Chapter 13: The Truth
HARRY
Sa muling sandali'y gumuhit sa'king labi ang isang mapait na ngiti dahil sa ginawa kong pagsariwa sa nakaraan. Ang mga pinakamasasayang pangyayari no'ng bata ako kasama si Claire.
My dad, and Claire's dad were childhood friend when they were still in the human world. At sa hindi inaasahan ay nakapangasawa ng isang magandang Bathaluman ang kan'yang ama't nagbunga ang kanilang pag-iibigan, at ito'y si Claire.
Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang mga magulang nito sa isang labanan laban sa mga Exodus. Kaya si Goddess Hearlet na ang naging pangalawa niyang ina matapos ang pangyayaring 'yon. At upang mailayo sa kapahamakan si Claire ay inilayo siya ni Goddess Hearlet sa mundo ng mga tao't do'n sila namuhay ng masaya. Pero hindi naman do'n nagtatapos ang pagkakaibigan namin, though it changed a lot. Kasi habang lumalaki kami'y nagkakahiyaan na rin. Kaya we need to distance ourselves to each others.
Gano'n pa man ay hindi 'yon naging hadlang sa'ming pagkakaibigan because she's also the one who helped me to meet Green, ngunit bilang sa katahuan kong si Yeshua.
At sobrang sakit lang dahil ang dalawang babae na minsan nang nagbigay ng saya sa'kin ay wala na't sabay pa silang nawala.
"Claire, I'm so sorry. Hindi ka dapat nadamay rito. You're such a good friend, ngunit ang kabutihan mo'y ito pa ang naging ugat upang mangyari 'to sayo. Paano na ang pangako mong pagsisilbihan mo ako bilang 'yong hari't aalagaan ang aking reyna? Paano mo na 'ko tutulungang makuha ulit ang puso ni Green, na siyang ginawa mo rin no'n? Pero ano pa bang saysay ang mga pangako mong 'yan, 'di ba? Wala na rin si Green, pero ang daya mo naman. Matagal mo na palang alam na siya si Infinity, pero ano'ng ginawa mo? Nilihim mo ito sa'kin." I caresses her hairs.
"Ang selfish mo talaga sa part na 'yon, kaibigan?" I bitterly smiled. "Gano'n pa man ay nagpapasalamat ako sayo, kasi habang wala ako sa tabi niya'y inalagaan mo siya. Siguro husto na rin 'yon. Magpahinga ka na kahit masakit, Claire. I love you. See you when I see you, again." Hinalikan ko ang noo niya.
Hinayaan ko lang ang aking sarili sa kanyang tabi, hanggang sa dumating sina Celeste, Scarlet, at Starlet.
"Kayo muna ang bahala sa kanya." Tumayo ako't lumayo ng bahagya upang malapitan nila ang kanilang kaibigan.
Pinalibutan nilang tatlo ang bangkay ni Claire, at tinangisan. Habang ako nama'y nakatayo lamang malapit sa kanila.
"Bakit kailangang mangyari sa kanilang dalawa ito? Bakit sila pa?" Celeste asked while mourning.
"Bakit hindi na lang ako?!" I mentally said.
Kasi sobrang buti ni Claire, and I knew that since we're still a young, and innocent child. Maging si Green ay may mabuti rin, at kung alam ko lang sana na kabilang siya sa mundong ito'y dapat hindi na lang ako nawala sa tabi niya. Edi sana mas nakilala ko pa siya't malalamang siya si Infinity, my cousin, my love, and the woman in my dreams. The girl we've missed. The long lost inheritor. The girl who never feel the love of her true family, her mother, father, even her twin sister na no'n pa man niya hinihintay ang pagkakataong magkita sila.
Tapos ngayon ay tuluyan na pala siyang mawawala nang hindi man lang niya kami nakikilala na tunay niyang pamilya.
Why life is so unfair?
Napako lamang ako sa kinatatayuan habang tumatangis, hanggang a mapagdesisyonan kong lapitan ang labi ni Green. At nang makalapit ako'y pinagmamasdan ko lang ang katawan niya na gustong-gusto kong yakapin dahil sa pangungulila. Pero hindi ko magawa dahil nasa tabi niya si Jarred. At 'yan ang pinakamasakit sa lahat, ang makita ang pinakamamahal mong babae sa binti't kamay ng ibang lalaki. Pero tama rin siguro na ipaubaya ko muna sa kanya si Green dahil kahit papaano'y kadugo rin naman niya ito.
CELESTE
Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko ngayon. Si Green, at Claire ay narito sa'ming harap na nakaratay, at wala ng mga buhay.
Si Claire na walang ibang ginawa kun'di tumulong kahit buhay man niya ang maging kapalit nito. Tunay ngang siya'y isang mabuting kaibigan. Lahat gagawin niya kahit na may masamang maidudulot ito sa kan'ya. At ngayon ay ay nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Binalaan ko na siya no'n pero hindi siya nakinig sa'kin. Na kahit anong mangyari ay 'wag makiki-alam sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya. Pero sobrang tigas talaga ng ulo niya. Kaya ito ngayon, tuluyan na niya kaming iniwan, at isinama pa si Green.
Ang dalawa talagang ito! Bakit kung saan ang isa ay nando'n naman ang isa. Tunay ngang sila'y isang pamilya na kung magturingan. Pero sobrang sakit lang, hindi niya tinupad ang kanyang pangako sa'min. Na sabay-sabay kaming lalabas dito sa Royal Academy pagkatapos ng lahat, at magsaya sa labas kung saan wala kaming iisiping iba, kun'di ang aming mga sarili lamang.
Tapos si Green, ang babaeng ma-alamat. Nakapagtataka lang kung bakit nangyari 'to sa kanya. Siya ang Bathalumang walang kamatayan, at walang hanggang buhay ang mayro'n siya, na gaya ng kapangyarihang kanyang tinataglay. Ang pinakamalakas, at pinakamakapangyarihang nilalang sa buong kalawakan. Ang babaeng itinakda ng propesiya. Ang babaeng walang makakapantay, at makakapatay. Pero ngayon, ang kanyang bangkay ay nakahilata na sa'ming harapan. Posible bang namamatay ang katulad niya?
At siya na siguro ang may pinakamasakit na kapalaran. Ang babaeng kailanman ay hindi naranasan ang pagmamahal ng sariling ina't ama. Hindi man lang niya nakasama ang panilya, at naka-usap ang kan'yang kambal na hanggang sa ngayo'y nangungulila pa rin. Kung saan ay ito rin ang isa sa dahilan kung bakit unti-unting nagbago ang buhay ni Leaves, at lahat ng ka-uri namin at kanya itong kinasuklaman dahil sa nabalitaang pinaslang ang kanyang kambal ng isang mataas na uri ng nilalang dito sa Unibersa.
Hindi ito dapat nangyari kay Green! Naghihintay ang kanyang tunay na pamilya sa kanyang muling pagbabalik. Ang kanyang pangarap na makasama ang pamilyang no'n pa man ay kanya nang hinihiling, pero mukhang hindi na pa ito matutupad.
Nakakaiyak, at nakakagalit na gan'to ang sinapit niya. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon, at maranasan ang buhay na tiwasay, na walang ibang iniisip kun'di ang sarili lamang. At ang nakakagalit pa, wala akong nagawa para protektahan, at tulungan siya... silang dalawa ni Claire. Kaya naiisip ko, hindi talaga ako isang tunay na kaibigan sa kanila. Kasi ako ang may kayang protektahan silang dalawa, pero ano? Wala akong nagawa!
Wala akong nagawa kun'di tumangis lamang sa gitna ng dalawa. Hanggang sa dumating si Leaves, at punong-puno ng kasiyahan ang kanyang mukha nang makita ang dalawang nakahandusay. Nakangisi siya na parang nagugustuhan niya ang nangyayari.
"Kawawang mga nilalang! Buti naman at hindi na ako nahirapan sa pagliligpit sa kanila?!" nakangising wika ni Leaves.
Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa narinig. Walang anuman din ay napatayo ako, at nangangalit siyang tiningnan. Akma rin sanang maglalakad ako patungo sa kanya nang lumapit si Harry sa kanya.
"How dare you to say that!" Sinampal ni Harry si Leaves ng napakalakas.
Napahawak si Leaves sa kanyang kanang pisngi marahil sa sa sakit ng naramdaman nito.
"Magugulat ba 'ko sa ginawa mo, Harry? Bakit kasi sobrang concern ka sa kanila, lalong-lalo na si Green. 'Di ka ba nasisiyahan, because finally, ako na ang Rank 1, at ikaw na ang Rank 2. Madali na lamang ito sa'ting dalawa na makuha ang trono na para naman talaga kay Infinity," mahabang alitana ni Leaves.
"Would you rather shut up your mouth, and leave us in here! Hindi ka nakakatulong! Mabuti't naatim mo pang makita sila sa ganyang kalagayan?!" kitang-kita ko ang galit ni Harry sa kanyang mukha.
"At bakit kita susundin? Who are you again?" mataray na wika ni Leaves.
"Hindi mo naiintindihan Leaves!" sigaw ni Harry na galit na galit.
"And yes, Am I correct, Harry? May kakaiba ka ngang nararamdaman sa babaeng tangang 'yan? O baka naman ay si Celeste?" insultong wika pa niya. Wala talaga siyang kinakatakutan!
"May you please... stop!" Hinila ni Harry si Leaves palayo.
"Common Harry, hindi ba't ikaw rin naman ang may gusto nito? You want to kill Green because she's the Rank 1. You want me to win in this battle for our Infinity. Pero bakit mukhang hindi na?" bigla akong nakaramdam ng kirot dahil sa wika ni Leaves.
Totoo ba ang mga narinig ko? Gustong patayin ni Harry si Green? Pero pa'no na lang kung siya talaga ang nakapatay sa kanya gayong siya ang tunay na Infinity?
"Leaves!" pinandilatan ni Harry si Leaves. "Hindi mo naiintindihan! Tapos na 'yan. Matagal na 'yan. Iba na ngayon, okay?"
"So, totoo na nga?" nakangising tanong ni Leaves, at sinampal si Harry.
Napatigil si Harry dahil sa ginawa ni Leaves.
"You don't know the truth!" sigaw ni Harry.
"What's the truth?" taas kilay na tanong ni Leaves.
"Si Green... at si Infinity! Sila'y iisa lamang!" Humagulgol sa iyak si Harry.
Bigla akong nagulat sa mga narinig. So alam na pala ni Harry na si Green ay si Infinity? But how? Sino nagsabi?
"What?" nangingiligid na rin ang mga luha ni Leaves.
"Yes, she's Infinity, you sister! And that's the truth," biglang niyakap ni Harry si Leaves.
~ginisamyxx