'di mo binabasa 'yong 'Helms Academy: School of Sorcerers", may mga impormasyon, at mga tanong lang talaga na sa ibang story niyo mahahanap ang sagot. Thank you!