Chapter 14: Desperate Leaves
HARRY
Hindi ko alam kung gaano katagal na magkayakap kami ni Leaves. Basta ang alam ko lang ay tumatangis na rin siya, and I need to comfort her.
"Siya ba talaga si Infinity?" inosenteng tanong ni Leaves sa namamaos nitong tinig.
"Yes, she is." I hugged her tightly while caressing her back.
I just let her cry on my shoulders. And suddenly, kumalas siya sa'kin, at dahan-dahang lumapit sa wala ng malay na si Green. Lumuhod ito habang nakatakip ang kan'yang mga kamay sa bunganga, na parang hindi makapaniwala sa nakikita.
Actually, ngayon ko lang nakita ulit na gan'to kabasag si Leaves. At nakakapanibago ito ngayon dahil kilala siya bilang heartless girl, walang inuurungan, at walang iginagalang.
Matapos niya kasing malaman na ang pumatay sa kanyang kambal na si Infinity ay mataas na uri ng nilalang, at maaaring isa itong Bathala't Bathaluman ay tuluyan siyang nagbago. Galit, at puot ang namuo sa kanya. Kaya malaki ang galit niya sa lahat ng mas nakakataas sa kanya, at kung sinuman ang gustong humadlang sa kanya'y hindi niya ito aatrasan, kahit pa man si Alpha Goddess Hely ito.
"I-infinity?" Leaves shook Green's body.
"Ikaw ba talaga 'to?" she held Green's hands.
Lumayo si Scarlet, at Starlet sa mga bangkay ng dalawa nilang kaibigan, and let Leaves to join Green.
"Sigurado ka ba na siya si Infinity?" inosenteng tanong niya sa'kin, at kitang-kita ko sa kanya ang hinagpis.
I nodded as I wiped my tears.
"H-hindi!" sigaw niya't biglang yumanig ng malakas dahil kahit hindi sakop ng kanyang kapangyarihan ang kalupaan ay may kakayahan siya dahil na rin sa kapangyarihang mayro'n ang kanyang ina na namana niya.
LEAVES
Halos mabaliw ako sa nalaman, na si Green ay walang iba kun'di si Infinity. That she's my twin sister na akala naming lahat ay matagal na siyang patay. But we're wrong! Narito na siya ulit sa'min, ngunit mukhang mawawala na naman siya ulit.
Mabilis naman akong naniwala sa mga tinuran ni Harry. Kasi no'n pa man ay ramdam ko nang may kakaiba sa kanya. That she's strong, at sapat na 'yon upang maniwala akong-siya-nga si Infinity. Kasi ang buong akala ko'y ako ang magiging pinakamalakas dito sa loob ng Royal Academy knowing na ako ang pinakamakapangyarihang anak ng mga may matataas na katungkulan sa buong Unibersa.
Also, base from my researches about this girl named Green ay galing siya sa mundo ng mga tao't kilalang-kilala ito ni Claire, at Goddess Hearlet. Of course, the ability that she have na maihahalintulad kay Alpha God Infinite, the Infinity God, and God of Gods, and Goddesses. Though hindi ko man nasasaksihan kung gaano katindi ang kapangyarihan nito'y sapat na ang mga kasaysayang nabasa ko na no'n sa kanya.
Pero bakit? Bakit kailangang mawala siya ulit sa'min? Mahigit dalawang linggo na rin no'ng magbukas ang Royal Academy, at gano'n din ang pananatili niya rito. Pero ba't 'di ko man lang ito napansin, na nalamang siya si Infinity? Hell! Masyado kasi akong mapagmataas, and it's all my fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to sa kanya! And hate myself so much!
Wala akong nagawa kun'di tumangis lamang. Nawala sa isip ko ang lahat ng mga bagay na kailangan kong gawin. Parang biglang tumigil ang paggalaw ng oras para sa'min ni Infinity, na kilala bilang si Green.
Para akong tinutusok nang paulit-ulit because of what I discovered. Kung kailan kasi mawawala na naman siya'y, tsaka ko lang ito malalaman. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Dapat kinilala ko na siya no'ng una pa para hindi sana nangyari 'to. I promised to myself before na kapag nabubuhay pa si Infinity ay I'll protect her. Pero hindi ko nagawa. This is all my fault! My f*****g fault!
Humagugol ako sa iyak habang yakap-yakap siya. Wala na akong pakialam kung makita nila ang side kong ito. Basta ang mahalaga'y alam ko na ang totoo, though it's too late already. Basta ang maiparamdam ko man lang sa kanya ang pagmamahal ng isang kapatid na tulad ko kahit hindi na niya ito maramdaman pa. But at least I tried.
"I'm so sorry, Infinity. It's all my fault. I supposed to protect you." I whispered.
Naramdaman kong biglang may malakas na p'wersang lumabas sa'king katawan, at tumulis ang aking mga mata.
"Sinu-sino ang gumawa nito sa kanya!" I exclaimed.
"SINO?!" Yumanig nang malakas, at nagkaroon nang malakasang pagsabog sa paligid.
"Huminahon ka, Leaves." Lumapit sa'kin si Harry. "Walang may kasalanan sa nangyari, okay?" he tried to enlighten me, but he was failed.
I shook my head. "No!" Tumayo ako, and let the strong force inside my body to come out.
"Magbabayad kayong lahat!" I shouted, and in just a snap the trees that are near here in this huge field fell on the ground.
Umangat ako dahil sa malakas na kapangyarihang kumakawala pa rin sa'king katawan. Nakita ko rin kung paano magsilabasan ang kapangyarihan nila Harry, Celeste, at iba pa to protect their selves.
"Leaves! Please stop it!" sigaw ni Harry, at kahit nasa malayo na siya sa'kin ay pansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.
And suddenly, a strong lightning struck on me. Bigla ring kumulog, at humangin nang malakas, hanggang sa bumuhos na naman ang napakalakas na ulan. At naiintindihan ko na kung bakit bigla na lamang nangyari ito kanina, Harry was in pain.
"Leaves, please. Para kay Infinity, calm yourself." Lumakad si Harry papalapit sa'kin habang hindi inaalis ang kalasag na gawa sa kidlat.
"Magiging maayos din ang lahat, trust me!" sarkastiko akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Maayos? Are you insane? Paano mo aayusin 'to? Si Infinity, wala na siya!" I exclaimed.
"Seek an help, maaaring may paraan pa," aniya dahilan upang matigilan ako.
"Kung kaya ko lang sanang ibalik ang buhay niya, pero hindi. I'm the Goddess of Death, and that's the cursed of being one of it. Wala akong kakayahan na buhayin ang isang patay, bagkus ay kaya kong kumuha ng buhay ng mga nabubuhay." I just let my tears to flows down.
Lumapag ako sa kalupaan, at dali-daling lumapit kay Green. "H-harry!" I called. "I need you help. Kailangan natin siyang dalhin kay Alpha Goddess Hely, siguradong matutulungan niya tayo." I was desperate already. Kailangan kong babaan ang aking pride kay Alpha Goddess Hely for Infinity. I want Infinity back!
Kung dati ay ang Royal Throne lang aking hangad because I want it for Infinity, ngayon ay hindi na. Ang gusto ko na lang ay maibalik sa'kin o sa'min si Infinity. At gagawin ko ang lahat upang maibalik siya.
"Ginawa ko na 'yan Leaves. Pangalawang beses, pero wala silang ibinigay na tulong. Maging si God Niel na ating lolo'y parang wala rin siyang pakialam.
"Pero sabi mo'y may ibang paraan pa. Ano 'yon?" I wiped my tears, and hugged Infinity tight.
"We---" nahinto si Harry sa pagsasakita nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang may kung ano na ipinapahiwatig ito. Isang masamang badya.
"Nararamdaman mo ba 'yon?" I asked in confusion to Harry.
Tumayo ako dahil sa pagtataka, and ready myself to what might happen.
Lumitaw sa'king mga kamay ang aking mga sandata, the Melodic Blades, dalawang maliit na bilog, ngunit matalim.
My peripheral vision saw how Harry, Celeste, and Virgo ready their selves. Habang si Frozt, at ang kambal na kapatid ni Virgo'y naglaho't umalis na.
I gritted my teeth habang pinapakiramdaman ang paligid. Lalo kasing sumama ang ihip ng hangin, at may masama itong dala kaya we need to be ready. Hanggang sa lumitaw sa 'di kalayuan ang isa sa Neon's Gods, si God Blake, the God of Underworld.
"Ano'ng ginagawa rito ng isang taksil na kagaya mo?" Harry said in his serious, and hard tone.
Ang taksil na Bathala!
Lumapit si Harry sa'kin gaya nila Celeste't Virgo, kaya napangisi ako. God Blake won't won in this battle gayong apat kaming Ranking Gods, and Goddesses ang makakalaban niya.
"Upang sabihin sayong handa kitang tulungan sa pagbuhay sayong kambal na matagal na nawala't ngayon ay bumalik, ngunit isa na itong malamig na bangkay!" aniya sa nag-e-echo na tinig. And I can't help but to feel scared in his too deep voice.
Pum'westo ako nang mabuti. "At ano ang magiging kapalit nito?" I asked hysterically.
He laughed like there's something I said na nakakatawa. "Madali lang." He walk towards us. "Ikaw, ang 'yong katapatan. Umanib ka sa'kin bilang kapalit ng muling buhay ng 'yong kapatid."
I arched my brows. "Paani ako makakasiguro na tutupad ka nga sa usapan?"
"Leaves, nahihibang ka na ba, huh?" galit na tanong ni Harry, ngunit hindi ko ito pinakinggan.
"'Sumama ka sa'kin Leaves upang makita mong nagsasabi nga ako ng totoo." Lumapit naman ako sa kaniya.
"Leaves!" Harry tried to stop me, but I stop him too. Walang maaaring makapigil sa'kin gayong si Infinity ang pinag-uusapan dito.
Gaya nang paglapit ko kay Blake ay siya namang paglapit niya sa'kin upang salubungin ako.
"Leaves, may ibang paraan pa. 'Wag kang maniwala sa isang taksil!" sigaw ni Celeste dahilan upang mapatigil ako't tinapunan siya nang masamang tingin.
I grinned. "Who the hell are you upang pigilan ako?"
"Tama si Celeste, Leaves. Maaaring isa lamang 'yang patibong!" Lumapit si Harry sa'kin, pero bago pa niya ako maabot ay naglaho ako't lumitaw sa tabi ni God Blake.
"Buo na ang desisyon ko. Sasama ako sa kaniya para kay Infinity!" as I said those words ay biglang lumitaw sila God Lii, at Goddess Heldy.
"Kailangan mong parusahan Blake!" galit ma sigaw ni God Lii.
Tumawa si God Blake. "'Wag muna ngayon, may mahalagang bagay pa akong kailangang gawin," walang takot niyang wika.
"Humanda kayo mga bata, kailangan niyong huliin si God Blake bilang isa ito sa una niyong misyon sa pag-eensayo." God Lii commanded.
Naghanda naman sila Harry, Celeste't Virgo, at bago pa sila umatake'y hinihigit ako ni God Blake, at naglaho.
~ginisamyxx