Chapter 11: Infinity Goddess
HARRY
Unti-unti ng bumabagsak ang aking katawan dahil masyado ng marami ang enerhiyang nailabas ko. Namamanhid na rin ang buo kong katawan, at pahina na nang pahina ang kapangyarihang aking nailalabas. Hindi ko na pa kayang tapusin ang laban na 'to. Masyadong makapangyarihan ang kalaban ko ngayon, si Green.
Tatlo na rin kami nina Leaves, at Virgo ang nakikipaglaban sa kanya, ngunit hindi ito sapat upang talunin siya. Masyado siyang malakas. Hindi siya pangkaraniwan. Tunay ngang karapat-dapat siya sa kanyang ranko. Ngunit nakapagtataka ang kapangyarihang taglay niya sapagkat hindi ko mawari kung ano'ng kapangyarihan mayroon siya.
I know for sure that she possesses a powers came from Life, which is one of the most powerful power of a God or Goddess in this generation. She's even possesses a powers came from Universe, Space, Time, and etc. I mean she possesses it all. But how? Paano niya nagagawa 'yon? I assure that she's not an Infinity Goddess dahil na rin--- no, maybe she's an Infinity Goddess. Kasi matagal ng patay si Infinity who possesses also these kind of powers, kaya posibleng siya ang ikalawang tagapagmana ni Alpha God Infinite, the Father of Gods, and Goddesses.
Posible ngang siya talaga na ang bagong tagapagmana. Kasi nasa kanya rin ang Wishing Key ni Alpha God Infinite, at Infinity.
She's really the Chosen Keeper, and the Infinity Goddess in this generation.
I couldn't beleive na may mahahanap agad si Alpha God Infinite na tagapagmana.
Hingal na hingal akong bumangon, at sinubukang puntahan si Virgo na ngayon ay wala ng malay sa damuhan. Maging si Leaves ay hinang-hina na rin ngayon dahi sa pakikipaglaban kay Green.
Hanggang sa may ibang kapangyarihan ang tumama kay Green. Isa itong air blades, galing sa isang Ranking Goddess, si Rina. Hindi ko siya kilala pero alam kong malakas siya, lalo na't siya ang Rank 4, ang misteryosong babae rin. Siya rin marahil ang gumamit ng napakalakas na kapangyarihan sa pagitan nina Celeste, at Leaves kanina upang pigilan sila sa paglalaban.
Napatitig kaagad ako sa kanya, at nang mapansin niya sigurong nakatitig ako'y agad niyang iniwas ang tingin sa'kin. Ngunit ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Pagkatapos ay muli ko ng itinuon ang sarili kay Green.
Walang pagdadalawang isip na nagpalabas ako ng malakas na kapangyarihan patungo kay Green. I know for sure na hindi siya nasasaktan sa kung ano'ng ginagawa namin sa kanya dahil mukhang 'di rin niya ma-kontrol ang sariling katawan sa kadahilanang hindi pa handa ang kanyang katawan para ilabas ang gan'yan katinding kapangyarihan.
Pero ako? Hindi ko na talaga kaya, parang anytime ay matutumba na 'ko. Lalo na't parang balewala lang din ang mga kapangyarihan namin sa kanya. She's totally numb. She's so strong and unimaginable creature. Truly that the one who possesses the Infinity powers was a legendary creature.
Parang lumalabas tuloy na hurt less, powerless, at useless ang mga kapangyarihan namin, though malakas naman talaga. Sadyang wala lang talagang laban ang aming kapangyarihan to her endlessly powers.
Lumipas ang ilang sandali'y wala pa ring nangyayari kay Green. She's still at her place since before. Umiilaw siya't sa likod ng nakakasilaw na liwanag ay ang mukha niyang umiiyak. Wala siyang alam na gawin, kun'di umiyak lang. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil gaya niya'y wala rin akong alam na gawin kun'di labanan siya upang hindi siya makapaminsala ng malawak.
And suddenly, isang malakas na kapangyarihan ang tumama kay Green. Ito'y isang plant toxins na nakahalo sa tubig na galing kay Virgo. Kaya sa ngayon ay tatlo na kaming nakikipaglaban kay Green. Ako, si Rina na maging ang kapangyarihan niya'y walang saysay kay Green, at si Virgo na bagong gising lang.
"Salamat at gising ka na," I mentally said.
Hindi na rin naman na makalaban si Leaves dahil mukhang hinang-hina na rin siya. Ngunit sa halip na mabahala ako'y natuwa pa sapagkat dumating na ang katapat niya. Kasi ayoko rin naman siyang kalabanin 'pag tinatamaan siya ng kabaliwan niya.
Lumapit sa'kin si Virgo habang nagpapakawala ng kapangyarihan, at nang makalapit ito'y umupo siya upang pantayan ako dahil nanghihina na talaga ako. Hinawakan niya isa-isa ang mga sugat ko gamit ang kanan niyang kamay upang gamutin. habang ang kaliwa'y patuloy lang sa paglabas ng kanyang kapangyarihang tubig na may halong lason. Good thing din na kaya niyang manggamot dahil bihira ang katulad niyang natuto ng gan'to. Talagang desidido siya sa kanyang ginagawa no'ng bata kami, kaya ngayon ay maalam na siya ngayon.
"Salamat," I exclaimed. "Mabuti rin at nagising ka na," tuloy ko pa.
Napadaing ako dahil sa paghilom ng aking mga sugat. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang kirot na aking nararamdaman.
"Hindi maaaring hindi ako magising, lalo na't nasa gan'tong sitwasyon tayo!" he answered. "Pero sandali, nasa'n pala si Jarred?" he asked in confusion.
Inilibot ko kaagad ang aking paningin upang hanapin si Jarred pero bigo ako. Wala siya paligid.
CELESTE
Todo iwas lang ako sa kapangyarihan ni Jasmine, at Gemini dahil hindi ako makadepensa kaagad. Masyadong mabilis ang galaw nilang dalawa lalong-lalo na kay Gemini na siyang kayang manipulahin ang aking anino. Kaya naisip kong kontrolin ang kanyang isip. Sa ganitong paraan ay maaaring matalo ko sila ng madali.
Ginawa ko lang ang aking iniisip. Sinubukan kong kontrolin ang isip ni Shadow, at lingid ito sa kanyang kaalaman. Kasi kahit siya ang Rank 10 ay mas mabilis siyang kumilos kay Jasmine. Kung kaya'y unahin ko muna siyang pabagsakin. Ngunit hindi ako nagtagumpay kung kaya'y isang magandang ideya ang dumaloy sa'king isip.
Pinasok ko ang mundo ng mga panginip, at hinanap ang ilaw na para kay Gemini. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap kaya dali-dali ko 'tong pinasok at tinangka siyang patulugin, at nagtagumpay naman ako dahil agad na bumagsak si Gemini. Maaaring nilalakbay na niya ngayon ang kanyang panaginip.
Ngumisi ako. "Ikaw naman," wika ko kay Jasmine.
Dali-dali kong pinasok ulit ang mundo ng panaginip, at katulad ng ginawa ko kay Gemini ay pinasok ko ang ilaw na siyang nagsisilbing taga-kolekta ng kanyang panaginip. Ngunit bago pa ako magtagumpay ay biglang may apoy na bumulusok sa'king tiyan, kaya bumagsak ako.
"Akala mo ba'y---" hindi na niya naituloy nang higupin siya ng portal, at sigurado akong kapangyarihan ito ni Jarred.
"Salamat," wika ko habang tumatayo nang makita si Jarred sa likod ng lagusang ginawa niya.
Lumapit siya sa'kin. "Alam kong kaibigan ka ni Green, kaya kung iyong mararapati ay 'wag mo sana siyang saktan katulad ng ginagawa ngayon nila Harry, Virgo, Rina, Leaves. Kasalukuyan kasi nilang pinagtutulungan si Green, kaya kailangan natin siyang tulungan." aniya dahilan upang maikuyom ko ang kamao.
"Marahil ay lumabas na ang kapangyarihan niya," I mentally said.
"Pero paano natin siya tutulungan? Delikado!" seryoso kong tanong sa kaniya.
"We need to fight, labanan natin sila Harry," aniya dahilan upang tumaas ang kilay ko't habol hiningang inilabas ang aking sandata, the Sword of Dream.
"Tama! Kailangan natin silang labanan! Gusto kong iligtas natin si Green sa kanila," malalim na wika ko.
"Ngunit mali ang naiisip nating paraan," nanginginig kong wika.
Ngumisi siya't itinutok ang espada niya sa'kin, the Dimensional Sword. "Susunod ka o lalabanan mo 'ko!" taas tono niyang wika.
"At kung sa tingin mo ba'y hindi kita aatrasan?" matapang kong wika. "Bulag ka ba o sadyang nagbubulag-bulagan? Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila? Tinutulungan nila si Green!" sigaw ko, at tumalon palikod upang maihanda ang sarili't espada.
Akmang susugurin ko na sana siya'y bigla na lang akong nahulog sa 'di ko alam.
"A-ah!" mahabang sigaw ko habang nahuhulog, at isang bagay ang dumaloy sa'king isip. Si Jarred, at ang kapangyarihang mayro'n siya.
Ginamit niya ang kapangyarihan sa'kin.
HARRY
Ngayon ay lima na kaming nagtutulongan upang kalabanin si Green. Ako, si Rina, Virgo, Scarlet, at Starlet ay kasalukuyang nakikipaglaban. So far, may improvements naman na. Ramdam ko na ang panghihina ni Green, kaya ipinagpatuloy lang namin ang ginagawa.
Nagpalabas ako ng invisible air spikes na tumama sa kanyang tagiliran. Nagkaroon siya ng mga sugat kaya muli ay nagpalabas ako ng lightning blades na tumama sa kanyang mga tuhod. Napaluhod si Green dahil sa 'king ginawa, at akmang magpapakawala na naman sana ako ng isa pang lightning blades, pero napatigil ako. Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa malakas na pagsigaw ni Green. Tumatangis din ito na siyang dahilan upang mapatigil ako sa pagpapalabas ng kapangyarihan.
Inilibot ko ang paningin sa mga kasama kong patuloy pa rin sa pagpapakawala ng kanilang mga kapangyarihan. Nagtatakang tumingin silang lahat sa'kin na parang nagtatanong kung bakit ako tumigil sa pagpapakawala ng kapangyarihan. Gaya nila'y nagtataka rin ako kung bakit 'yon ginawa, basta kusa na lamang akong huminto nang makaramdam ako ng awa'at napatanong na lang sa sarili.
"Wala bang ibang paraan?" I asked to myself. Maybe there's an easy way to stop this. Baka may mas magandang paraan kung saan ay walang masasaktan, at mapapahamak.
And suddenly, I teleported, at napunta sa pasilyo ng kaharian ng Royal. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa bulwagan kung saan makikita ang hari ng mga bathala't bathaluman na si God Bernian. Humahangos akong dumating sa harap ng pitong pinakamalalakas na bathala't bathaluman. The Alpha Goddess Hely, and the six Infinite Gods and Goddesses.
Napatingin silang lahat sa'kin na parang hinihintay ang aking pagdating.
Isang malakas na tinig ang umalingaw-ngaw sa bulwagan. "Hindi namin kayo magagawang tulungan. Isa ito sa isang pagsubok na kailangan niyonh lampasan." wika ni King God Bernian.
I chuckled. "Ngunit maaari siyang mamatay, at maraming madadamay 'pah hindi natin siya napigilan!" matapang kong wika.
"Alam mong sa simula palang ay mangyayari, at mangyayari ang lahat ng ito. You're all here because of the two, two things. You're all here for the thrown and death." wika ng aking lolo, si God Neil.
"But lo, this is not yet the time for the death you've talking about. This is just a training!" Pumikit ako ng mariin dahil sa galit.
Narinig kong kumulog, at kumidlat ang kalangitan, na nagpapahiwatig na galit na galit ako.
"Alpha Goddess Hely officially opened the Royal Academy, which means that the battle is already started," maikling alitana pa ni lolo.
"But---" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil agad na nagsalita si Alpha Goddess Hely.
"Si Green ay hindi basta-basta, magtiwala ka sa kanya, magtiwala ka sa itinakda." Napako ang tingin ko kay Alpha Goddess Hely dahil sa kanyang sinabi.
Sari-saring katanungan ang biglaang pumasok sa 'king isipan.
"What do you mean?" I asked in confusion.
~ginisamyxx