Chapter 12: Saving Green
HARRY
Humahangos akong tumatakbo rito sa hallway ng pasilyo ng Royal papunta ulit sa bulwagan kung saan makikita ang mga Neon's Gods and Goddesses (ang tawag sa anim na mga anak ni Alpha God Neon, the God of Universe, na unang anak ni Alpha God Infinite), kasama na si Alpha Goddess Hely (pangalawang kapatid ni Alpha God Neon).
Kailangan ko ng tulong ni Goddess Heldy. We need to save Green! Hindi siya dapat mamatay!
Agad akong pumasok sa bulwagan, at laking pagtataka ko na lang nang wala na itong laman. Wala silang lahat, si Alpha Goddess Hely, King God Bernian, the other Neon's Gods and Goddesses, and specially to Goddess Heldy na siyang sinadya ko naman ngayon dito.
Natulala ako sa kawalan dahil hindi ko inaasahan ang madadatnan ngayon. Isang napakatahimik na lungga ng may mga matataas na katungkulan sa buong Unibersa't Helia. Ngunit kanina lamang no'ng umalis ako'y narito pa silang lahat, at ilang minuto lang ang nakalipas. Kaya umaasa akong sa pagbabalik ko rito'y narito pa sila, but look, wala na sila. f**k!
Kahit ang mga kawal, at taga-pagsilbi'y wala na rin dito sa palasyo. Everything seems so peaceful, but in a bad way. It's just like the calmness before a storm.
Sari-saring mga katanungan agad ang dumaloy sa'king isipan. At isa lang ang sigurado ako. May masama na namang nangyayari. May kung hindi ko na naman alam. s**t! I really need to go back!
Agad akong naglaho sa kinatatayuan, at nagtungo sa Royal Academy kung saan ko iniwan si Green kasama sina Scarlet, at Starlet. Pero pagdating ko sa kinaroroonan nila ay nagulat ako sa nakita. Jarred deeply kissing Green. Habang si Scarlet naman ay mag-isa na't nagulantang din sa ginagawa ni Jarred kay Green.
Napako ako sa kinatatayuan malapit sa kanila, at maging ako'y natulala't naramdaman na lang na may dumaloy na maiinit na tubig sa'king mga pisngi. f**k! Am I crying?
I wiped my tears, and smiled bitterly to Scarlet na ngayon ay nakatitig na sa'kin.
Parang tinutusok ang puso ko ng mga tinik dahil sa nasilayan. Hindi ko akalaing gan'to ang madadatnan ko rito matapos kong nagsisitakbo't nag-alala sa kaligtasan ni Green. Gaya ng paulit-ulit na dumaloy sa 'king isipan ang nakita'y paulit-ulit din akong nasasaktan.
Biglang kumukog, at kumidlat ng malakas dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. At ilang minuto lang ay bumuhos na ang malakas na ulan na parang nakikisabay sa kalungkutan na aking nadarama. The rains, thunders, and lightnings shows my emotions dahil sakop ng aking kapangyarihan ang kalangitan.
Kaya ang gan'tong ipinapakita ng kalangitan ay isa lang ang ipinapahiwatig nito, na nasasaktan ako sa panahong ito. Because I leave Green na maayos, tapos makikita kong hinahalikan na ng kambal ko ang walang malay na si Green. Sino'ng hindi masasaktan sa tagpong ito gayong simula't sapul ay mahal ko na si Green?
I just let my tears to pour down, and after a while ay napansin ko na lang na dumating na sina Celeste, at Starlet. Maging sila rin ay mapapansin mo ang kanilang pagtangis kahit umuulan.
Dali-daling tumakbo si Celeste sa kinaroroonan ni Green, at agad na niyakap ang kaibigang wala ng buhay. Humagulgol siya sa pag-iyak habang yakap-yakap niya ito. Kaya gaya ng kanina'y parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita. Ang babaeng matagal na nawalay sa'kin ay tuluyan ng mawawala ulit, si Green na siya rin pala si Infinity. At nalaman ko ito dahil kay Scarlet.
Damn this feeling! Bakit kailangang mangyari 'to sa kan'ya? Bakit kailangang danasin niya ang gan'to? Hindi pa niya nalalaman ang katotohanan, tapos mawawala na naman siya? f**k! That's so unfair to her. Hindi man lang niya naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na pamilya, kahit man lang sana'y nakilala niya ang tunay niyang ina't nakasama ng matagal ang kambal niyang si Leaves.
Kasi ang tagal na hinintay ni Leaves na mangyari ang lahat ng 'yon. Araw-araw ay pinapanalangin niya kay Alpha God Infinite, at inihiling na ibalik ang kanyang kambal. Tapos ngayon na nagbalik na siya'y muli na namang aalis. What a cruel life!
Pabalik na ako ng Royal Academy dahil wala rin naman akong mapapala sa mga nakakataas. Kaya nasa 'min ang paraan upang matapos na ang kaguluhang nangyayari, ang sinasabi nilang training na nauwi sa nakakatakot na pangyayari.
Nang makalabas ako sa palasyo ng Royal ay gad na rin akong naglaho't nang lumitaw ako sa kung saan ay patuloy pa rin sila Rina, Virgo, na ngayon ay kasama na nila si Scarlet, Starlet, at Frozt sa paglaban kay Green na nakaluhod na ngayon.
"Stop!" I shouted to them, pero itinuloy lang nila.
Iginala ko ang paningin upang hanapin si Leaves, ngunit wala na siya. Kailangan ko kasi ang tulong niya upang papigilin ang lima sa paglaban kay Green.
Hanggang sa biglang yumanig ang paligid ng napakalakas. Isabay mo pa ngayon ang malalakas na kulog, at kidlat na aking ginawa. May malakas din na paghamapas ng hangin sa katawan. Kung kaya'y nangamba ako sa kung anuman ang mangyayari.
Nang bigla na lamang may sumabog, at hindi ako maaaring magkamali, kay Green ito nanggaling kaya mabilis kong tinungo ang kinaroroonan niya.
"Green," tawag ko ang pangalan niya habang binabagtas ang makapal na usok na dala ng malakas na pagsabog.
Ang malakas na presensya ni Green ay unti-unting humihina, kaya bigla akong nangamba.
"Green?" kinakabahan kong tanong.
"G-green?" wika ko nang makita siyang nakahandusay.
Agad ko siyang dinaluhan, at gulat na napatayo nang maramdaman kong wala na siyang buhay. Wala na siyang pulso.
Natulala ako't napaluhod sa tabi niya. Humagulgol ako't hindi napigilang pagsusuntukin ang lupa.
"Not this time, Green. Yeshua is here now. Hindi na 'ko aalis sa tabi mo. Please, wake up!" wika ko sa garalgal na boses. "Green!" namimiyok kong turan.
"Green?" gulat na wika ni Scarlet, na ngayon ay nakatayo sa likod ko. "Green..." dinig ko ring wika ng kambal niya, si Starlet.
"Hindi!" sigaw nila't mabilis na dinaluhan ang wala ng malay na si Green.
"Wala na siya," wika ko't tumayo, ngunit hinugot ako ni Scarlet dahilan upang mapa-upo ako ulit sa tabi ni Green.
I wiped my tears.
"Harry, tulungan mo ang kaibigan namin, please. Harry," umiiyak na turan ni Scarlet.
"Harry, humanap ka ng paraan, sige na," ani Starlet naman.
I shook my head.
"Alam kong may iba pang paraan. Matitiis mo bang mawala ulit siya inyo?" tanong ni Scarlet.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang hinagpis sa kung anuman nangyari.
"Hindi mo ba tutulungan ang matagal niyo nang hinihintay na bumalik?" tanong niya pa ulit dahilan upang mangunot ang noo ko.
"Ano'ng pinagsasabi nito?" I mentally asked.
"Hindi mo ba nararamdaman na siya si Infinity? Ang alam na ng lahat na matagal ng patay?" turan niya dahilan upang manlaki ang aking mga mata.
"A-a---" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang magsalita ulit siya.
"Hindi pa ba sapat na katibayan ang kaya niyang gawin, at ang Wishing Key na nasa kanyang pangangalaga ngayon?" aniya't dumaloy lahat ng mga bagay na napansin ko sa kanya simula pa no'ng magkita kami't magkakilala sa mundo ng mga tao bilang ako si Yeshua.
At ang lahat ng 'yon ay sapat na nga na siya talaga si Infinity.
Dahil sa mga nalaman ay mabilis akong naglaho't lumitaw sa tarangkahan ng palasyo ng Royal.
Napaluhod ako, humagulgol dahil sakit. Kung kailan kailan kasi nalaman ko na ang totoo, tsaka naman ito mangyayari. This girl--- my girl is damn deserve to live like a fairytale. Dapat ako ang promo-protekta sa kan'ya 'cause I believe that I'm her Prince, and she's the Princess which is true. She's the long lost Princess, and soon to he the Queen of Unibersa.
Pero 'di ko man lang siya nagawang protektahan. Hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito! Masyado kasing mataas ang pride ko for her. Masyado kong iniisip ang posibleng mangyari 'pag malaman niyang ako si Yeshua.
"It's all my fault!" I mentally blamed myself.
Humagulgol lamang ako, hanggang sa masilayan ko si Virgo sa 'di kalayuan na may buhat-buhat siyang babae. At nang makalapit siya'y ibinababa niya ang babae sa lupa't agad kong nakikala kung sino it. It was Claire, my childhood friend na gaya ni Green ay wala na ring malay.
Dali-dali akong tumayo't tumakbo papalapit sa kanya. "Claire!" sigaw ko dahilan upang maagaw ang atensyon nilang lahat sa'kin.
Agad ko siyang dinaluhan, at inihiga sa'king mga bintu hough we're not that so close, pero may pinagsamahan naman kaming magaganda, hinding-hindi ko rin makakalimutan ang mga ginawa niya when I need her. At masakit sa'kin ang sinapit niya ngayon.
"You know what Harry, makikita't makikilala mo rin 'yang sinasabi mong the woman in your dreams. Bakit 'di mo tanungin kay Celeste ang lahat ng ito? 'Di ba close naman kayo? Yieee!" pangungulit ni Claire sa 'kin.
"'Wag na siguro, may tamang panahon para riyan, tsaka si Celeste?" Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Hindi kami gano'n ka-close gaya ng dati," may lungkot kong wika.
Agad akong kiniliti ni Claire kaya napatakbo ako ng wala sa oras, at tinahak ang hallway ng kastilyo ng Mantua.
Muling dumaloy sa'king isip ang isa sa masayang alaala namin ni Claire no'ng bata pa kami.
~ginisamyxx