Lumipas ang mga araw at nakapasok kaming dalawa ni Jeremy sa Oxford kung saan matatalino at mayayaman ang lahat. Nakakalungkot lang dahil hindi rin kami mag kaklase ni Jeremy. Tapos nababalitaan ko pang sikat na sikat na siya agad sa mga kababaihan dito. Hindi ko naman masabi sa lahat na "Stop! That's Mine!" Yung parang sa mga napapanuod sa TV. Hay hindi kasi ako ganun ka rude lalo na alam ko namang walang ginagawang masama sakin si Jeremy. Nanatili lang siyang Jeremy na kilala ko. "Napapagod na ko mag aral." Pout ko sabay tingin kay Jeremy. Siya naging tutor ko araw araw. Buti nalang at matalino ang boyfriend ko. "Jeremy may naisip ako." Ngisi ko sakanya habang nag papacute. Sinara niya naman ang libro at tumingin sakin. "Eh ano kaya kung ikaw nalang ang mag aral. Tutal naman pag nag

