Chapter 10: The Chosen Keeper✔️

1794 Words
Chapter 10: The Chosen Keeper "Frozt," tawag ni Harry. "Inuutusan kita bilang isa ako sa may pinakamataas na lebel dito sa Unibersa upang pangunahan ang paglikas ng ibang mga estudyante. Gumawa ka ng paraan upang masiguradong ligtas sila," utos nito kay Frozt. "Masusunod," ani Frozt bago maglaho. "Maging ikaw Jarred," tawag naman niya sa kambal. "Bilang ako ang nakakatanda sa'ting dalawa'y gumawa ka ng isang lagusan, at dalhin mo kami ni Leaves sa ibang dimension, kung saan ay wala kaming mapipinsalang iba." "Nahihibang ka na ba, Harry? Hindi kita susundin!" malalim na wika ni Jarred. "'Wag mo akong salungatin, Jarred!" tumaas ang tono ni Harry. "Ngunit hindi maaaring ikaw lang ang makikipaglaban kay Leaves. Alam mo kung ano'ng kaya ng bruhang pinsan natin!" nag-aalalang turan nito. "May katotohanan ang mga sinambit ni Jarred, Harry. Baka mapahamak ka!" ani Celeste naman. "Why so over protective ka naman kay Harry, Celeste, tsaka ano bang mayro'n sa babaeng 'yan Harry, at kailangan mong protektahan? Duh!" nakangising tanong ni Leaves. "Kung gayon ay kailangan mong ilayo si Green dito Celeste," ani Harry dahilan upang mag-init ang bagang ko. "Huh? Bakit kailangang ilayo ako? Ako ang kalaban ng babaeng 'yan! Nakalimutan niyo yata, ako ang Rank 1 rito, kaya mas makapangyarihan ako sa inyo," nangininginig kong wika kahit alam ko naman na ako ang pinakamahina sa kanila. "Ano'ng alam mo sa pagiging Rank 1?" pabanas na tanong ni Harry. "Ano---" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may malakas na p'wersang humila sa'kin. Agad din akong lumitaw sa 'di ko alam na lugar, at kasama na ngayon si Celeste. "Celeste?" gulat kong tanong, at biglang may kung anong bagay ang dumaloy sa'king isip. "Pasensya na, utos ito Harry, at hindi ko maaaring suwayin ito." Celeste explained her side. "Kahit na, ako ang haharap kay Leaves, at kailangan kong linisin ang aking pangalan sa pagkamatay ni Infinity, ang kambal niya!" I uttered. "Ngunit hindi maaari!" Tumakbo ako't natanaw ang entablado kung saan ay naro'n pa rin sina Harry, at ang grupo nito na titig na titig sa grupo ni Leaves. Mukhang ilang sandali lang ay magkakaroon ng labanan sa gitna ng dalawa dahil sa'kin. Kapansin-pansin din na biglang nawala sila God Rain, Alpha Goddess Hely, at Goddess Lyre. Parang wala man lang silang pakialam sa mga nangyayari't kung ano ang maaaring mangyari. "Ang pag-eensayo'y nagsimula!" umalingaw-ngaw ang tinig ni God Rain sa kalangitan. "Ang hudyat!" dinig kong wika ni Celeste sa'king likod. "Hudyat?" kunot noo kong tiningnan sila Harry. I chuckled. "Hindi!" malakas kong sigaw, ngunit huli na no'ng tumilapon na sila Harry, Jarred, at Virgo dahil sa itim na usok na nagmula kay Leaves. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil sa gulat nang masaksihan kung paano lumipad na parang papel sila Harry, at ang mga kasama nito. Bumalik lang ako sa katotohanan nang isang malakas na p'wersa ang bumulusok sa'king tiyan dahilan upang lumipad ako't tumama sa isang malaking puno. Hanggang sa mawalan ng ulirat dahil sa lakas ng pagkakahampas ng aking katawan. Naalipungatan ako dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan. "A-ah!" pamamalipit ko dahil sa sakit. Iminulat ko ang aking mga mata't nagulat na lamang nang bigla akong umangat, at umilaw ng napakalakas ang aking katawan. Bigla ring nawala ang nararamdaman kong kirot sa mga sugat na natamo't sakit ng buo kong katawan. Parang biglang wala akong maramdaman na kahit na ano sa sarili. Parang lumulutang lang ako, parang I looks like an object in the outer space na lumulutang na lang bigla because there's no gravity. But how? May kung sino na naman ba ang gumagamit ng kapangyarihan para gawin ito sa'kin? Who the hell?! "Celeste?" sigaw ko upang humingi ng tulong dahil hindi ko na rin ma-kontrol ang aking katawan. May kung sino'ng gumagamit sa'king katawan gaya ng nangyari no'ng mapag-initan kami ni Leaves no'ng naglilibot kami. Parang may ibang katauhan sa loob ng aking katawan, kung kaya'y hindi ko ito maigalaw gamit ang sarili kong lakas. "Scarlet? Starlet?" ang kambal naman sinubukan kong tawagin. Nagbabakasakali kasi akong narito lang sila sa paligid. "Claire!" sigaw ko naman sa pangalan ng pinakamalapit kong kaibigan. Nang ilang minuto na akong humihingi ng tulong, ngunit wala pa ring dumadating ay napaluha na lang ako. Hindi ko akalain na gan'to ang magiging buhay ko rito. All I thought ay mas magiging maayos ako rito, ngunit hindi pala. Mas lalo pang lumala ang lahat. Mukhang kambal na talaga ng aking buhay ang gan'tong sitwasyon. "I need your help," garalgal kong wika, and let my tears to pour down. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng lakas na igalaw ang aking katawan dahil balewala lang din  naman ito. Siguro nga'y I need to accept already that I'm just an ordinary person, a weak person who will never win in this battle. Yes, I know for sure na may kinalaman na naman 'to sa mga pesteng powers na 'yan. Ano ba kasing kinalaman ko kasi riyan? Tsaka kung 'di siguro ako nasangkot sa pagiging Ranking Goddess ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasi alam kong may gumagawa sa 'kin nito kung kaya't hindi ko maigalaw ang aking sariling katawan. And it's because of my Rank, and the key na nasa'kin which they called the Wishing Key. Kaya hindi ko masisisi kung sinuman ang gumawa sa'kin nito. Kaya go, do what they want, patayin nila ako? Then go! I'm ready to die. I'm not also afraid with the things that might happen to me. Kaya go! Wala na rin naman akong babalikan pa. Mom and dad are died already, and it's because of me! Kaya nararapat lang na mawala na rin ako. Tanging pagtangis lamang ang nagawa ko, hanggang sa naramdaman ko na lang na gumalaw ang aking katawan without my command. Mukhang may kung sino ngang kumukontrol sa'kin. f**k you, kung sino ka man! "Hell no!" gulat kong sigaw, at isang napakalakas na enerhiya ang lumabas mula sa aking katawan. Pero hindi ko 'yon pinagtuonan ng pansin. Sinubukan kong pigilan ang sarili sa paggalaw dahil papunta ako ngayon sa field kung saan nagaganap ang labanan. Pero bigo pa rin ako na pigilan ang sarili, kaya nagsisigaw ako ng malakas. "Help! Claire? Celeste? Hearlet? Scarlet? Starlet? Virgo? Frozt? Jarred? Harry?" sigaw ko sa pangalan ng mga kilala ko rito. "Lord...please help me!" pakiusap ko pa. Matapos ng ilang sandali ay may kung ano akong naramdaman na tumama sa 'kin. Tumilapon ako ng malakas sa isa na namang puno kung kaya'y muli akong nakaramdam ng walang kapantay na sakit. Parang hinihiwa o binabalatan ako dahil sa sensasyong dala ng patama ko sa puno. Matapos akong tumilapon ay agad ring umangat ang aking katawan sa 'di na namang malaman na dahilan. I ease the pain, and immediately move. "What the hell?" I chided. Nang maka-angat ako ay bigla akong bumaba ng mabilis sa lupa. Pagkatapos ay unti-unti akong naglaho, at mabilis na napunta sa harap ng lalaki... si Harry. At walang anuma'y may lumabas sa'king mga palad na puting liwanag na sigurado akong isa 'tong kapangyarihan. Walang anuma'y kumawala ito sa'king palad, at tumama sa likod ni Harry na tumilapon pa ng malakas. Gulat akong natunganga dahil sa ginawa. Sigurado kasi akong hindi ako ang may gawa no'n. I'm innocent. Look I can't control my body. Muli namang nakabangon si Harry sa pagkakatilapon, ngunit sa kan'yang muling pagbangon ay isang puting liwanag na naman ang tumama sa kaniya. At ito'y nanggaling ulit sa aking mga palad. Kaya gaya ng kanina ay nagulat na naman ako dahil hindi ko alam kung paano 'yon nangyari. Hindi ako ang may gawa no'n. Sigurado ako. Gusto kong tulungan si Harry sa nangyari sa kaniya. Pero gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang igalaw ang aking sariling katawan gamit ang sarili kong lakas. Ilang sandali lang ay nakabangon muli si Harry, at agad na may namuo sa kanyang mga palad. At kung hindi ako p'wedeng magkamili, isa itong... kidlat! Mabilis na pinakawalan ni Harry ang kidlat papunta sa'king kinaroroonan. Napapikit ako bigla dahil sa takot na tumama sa'kin ang kanyang kapangyarihan dahil alam ko ang kayang gawin ng kidlat. It kills a person! Pero ilang sandali ay hindi ko pa rin maramdamang may tumama sa'kin. "Hindi ako namatay?" I mentally asked. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata upang tingnan ang nangyari, at laking gulat ko na lang nang nasa aking harapan na si Jarred. Kung saan din ay isang parang portal ang nabuo sa aming harapan, at hinihigop ang bawat kidlat na pinapakawalan ni Harry kanina. Jarred saved me from the lightning made by Harry. Jarred saved me from death! Pero sa kabila ng pagtulong sa'kin ni Jarred ay mukhang gagantihan ko naman siya ng masama. Walang anuma'y isang puting ilaw na kapangyarihan na naman ang namumuo sa aking mga palad. "Ja..." I can't open my mouth to shout. "Ja..." I tried to shout but I failed to do it. Nagpatuloy lamang si Jarred sa kanyang ginagawa without knowing na naghahanda na pala ang iba pa niyang kalaban... at ako 'yon. "Ja..." pinilit ko ulit na sumigaw pero bigo parin ako. Nang akmang papakawalan ko na sana ang kapangyarihang nabuo sa'king palad ay biglang may kapangyarihang tumama sa'king likuran. Kaya ang kapangyarihan na kumawala sa'king palad ay tumama sa ibang banda. Kaya laking pasasalamat ko sa gumawa sa'kin nito dahil hindi naituloy ng aking katawan ang masamang balak nito kay Jarred. Gumawi naman ang aking katawan kung saan nanggaling ang kapangyarihang tumama sa 'kin. "Virgo?" I mentally said. Hindi ko lubos na gano'n din ang gagawin niya sa 'kin. Ang pagtaksilan, gaya ni Harry. Pero wala akong magagawa, hindi naman nila ako lubos kilala, at mabuti na rin dahil mukhang kailangan nila itong gawin sa'kin dahil hindi naman talaga akong kumukontrol sa'king katawan. Nang makaharap ako sa kaniya ay unti-unti na namang may namumuo sa'king mga palad. At nang mapansin niya sigurong may lumalabas na kapangyarihan sa'king palad ay naghanda siya. Gaya nang sa'kin ay may namuo rin sa kan'yang palad na kapangyarihang tubig. Ilang sandali lamang ay kumawala na ang kapangyarihan mula sa 'king mga palad. Sumunod din na kumawala ang kapangyarihan niya. At ito'y deretsang tumama sa kapangyarihang kumawala rin sa'kin. Our powers clashed dahilan upang yumanig ng malakas, at nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napapikit kaagad ako dahil sa tagpong 'yon dahil ayokong makita nangyaru. "Go Virgo, huwag kang papatalo!" I mentally cheered Virgo instead of myseld. Gusto kong ako ang masaktan ngayon para makawala ako sa kung sino man ang kumukonrol sa'king katawan. Nabasa ko rin kasi sa libro ng Helms Academy ni Azy Angelo na kapag hindi mo makontrol ang 'yong sariling. Napatigil ako sa pag-iisip nang may sumagi sa'king isipan. "Kung gano'n ay... Walang ibang kumukontrol sa 'kin, at ako lang din ang may kagagawan nito sa aking sarili?" Napapikit ako ng mariin dahil sa naiisip. Hanggang sa marinig ko ang tinig ni Leaves. "You're the Chosen Keeper!" aniya sa matigas na tinig. Agad kong iminulat ang mga mata, at laking gulat ko nang makitang nasa harapan ko na sila Leaves, Harry, Virgo. Tatlo silang nasa aking harapan, at mukhang handa na sila upang labanan ako. I chuckled. No! ~ginisamyxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD