"San ka mag college?" Tanong ko kay Jeremy habang nanunuod siya ng TV. "Sa Oxford College..." "Ha?! Eh mahirap makapasok dun ah. Saka matatalino lang ang nakakapasok." Gulat kong sigaw sakanya. Tumingin naman siya sakin at tumawa. "Ikaw! Jeremy! Ayaw mo bakong kasama sa school?!" Angal ko sakanya sabay tapik sa braso niya. Tumango naman siya na para bang nang aasar kaya napa crossed arms nalang ako. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ "Tita! Talaga po bang sa Oxford mag aaral si Jeremy?" Pangungulit ko. "Ang alam ko. Oo." Balik ni Tita sa pag gagardening niya. "Teka Tita. Hindi pwede yon. Gusto ko mag kasama pa rin kami hanggang College." "Dun ka nalang din mag aral." Agad na sagot ni Tita sakin habang nakangiti. "Pero pang matalino lang yung school na 'yon. Di ko kayang makapasok." Busangot ko sakanya sa

