Chapter 6: Royal Throne✔️

1292 Words
Chapter 6: Royal Throne GREEN Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung ano'ng nangyayari. Wala pa rin akong alam, at ako lang yata ang walang alam sa kung ano'ng nagaganap ngayon. Kung bakit narito kaming lahat sa wide field? Kung ano'ng magaganap dito? Kasi wala naman akong makitang signs na may okasyon nga. Kung bakit nakahiwalay rin kami ni Celeste kasama na ang iilang mga estudyanteng gaya namin sa iba? Tsaka ano'ng mayro'n sa pagiging Ranking Goddess namin ni Celeste? Konektado ba ito kung bakit kami nakahiwalay kila Claire? "Green, ready yourself," Claire said at my back. Nasa likuran lang kasi namin silang tatlo ng kambal, kaya nakakapag-usap pa rin kami. "Huh? Ready? Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked in confusion. "Wala na pang maraming tanong, okay? Just ready yourself," aniya pa na ikinataas ng kilay ko. "Attitude ka?" I sighed. Hindi na pa siya nagsalita matapos no'n. Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa bigla na lamang umingay ang paligid. Humangin ng napakalakas dahilan upang mapatakip ako sa mukha. May phobia kasi ako sa hangin, alikabok, usok, and etc. Madali akong matamaan ng kung anu-anong sakit galing sa mga 'yon once na nalanghap ko ito. Kumaluskos din ang mga dahon ng matataas na puno sa paligid sa 'di ko malamang dahilan. Huminga ako ng malalim, at pilit pinakalma ang sarili. I'm panicking again. s**t! "Okay ka lang?" Hinaplos ni Celeste ang aking likod. I nodded. "Don't worry, I can manage this." Hanggang sa biglang kumidlat ng napakalakas dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan. "s**t!" mura ko. Bakit kasi ako takot na takot sa mga kidlat? "May problema ba?" Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha't nakita ang nag-aalalang mukha ni Celeste. Ngunit nakapagtataka'y hindi siya nag-papanik sa mga nangyayari. "Huminahon ka lang, okay? Umupo ka muna't nakakahiya na." Iginala ko ang aking mga mata't nakatingin nga halos sa'kin ang lahat. "f**k!" bulong ko't mabilis na umupo. "'Wag kang matakot. Pero naiintindihan kita." Celeste caresses my back. "Don't worry Green, it's a part of the program. Abangan mo na lang kung anong mangyayari," wika ni Claire na 'di ko rin mahanap sa tinig nito ang takot. Mukhang normal nga lang ang mga nangyayari sa kanila. Napaghandaan na nila ito. Ako lang talaga ang hindi! I took a deep breathe. "Okay!" I just focused my eyes in front, at hinintay kung anuman ang mangyayari. At matapos lang ilang saglit ay biglang umangat ang lupa sa'ming harapan. Napahawak agad ako sa kamay ni Celeste dahil sa pinaghalong takot, at gulat. Akmang sisigaw na rin sana ako, pero naisip ko... wala ako sa mundong kinagisnan ko. Narito ako sa Royal Academy where all impossible are possible to happen. Kaya bakit pa 'ko matatakot as what Claire, and Celeste said. Narito naman sila para sa'kin just in case na may hindi nga magandang nangyayari. Pero iaasa ko na lang ba palagi ang sarili ko sa kanila? No! Patuloy lamang ang mahinang pagyanig ng lupa't patuloy na pag-angat nito. Habang ako'y nakahawak lamang ang nanginginig kong mga kamay kay Celeste. My knees are also trembling because premonition. Pero pilit ko itong pinapatigil, at pinapakalma ang sarili. Hanggang sa isang bagay ang nabuo sa aming harapan. Isang parang entablado na gawa sa napakalaking diyamenteng kulay berde. "Gaano ba kayaman ang may-ari nitong Royal Academy, at pati entablado'y gawa rin sa diyamenta?" I whispered. Shock registered on my face because of what happened. And after a while, isang tinig ng babae ang umalingawngaw sa paligid. The voice was like echoing far from us. "Sino 'yon?" I asked to Celeste. "Kung 'di ako maaaring magkamali'y siya si Alpha Goddess Hely---" hindi niya naituloy ang sasabihin nang sumabat si Claire. Nagulat pa 'ko dahil sa pananabat niya. "The most powerful, and strongest Goddess in this generation, and in all all over the Unibersa, the Goddess of Life." Claire said. Namangha ako sa ni-wika ni Claire, pero mas namangha ako sa sinabi ni Celeste."Okay! Just wow! Goddess is an english word, Celeste. Akala ko ba'y 'di kayo marunong mag-english?" I mentally said. Hindi na muli ako nagtanong sa kanila't hinintay na lang ang susunod na mangyayari. Medyo nawala na rin kasi ang takot sa'kin. Kaya bumitaw na rin ako kay Celeste. Makalipas lang din ng ilang sandali'y bigla na lamang umusok ng puti, at umilaw ng malakas ng entablado. Napatakip kaagad ako ng mata dahil hindi ko nakayanan ang sinag ng malakas na ilaw. Nang maramdaman kong wala na ang malakas na ilaw ay tinanggal ko na ang aking kamay na nakatakip sa aking mga mata. At sa'king pagmulat ay nasilayan ko ang isang napakagandang babae na nakatayo na sa entablado. Naka-suot siya ng isang napakahaba at napakakinang na gown na gawa na naman sa diyamanteng kulay puti naman. "Siya ba ang nasa likod ng tinig na 'yon?" interesado kong tanong. Celeste nodded. "Nice answer, huh?" I mumbled. Kasi naman ang haba ng tanong ko, pero tango lang ang sagot. What listener are you, huh? Kung baga'y 'pag nagka-chat kami on Messenger ay like lang ang sagot niya. "Ngayong araw na 'to ang opisyal na pagbubukas ng Royal Academy. Kung saan ay binibigyan kayo ng isang buwang pag-eensayo para mas lalo niyong mapalakas, at magamit ang kapangyarihang mayro'n kayo bago sumabak sa bakbakang walang kapantay!" the girl standing in the stage said in her very fascinating, and small voice, the girl named Alpha Goddess Hely. "Sobrang napaka-amo ng tinig niya," I whispered. I can't help also myself but to amaze with her. She's truly a Goddess. Parang ka-edad ulit namin siya, though hindi naman talaga. Pero ano nga ang ibig niyang sabihin? Labanang walang kapantay? Totoo ba ang narinig ko? "Anong pinagsasabi niya?" I asked in confusion to Celeste. "Laban sa isang tronong pinag-aagawan," maikli't walang ganang sagot niya. "Trono? Anong trono?" I asked again. "Mamaya na lang namin ito sasabihin sayo, mahaba kasing salaysayin," she said, and frowned. "Ay! Attitude ka rin naman pala!" I sighed because of disappointment. "Okay! Ako na lang talaga ang walang alam sa mga nangyayari!" I said in dismay. "'Wag ka kasing madaming tanong, okay?" pang-iinsultong wika ni Claire sa likod. "Pero bakit nga? Bakit ako kasali rito? Wala naman akong alam! Tapos anong trono? Hari, Reyna? A Royal Throne?" "Exactly! Tsaka hindi nila alam na buhay ka pa," bulong sa'kin ni Claire. Panandalian akong natahimik dahil may biglang dumaloy sa isip ko. Isang sikreto na dapat ay kailangan munang ikubli. Ang lihim na pagdating ko rito, na dapat ay walang makaalam para kaligtasan ko, at kaligtasan ng lahat. "Kung gayon---" natigil ako dahil sa pagsasalita na naman ni gorgeous Alpha Goddess Hely. "Maraming salamat dahil pinaunlakan niyo ang aming inbitasyon. Dahil simula't sapul ay alam naman na nating lahat kung ano ang magiging kapalaran niyo 'pag kayo'y natalo. Gayunpaman ay nagagalak ako sapagkat marami pa ring lumahok." Napalunok ako dahil sa narinig. Anong kapalaran ulit? My gosh! Why so mysterious naman! Hanggang sa isang babae ang lumitaw sa tabi ni Alpha. "Sino naman siya?" I asked to Celeste. Ngumiti siya, and I can't help but to smile also. Nakaka-adik kasi 'yong ngiti niya. 'Yong tipo na mapapa-ngiti ka na lang bigla. "Siya ang aking ina. She's Lyre, the Goddess of Galaxies!" "What? Ina mo siya? As in nanay? Mommy? Motther?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala. Sa bata niyang looks? Pero biglang sumagi sa isip ko na narito pala ako sa mundong mahika'y umiiral. Also, I've read a fantasy book no'n, the book of Marten Academy: Finding the Missing Charm of Azy Angelo. Kung saan ay sinabi ro'n na hindi talaga tumatanda ang mga nilalang na nagtataglay ng mga kapangyarihan. At hindi ko akalain na may katotohanan din pala ang mga 'yon. Tapos ayon pa sa libro'y hindi namamatay ang mga Martenians, ang tawag sa mga nilalang do'n. Namamatay lang sila once na may pumaslang sakanila. Actually, pinangarap ko rin na mapunta ro'n, pero 'di natupad kasi rito ako sa Royal Academy napadpad. Gano'n din kaya rito? Pero ang saya lang no? Dati sa libro ko lang nababasa, tapos ngayon totoo na. ~ginisamyxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD