Chapter 8: Yeshua?✔️

1674 Words
Chapter 8: Yeshua? Mabilis ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa gustong mangyari ngayon ni God Rain. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko 'pag ako na naman na ang magpapakitang gilas sa paglabas ng kapangyarihan. f**k! For pete's sake! Not now! "At dahil unang tinawag si Green dito sa entablado't siya ang Rank 1 ay---" God Rain paused. Lalong lumakas ang pagkalabog ng aking dibdib. Para akong naka-droga, nahihilo't 'di alam ang gagawin. "Ang Rank 10 ang mauuna," bigla akong nakahinga ng maluwag dahil nasabi niya. I have time to prepare myself dahil ako ang panghuling sasabak sa pagpapakitang gilas. But still, I don't know what to do. Hindi ko nga alam kung bakit ako narito sa Royal Academy, at bakit ako 'yong Rank 1, tapos kailangan kong ipakita ang kapangyarihang mayro'n ako? s**t! That's insane! Nakaka-inis! Gemini walked, at pumunta sa gitna ng entablado bilang siya ang unang magpapakitang gilas sa'min, at dahil siya rin ang Rank 10. Nang nasa gitna na siya'y bigla na lamang nagsigawan ang ilang mga kababaihang gaya naming estudyante sa baba sa 'di ko malaman na dahilan. Sinasabunutan nila ang kanilang sarili't nagpapagulong-gulong sa damuhan. Bumaling ang tingin ko sa babaeng nasa gitna, si Gemini na nakangisi. "Siya ba ang dahilan ng lahat ng 'yan?" I whispered. Parang may kung sino'ng kumukontrol sa mga babaeng tili na nang tili dahil hindi nila alam ang gagawin sa sarili. "Gemini, the Goddess of Shadow!" umalingaw-ngaw ang tinig ni God Rain. "What? A shadow? So means 'yong anino nila ang sumasabunot din sa kanila? Wow!" Pumalakpak ako dahil sa ganda ng kapangyarihang taglay niya. Parang gusto ko rin 'yon. Pabalik na sana siya sa kanyang p'westo ngunit bigla na lamang siyang natumba't biglang humiwalay ang anino niya sa katawan. "Ano'ng nangyari sa kanya?" "Bakit siya natumba?" "Ginamit din ba niya ang kanyang kapangyarihan sa sarili?" "Paniguradong si Leaves ang may kagagawan niyan!" Ilan lang 'yan sa narinig kong sabi-sabi sa ibang estudyante na nasa malawak na field. Tumingin ako kay Leaves. "Leaves! Stop that s**t!" Harry said in his hard, and high tone. Napairap na lang si Leaves, at kalauna'y bumalik ang anino ni Gemini sa katawan, at bumangon. Bumaling ang tingin ko kay Gemini na masamang nakatitig kay Leaves. "Weakling!" Tumawa ng mahina si Leaves. After a couple of seconds, my peripheral vision caught Frozt walk in front, at pumunta sa gitna ng entablado. And in just a snap, isang malaking ibon ang bumagsak sa malaking espasyo ng lupa malapit dito sa napakalawak na field. "Frozt, the God of Hunt!" Himiyaw, at pumalakpak ang lahat. Manghang-mangha ang lahat sa kanyang ginawa. Maging ako rin ay napa-awang ang bunganga't napapalakpak na lang. "Mahinang nilalang din," dinig kong wika ni Leaves. "Nagtataka ako kung bakit siya napabilang dito gayong 'yan lang naman ang kaya niyang gawin!" Umirap siya, hindi niya nagustuhan ang nakita. "Akala mo naman kung sino!" I mentally said. "Tapos ka na ba riyan?" maangas na tanong ni Leaves kay Frozt. "P'wede ba, Leaves? Just shut up your mouth!" galit na wika ni Harry. "Gan'yan talaga 'yang babaeng 'yan! Kaya masanay ka na!" bulong naman ni Jarred na nasa tabi ko. I nodded. "Jasmine, ikaw na!" God Rain announced. Bumalik si Frozt sa kanyang p'westo't si Jasmine naman ang pumunta sa gitna. Hindi ko maikakaila na malakas siya ayon sa pakiramdam ko. Babae siya ngunit daig pa niya si Frozt. Malakas ang presensya ng babaeng 'to. Tumayo ng matuwid si Jasmine, at iwinagayway ang dalawang mga kamay, hanggang sa may isang bagay ang namuo sa mga palad nito. "Fire," I exclaimed. Lumaki ang apoy na nasa kanyang palad, hanggang sa mas malaki na ito kaysa sa kanya't ibinato sa gitna kung nasa'n ang ibang mga estudyante na nanonood. "No!" malakas kong sigaw dahil sa ginawa niya. Marami kasing mapapahamak 'pag tumama ito sa kanila. Nagkagulo ang lahat dahil sa ginawa niya't nagsitakbuhan, ngunit bago pa man tumama ang malaking bolang apoy sa kalupaan ay naglaho ma ito na parang bola. Nakahinga ako ng malalalim nang mawala ito. And at the same time ay namangha ako sa kanyang kapangyarihan. I was so amaze, and I couldn't help but to clap my hands. Naghiwayan din ang lahat, at bumalik sa kani-kanilang mga upuan. "Isa ring mahina," nakangising wika na naman ni Leaves. "'Wag kang mag-alala, nakalimutan mo yata na kasama natin si Alpha Goddess Hely? Walang-wala ang kanilang kapangyarihan sa kanila, kaya't walang masamang mangyayari." mahabang alitana ni Jarred sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kanyang mga sinabi. Kung gayon ay 'di dapat ako mangamba, at ang kailangan kong isipin ay kung paano ko ilalabas ang kapangyarihang mayro'n ako, kung mayro'n man. Bumalik na si Jasmine sa kanyang p'westo kanina't si Virgo naman ang pumalit. "Go Virgo! Go Virgo!" sabay na sigaw ng kambal sa tabi ni Claire. Napangiti na lang ako dahil sa dalawa. Sobrang hyper talaga nila, lalong-lalo na si Scarlet. Very supportive na kapatid din. "Alam ko na agad kung ano'ng gagawin niya, isa lang naman 'yang mahinang nilalang!" I heard Leaves mumbled. "Teka nga," awat ko kay Leaves. Kanina pa kasi 'to e! "Bakit sobrang dami mong sinasabi? Napaka-kontrabida mo naman? Wala ka bang boyfriend, at ang bitter mo?" I exclaimed. Ni-ngitian lang niya ako dahilan upang mas mainis pa 'ko. "'Wag mo na lang patulan!" umalingaw-ngaw ang tinig ni Celeste sa'king isip. "P'wede ba Leaves? Hindi ka na ba talaga magbabago, huh?" galit na turan ni Harry. Kumunot ang noo niya't tinabi sa Leaves, at pumagitna sa'ming dalawa. "Ikaw rin, matigas 'yang ulo mo! Tanga ka!" seryosong wika ni Harry sa'kin dahilan upang maikuyom ko ang aking mga kamao. Ako pa talaga 'tong may kasalanan? f**k you! "'Intindihin mo na lang 'yang dalawang 'yan. Gan'yan talaga 'pag may regla, tsaka masanay ka na lang sa kanila!" Himagikgik si Jarred dahilan upang mabatukan siya ni Harry. "Harry, 'di ka na mabiro!" reklamo ni Jarred habang hawak-hawak ang ulo. Napasimangot na lang siya dahil sa ginawa ni Harry sa kaniya. Kambal nga sila, ngunit magkaiba ang kanilang mukha't ugali. Kung baga serious version ni Jarred si Harry. He's more responsible, tapos palaging mainitin ang ulo gaya ni Leaves. And Jarred, parang happy go lucky, he always love to have fun. Napansin ko na agad ang pinagkaiba nilang dalawa kahit 'di ko pa man sila lubos na kakilala. Gayundin ang kambal na sina Scarlet, at Starlet. Scarlet is the funny one, and Starlet is the serious one. "Kakaiba kayo. Kayong dalawa ang batang no'n pa man ay nakita na ni Eyelet sa kanyang mga mata. Kayo'y nagtataglay ng kakaibang lakas, at kapangyarihang walang katulad. Lalong-lalo na si Infinity." Biglang dumaloy ang kambal ni Leaves na palagi kong napapanaginipan, si Infinity. Ang sinasabi nila Celeste, Claire, at ang kambal na pinakamakapangyarihan sa lahat, at tagapagmana ng tronong paglalaban-labanan namin ngayon. Siya rin ang isa sa naging dahilan kung bakit gan'yan ang ugali ni Leaves. "Pa'no kaya 'pag narito rin siya? Babalik kaya sa rati si Leaves?" I mentally asked. Of course yes! Siguradong gaya nina Scarlet, at Starlet, Jarred, at Harry, ay masaya rin silang dalawa. "Virgo, it's your turn to show how wonderful, and powerful your powers!" God Rain said in a smirk. Hindi pa man nakakapunta si Virgo sa gitna'y dumagundong na ang ingay na nagmumula sa kakahuyan dito sa kanang bahagi ng field. Nagsitayuan ang lahat ng naka-upo sa baba dahil sa takot. Maging ako rin ay natakot bigla. Ano kayang kapangyarihan nito? Ano'ng nangyayari riyan? Ilang segundo lamang ang lumipas ay natanaw na ng aking mga mata ang malaking daluyon na papunta sa gawi namin. "Isang tsunami!" takot kong wika't akmang tatakbo na sana ako upang kunin sila Claire sa baba nang hawakan ni Harry ang kaliwang kamay ko. Seryoso akong tumingin sa kanya't hindi ipinahalata sa lahat na hinihila ko ang kamay ko sa kaniya. Walang emosyon niya akong tinitigan sa mata't mas diniinan ang pagkakahawak sa'king kamay. Dahil sa pagtitinginan namin ay isang pangyayari ang biglang dumaloy sa'king isip. Isang lalaki, si Yeshua. Parang nakita ko si Yeshua kay Harry. Parang si Harry, at Yeshua ay iisa. "Yeshua?" mahina kong tanong. Iniwas niya ang tingin sa'kin, at binitawan ang aking kamay. "Yeshua? Sino si Yeshua?" tanong ni Jarred sa'king kanan. "Huh? Yeshua? Wala 'yon? Isang walang hiyang lalaki lang 'yon na nakilala ko sa mundo ng mga tao," pagsisinungaling ko, but it's partly true. Nakilala ko lang naman sa mundo ng mga tao 'yong lalaking 'yon, si Yeshua, isang manloloko't mang-iiwan! "Bakit mo naman tinawag na Yeshua si Harry?" takang tanong pa niya. "Huh? Hindi ko naman siya tinawag na Yeshua, may bigla lang akong naalala bigla, kaya nabanggit ko," I smiled to him. "Okay," aniya't 'di na muli ako kinulit, kaya bumaling ang tingin ko sa kaninang daluyon na papunta rito, ngunit wala na ito. Tapos na. "Virgo, the God of Sea," ani God Rain, at napapalakpak na lang ako. Nagtataglay kasi siya ng isang napakalakas na kapangyarihang maihahalintulad kay Poseidon, the God of Sea sa Greek Mythology. Kaya tunay ngang nararapat na mapabilang siya grupong ito. Pero ako? Nevermind! Even me I don't know the reason why I'm here with them, why I belong to this group, tapos ako pa 'yong Rank 1. Hell! Nakakatawa! Natapos si Virgo, at sumunod na agad si Jarred na mukhang excited sa pagpapakitang gilas, at sa isang iglap ay biglang napunta kami sa ibang lugar. Si Jarred ay may kapangyarihang pumunta sa isang lugar na hindi kayang gawin ng paglalahong pangkaraniwang nagagawa nila. Nak'wento na niya ito no'n, at nagamit na niyankasama ko, and he's the God of Dimension kunga kaya't nakakapunta kami sa ibang dimension sa isang iglap lang. At isa siya sa may pinakamagandang kapangyarihang nakita ko. I really love his powers because I want adventures, I love traveling. Natapos si Jarred kaya si Celeste na't gaya ng kung gaano ako namangha sa ipinamalas ng iba ay namangha rin ako sa kanyang kapangyarihan. Na-kontrol niya ang isip ng lahat ng nanood sa baba't bigla na lamang nakatulog, at nagising na walang maalala. Dinamay niya pa si Claire, at ang dalawang kambal sa nangyari. Because she the Goddess of Dreams! Sumunod na pumagitna ang babaeng may kakaibang tindig, at presensya. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon, takot dahil sa kanya. Kung malakas na ang presensya ni Leaves ay mas malakas sa kanya. Mukha kasing may kakaiba sa babae. Hindi ko ito mawari kung ano, pero sigurado akong hindi ako matutuwa sa kung ano ito. ~ginisamyxx Chapter 9, and 10 ibabalik ko mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD