JEMERY POV "Sa isang linggo na ang graduation day natin." Pauna kong sabi habang nakaupo kaming dalawa sa bench. "Oo nga." "Ibig sabihin ikakasal kana talaga." Alangan kong tanong sakanya. "Mabait naman si Mindy kapag nakilala mo siya." Ngiti niya sakin. "Pero salamat parin kasi nakilala kita." Dagdag niya pa. "Masaya din ako kasi nakilala kita." Iyak kong sabi sakanya habang niyayakap siya. "Alam mo wag kang umiyak. Tanggap ko naman na hindi mo ko magugustuhan katulad ng pag kagusto mo kay Jeremy. Iba siya sakin. Para sakin siguro nadevelop kalang ng very light sakin dahil wala si Jeremy sa tabi mo. Siguro dahil naranasan mo yung ibang bagay na di mo naransan habang wala siya. Kaya nabuo rin ang desisyon ko na'to. Kasi alam kong kayo talaga para sa isa't isa. Naka tadhana na siguro '

