Chapter 9: Wishing Key of Infinity
Nang makarating sa gitna ang babae, si Rina'y unti-unting dumilim ang kalangitan. Nagkaroon din ng pagyanig sa paligid dahilan upang mapahawak ako kay Harry sa hindi sinasadyang pagkakataon.
"Ano'ng nangyayari?" nagtatakang tanong ko kay Harry.
Hindi niya ako sinagot sa'king katanungan, at hinawakan lamang din ako.
"'Wag kang matakot, narito lang ako," aniya habang nakakunot ang noo.
"Sino ba siya?" ramdam ko ang namumuong takot kay Leaves. Kinakabahan siya sa babae, sa nasasaksihan.
"Gaya mo'y ngayon ko lang din siya nakita. At hindi ko maikakailang may lakas siyang itinatago," rinig kong wika ni Harry.
Umihip ng malakas ang hangin kasabay ng pagyanig, at pagdilim ng kalangitan.
"Hindi ko mawari kung bakit dumidilim ang kalangitan gayong ako, at si papa lamang ang may kakahayahan upang manipulahin ang kalangitan." Harry said in his serious, and deep tone.
"Harry, ano'ng sa tingin mo ang kapangyarihan niya?" dinig kong tanong ni Jarred sa'king kaliwa.
"A Terrain Goddess, maybe. Pero hindi, kaya rin niyang kontrolin ang kalangitan, at hangin," nangangambang turan niya.
"Hindi siya pangkaraniwan!" tinig ni Celeste sa'king isip.
"Kung gayon ay nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko?" I asked.
"Noon pa man ay naguguluhan na 'ko sa kanya. Kaya maghanda ka, kailangan ko lang kausapin si Virgo't makipagtulungan upang ilayo sila Claire, Scarlet, Starlet dito. Masyadong delikado!" mahabang alitana niya bago siya mawala sa'king isip.
Bumaling ang tingin ko kay Rina na prenteng nakatayo lamang, at 'di alintana ang kanyang ginagawa. Kung magapapatuloy pa siya sa ginagawa'y maraming masasaktan. Gayong nag-pa-panic na rin ang lahat.
"Rina, tama na!" sigaw ni God Rain, at sa isang iglap ay bumalik ang lahat sa rati. Ngunit ang malakas niyang presenya'y dama ko pa rin hanggang ngayon.
"Rina, the Synergic Goddess of Wind, and Terrain." God Rain announced dahilan upang magulat ang lahat ng kasamahan ko rito sa entablado.
"Sigurado ka bang isa siyang Synergic, pa?" Jarred asked in confusion.
"Obviously Jarred, ngunit nakapagtatakang Wind, and Terrain lang ang kapangyarihang tinataglay niya. Sigurado akong may iba pa," Harry said in his baritone voice.
Napatingin kaming dalawa ni Jarred kay Harry, ngunit napunta rin ang dalawa kong mga mata kay Rina.
"Ano'ng synergic? I mean bakit synergic ang tawag sa kanya?" I asked in confusion.
"Sa kadahilanang hindi lang isa ang kapangyarihan ang taglay niya, kun'di dalawa, at maaari ring tatlo. Kaya isa siya synergic, at ngayon lang ako nakakita ng gaya niya," k'wento ni Jarred.
Nakita ko kung gaano ngumisi si Rina bago bumalik sa kanyang p'westo.
Lumapit si Harry kay Rina. Sinubukan ko siyang pigilan, ngunit bigo ako. Malakas siya.
"Sino ka ba talaga?" dinig kong tanong niya nang makalapit ito kay Rina.
Nanatiling tikom ang bibig ni Rina't sa isang iglap ay naging isang maliit na ibon, at lumipad palayo.
"f**k!" Harry cursed.
"Siya'y hindi dapat ginagambala," umalingawngaw muli ang tinig na nag-e-echo, ang tinig ni Alpha Goddess Hely na naka-upo sa gilid kasama si Goddess Lyre.
"Bakit hindi?" maangas na tanong ni Leaves.
"Leaves!" suway ni Jarred. Ngayon ko lang nakitang nagseryoso siya.
"She's an Alpha, you need to respect, and her decision as well," sabat ni Harry na palapit na sa kinaroroonan ko.
Bumuntong hininga si Jarred dahil sa inasta ng ni Leaves, at Harry. Tunay nga talagang magkakadugo sila. Pare-parehas na mainitin ang mga ulo!
"'Wag niyo ng pagtalonan pa ang mga bagay-bagay na 'yan sapagkat ikaw Harry, ikaw na ang susunod," pagpuputol ni God Rain sa initan ng dalawa.
"Wala na akong gana, tsaka alam na nilang lahat kung ano'ng kaya kong gawin," turan ni Harry, at sa isang iglap ay bigla na lang siyang naglaho. He teleported for pete's sake.
"Gayundin ako, alam na nilang lahat kung gaano ako kalakas, at kung ano'ng kapangyarihan na aking tinataglay kung kaya'y 'di na ako magpapakitang gilas." Tumaas ang kilay ni Leaves, at tumingin sa'kin.
"Pa'no ba 'yan? Ikaw na..." natatawang wika niya.
I chuckled. "Huh?"
"Bingi ka ba?" mataray niyang turan sa'kin.
"Kung gayon ay dumako na tayo sa Rank 1, ang pinakamalakas sa lahat. Pinakamalakas sa inyong lahat na kalahok dito." Nagsigawan ang lahat dahil sa anunsyo ni God Rain. Habang ako naman ay biglang bumilis ang pagkabog ng aking dibdib.
This is it! Hindi ko alam kung ano'ng gagawin! Lord help me!
I knees are now trembling, ngunit tumuloy pa rin ako sa gitna't napatingin sa lahat ng naghihiyawan.
Bumaling ang aking mga mata sa gawi ni Claire. Tumango siya't pumalakpak naman ang kambal.
"Isipin mo ng mabuti ang kailangan mong gawin. Kung gusto mo magpalabas ng apoy ay isipin mo lang ito." Celeste said in my mind.
"But how?" I asked in return.
"Use your heart, and feel it!" umalingaw-ngaw naman ang tinig ni Claire sa 'di ko malamang dahilan. Kung paano niya nagawang pasukin ang aking isip.
"It's because of Celeste, kaya 'wag ka na pang magtaka." Claire explained.
"Ngayon na," Celeste commanded.
Pumikit ako't sinubukang gawin ang sinabi nila Claire, at Celeste, ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin.
"Nakakahiya naman," rinig kong wika ni Leaves. Siguradong pinagtatawanan na niya ako. Kaya naikuyom ko ang mga kamao.
And suddenly, a thing popped out in my mind. Ang susi, ang susing napulot ko no'n, baka makatulong ito sa'kin. Ngunit 'di ko sigurado kung lalabas ito sapagkat 'di ko alam kung paano ito palabasin sa'king palad.
Itinaas ko ang aking kanang palad, at ipinantay ito sa aking dibdib.
Pumikit ako, "'wag mo akong biguhin, susi," bulong ko. Hanggang sa biglang umilaw ang aking palad, at napalabas ko nga ang susing inaasahan ko.
Tumingin ako sa lahat, at napansin ang kanilang pagkabigla sa'king ginawa.
"Ang susing 'yan!"
"Paanong nasa kanya 'yan?"
"Hindi ba't pag-aari ito ni Infinity, ang batang pinatay no'n pa man?"
"Nakapagtataka, nakakangilabot!"
Ilan lang 'yan sa mga salitang lumabas sa bunganga ng ilan sa mga nanonood. Ngunit 'di ko ito pinansin, hanggang sa naramdaman kong may lumapit sa'kin, si Leaves.
"Wishing Key? The Wishing Key of Infinity," gulat niyang wika't malakas akong itinulak.
"Paanong na sayo 'yan? Ikaw ang pumatay sa kanya? Sa kapatid ko?" galit niyang mga tanong.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya't napapaatras dahil sa paglapit niya sa'kin.
"Hindi mapapasayo 'yan kung 'di mo pinatay si Infinity!" gulat niyang sigaw, at may kung ano'ng lumabas sa kanyang palad na itim na bola.
Agad niyang ibinato sa'king gawi ang bolang nabuo sa kanyang palad, ngunit may kung sino'ng sumaga, si Harry.
"Harry, 'wag mo siyang protektahan, siya ang pumatay kay Infinity!" sigaw pa niya dahilan upang maikuyom ko ang aking kamao.
"Hindi siya ang pumatay! 'Wag kang magbintang Leaves!" galit na wika ni Celeste't lumapit sa'kin.
Gayundin sila Jarred, Virgo, at Frozt ay lumapit sa'kin upang protektahan ako. Habang si Jasmine, at Gemini ay tumungo sa likod ni Leaves.
~ginisamyxx