Graduation day, nakatayo ako sa harap ng stage habang nag papalakpakan ang lahat. Si Kenneth na nag bigay muli ng kulay sa madilim kong mundo ng mawala si Jeremy. Si Kenneth na laging nanjan para sa kin at nag desisyon na lumayo para samin ni Jeremy. Kahit pa masakit sakanya. "Congrats." Ngiti sakin ni Kenneth sabay bigay ng bulaklak. Napatingin naman ako kay Mindy na nakangiti sakin ngayon habang nakakapit sa braso ni Kenneth. Mukhang tuloy na tuloy na nga ang kasal nila. "Kala ko pa naman sakin yung bulaklak na 'yon." Rinig ko pang angal nito kay Kenneth ng papalayo na sila. "Ibibili nalang kita sa daan." Sagot naman niya. Napangiti nalang ako habang tinitignan silang dalawa. "Jem bilis kukunan ko pa kayo ng picture nila Sara." Hila naman sakin ni Mama kaya naman sumunod ako. "Ma?

