Chapter 7: Ranking Gods and Goddesses

1609 Words
Chapter 7: Ranking Gods and Goddesses GREEN "Ang ama mo? Sino naman siya?" interesado kong tanong. Nawala ang ngiti sa labi ni Celeste. "Wala na siya, mataggal na siyang namayapa," malungkot na wika niya. "Sorry, 'di ko sinasadyang tanungin ito sayo," hingi ko ng pasensya. Pilit siyang ngumiti. "Okay lang, matagal naman na 'yon," aniya, ngunit naro'n pa rin ang lungkot sa kanyang tinig. "Argh! Ba't ko ba kasi tinanong 'yon?" I mentally blamed myself for asking those questions. Actually, alam ko ang pinagdadaanan niya. Minsan na rin ako nawalan ng mahal sa buhay, si mom, and dad. Mabuti'y may nanay pa siya ngayon, ako nga wala na. Kaya kung i-kukumpara ko ang sarili ko kay Celeste'y mas mas'werte pa rin siya kaysa sa'kin. Tsaka walang bakas sa mukha niya ang pangyayaring 'to. She's so strong outside, but deep inside ay 'di pala. Parang niyog lang, strong outside. Mahirap balatan, at kahit anong hampas mo'y parang wala lang, pero 'pag nabalatan mo na  ito ng tuluyan ay rito mo palang makikita ang katotohanan, durog na durog na pala ang loob. And that's the reason why don't we just judge people by its cover or the outer side. Kasi sa likod ng ngiti't saya'y may itinatago pala. And instead of judging to its outside part, we need to look to the inner part of it or we need excavate in order for us to see what's behind, and what's the truth. Minatili ko na lamang maging tahimik dito sa'king upuan, and focuses my eyes in front kung saan ay kasalukuyang nagsasalita si Goddes Lyre, Celeste's mother. Hanggang sa may biglang lumitaw sa tabi nito. Isang napakagandang lalaki. Matipuno, good looking, kulay pula ang buhok, at parang namumukhaan ko siya. "Sino naman siya?" agad kong tanong ko kay Celeste. "A-ah! Siya si God Rain, the God of Thunder, ang ama ng kambal na si Harry White, at Jaiden White," sagot nito na ikinaawang ng bunganga ko. "Siya ang God of Thunder," tuloy pa nito. "May kambal si Harry?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya. "Oo, makikita mo rin siya mamaya 'pag tinawag tayo. "Huh? Tatawagin tayo? Saan? Sa entablado?" I asked. Tumango siya ulit, at ngumiti. "Oo, ipapakilala tayong lahat na Ranking Gods and Goddesses." What the hell! For pete sake! Seriously? Hindi ako ready! "'Wag kang mag-alala. Kasama mo naman ako, tsaka may benebisyo rin naman tayong makukuha rito. Kakatakutan tayo ng lahat na hindi kabilang sa Ranking," aniya na ikinalumo ko. Seryoso? Para matakot ang nakakababa sa'min? f**k! 'Di ko naman yata kayang pahintulutan 'yan. Kahit dito pala sa mundong ito'y may inequality pa ring nangyayari. Hays! What a cruel world! Tumango na lang ako sa kanya para 'di na pa humaba ang pag-uusap namin. Ayoko rin naman talagang pag-usapan ito. Hindi ko kayang sikmurahin dahil gan'to rin ang na-witness ko no'n. We're considered as one of the most influential family sa mundong kinakalakihan ko. At dahil nga'y influential, at makapangyarihan ang pamilyang nakakupkop sa'kin ay no one dared to underestimate us. Walang bumangga sa pangalan namin dahil alam nila kung saan sila pupulutin 'pag gano'n. And that's the best definition of inequality. Natatakot na magsalita't ipaglaban ng nakakababa ang karapatan nila. Pero 'di naman gano'n ang pamilya ko, actually sila pa 'tong nagpapababa sa pangalan nila. Kaya hanga ako sa kanila't nagpapasalamat ako na nakilala ko sila't naging parte sila ng buhay ko. "Narito na nga ang listahan ng mga mapapalad na estudyante," Goddess Lyre uttered. Humakbang si God Rain palapit kay Goddess Lyre, and bowed his head. "He looks so familiar talaga," I mumbled. "Quite!" sabat naman ni Claire kaya napa-irap ako. Nagsimulang magsalita ang pamilyar na lalaki, si God Rain. "Our Rank 1 is..." nakatingin siya sa lahat. "Wait, alam niyang magsalita ng English?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Claire na tinanguhan niya agad. "How?" I asked in confusion. "Green!" malakas na sigaw ni God Rain na ikinalaki ng mga mata ko. Rank 1? Ako? "Ako ba talaga 'yon?" I whispered, "baka nagkakamali lang siya o baka may kapangalan ako," tuloy ko pa. "Walang ibang nagngangalang Green dito, kun'di ikaw lang. Bawal ang magkapangalan when it comes to Gods and Goddesses. Kaya go! Akyat na!" masayang wika ni Claire. "Green, samahan mo ako rito sa entablado," wika ni God Rain dahilan upang manginig ako sa kaba't hiya. s**t! Okay lang sana 'pag nasa Ranking ako, pero 'wag sa naman sana 'yong Rank 1 ako. Yes, I do admitted that I deserve the spot when it comes to mind, but to become the Rank 1, and the most powerful student in this Academy? No way! That's a big responsibility to me. Tsaka ano'ng basehan nila na ako ang Rank 1? "Nasa'n ka? Kung nariyan ka man ay samahan mo ako rito," God Rain said again. Natuod ako rito sa kinauupuan dahil sa mga niya. What? Kailangan talaga? "Overhere!" malakas na sigaw ni Claire, at tinuro ako. Nagsisigaw naman si Celeste, at ang kambal habang tinuturo rin ako, kaya napatingin ang lahat sa 'kin. f**k! I'm the center of attraction now! Bullshit! Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sarili. Tinitigan ko si Claire. "Hindi ako 'yon!" I exclaimed. "'Wag ka ng makulit!" Itinulak ako ni Claire kaya wala na pa akong nagawa't naglakad na lang paakyat ng entablado. "You're Green?" hindi makapaniwalang tanong ni God Rain nang nasa tabi na niya ako. "Yes, I am," nahihiyang wika ko. Nabigla siya dahil sa aking sinabi, marahil ay dahil sa lengg'waheng ginamit ko, as well as him, gulat din ako sa kaniya. "You're from?" he asked again. "Earth, and you looks so familiar to me, also. Nagkita na po ba tayo? Sa mundo namin? I mean sa mundong pinanggalingan ko," I asked in confusion. "Maybe," maikli niyang wika't ipinagpatuloy na ang pag-aanunsyo. "Ang Rank 2 ay si Leaves." aniya sa malakas na boses. Katulad ko'y umakyat din dito sa entablado ang malditang babae na nakaaway namin no'n. Tumabi siya sa 'kin, at tiningnan ako na parang nang-uuyab siya. Pero hindi naman ako pumayag na basta-basta nalang niya akong gina-gan'yan, kaya nakipagtitigan ako sa kanya. I arched my brows din para mapikon siya. Sunod namang may tinawag pa si God Rain, "ang Rank 3 naman ay si Harry." "Woah! His son," I mentally said. Nagtilihan ang lahat ng babae nang tawagin ang pangalan ng lalaking 'yon. Gusto ko rin sanang sumabay sa kanila, but I'm busy with this girl! Tsaka nakakahiya rin, pinsan niya kaya 'tong Leaves, at may something pa sila na 'di ko kayang sikmurain. Umakyat din si Harry rito sa entablado na nakasimangot, at tumabi kay Leaves. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil narito ngayon si Harry. Nagmukha tuloy akong third party sa kanilang dalawa. Muli'y nagsalita ulit si God Rain, at tinawag ang Rank 4, na nagngangalang Rina. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid nang masilayan ang mukha ng babaeng si Rina, na ngayon ay paakyat na sa entablado. Parang may kakaiba sa kanya na 'di ko alam kung ano. Napansin ko rin na nabaling ang tingin ni Leaves, at Harry sa babae. Mukhang nararamdaman din nila ang aking nararamdaman. "Kilala mo siya?" dinig kong tanong ni Leaves kay Harry. "Hindi, pero may kung anong iba sa kanya," sagot naman ni Harry. "Siyang tunay," naramdaman ko ang p'wersang gustong kumawala kay Leaves, kaya lumayo ako ng bahagya. "Maiinitin talaga ang ulo nitong babaeng 'to!" I mentally said. Nang makarating sa kinaroroonan namin si Rina'y mas lalo pang uminit ang tensyon sa pagitan nila ni Leaves. Hindi ko na lang ito pinansin, at itinuon ang sarili sa lahat ng estudyante, na mukhang nakaramdam din ng kakaiba sa paligid. Sunod naman na tinawag ni God Rain ang Rank 5 si Jarred, ang kambal ni Harry, at umakyat dito na nakangiti. Parang walang problema. Ang napansin ko lang kay Jarred ay hindi siya katulad ni Harry. Unang tingin ko pa lang sa kaniya'y alam ko na ang ugali nito na hindi makikita kay Harry o wala sa kaniya. Palangiti siya, hindi mainitin ang ulo, mukhang friendly, at parang mabait. And yes, he's very charming also, gaya ni Harry. Napangiti ako ng makalapit siya sa'kin. Yes mas pinili niyang tumabi sa'kin kaysa kay Rina. And yes also, nagkakilala na rin kami ni Jarred. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Harry. Actually ay mas nauna ko rin siyang nakilala kaysa kay Celeste, at sa kambal. At mahabang k'wento kung paano, at saan. "Hindi ko alam na ikaw pala ang Rank 1, nice!" biro niya. "Hindi ko rin alam, sa totoo lang. Nagulat din ako, tsaka may hindi ka pala sinasabi sa'kin. About you, and Harry." "A-ah. Yes, kambal ko siya. Sorry kung 'di ko na nasabi." Tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba, okay lang, at least alam ko na ngayon." I said hysterically. Agad din namang tinawag ni God Rain ang Rank 6, at ito'y si Celeste. Napapalakpak na lang ako bigla para sa kanya. "Congratulations," wika ko nang makalapit siya sa'min ni Celeste. Sunod-sunod na rin na tinawag pa ni God Rain ang iba pang nasa Ranking, at sampu lang pala kami. Ang Rank 7 ay si Virgo, at kilala ko kung sino siya. Siya ang nakatatandang kapatid ng kambal na sina Scarlet, at Scarlet. Habang ang natitirang tatlo'y 'di ko na kilala, si Gemini ang Rank 8, si Jasmine naman ang Rank 9, at nangngangalang Frozt ang Rank 10. "At sila ang sampung mapapalad na napabilang sa Ranking. Sila ang sampung kailangan niyong bantayan, at aralin ng mabuti upang mahigitan. Kaya ngayon na alam na nating lahat kung sinu-sino sila'y panahon na rin upang malaman nating lahat ang kanilang mga kapangyarihan." mahabang wika ni God Rain. At halos manlumo ako ng sabihin niyang kailangan ng lahat na malaman kung ano'ng mga kapangyarihang mayroon kami. "Wala akong kapangyarihan! 'Di ko alam kung ano 'yon, kung mayro'n man talaga." I mentally said. "Please Celeste, help me. Alam kong naririnig mo ako," tuloy ko pa. "Huminahon ka lang, kailangan mo lang isipin kung ano'ng gusto mong ilabas 'pag ikaw na ang magpapalabas ng kapangyarihan, okay?" she responded on my mind. ~ginisamyxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD