Ngayon ang araw ng pag pasok ko sa Music Club. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa baka hindi nila ako magalingan kung di dahil baka mang gigil lang ako pag nakita kong mag kasama ulit si Jeremy at Dyan. "Tama nga ako." Buntong hininga ko ng masagi ng mata ko ang pwesto ni Dyan at Jeremy. Halatang gulat si Jeremy na nakatingin sakin ngayon. "Siya nga pala si Jem. Bagong member natin." Pakilala sakin ni James habang nag papalakpakan ang lahat. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ "Jem? Bakit sumali ka? Di ka naman marunong tumugtog ng kahit anong instrument." Kausap sakin ni Jeremy ng pumasok siya sa kwarto ko. "Ngayon may oras kana sakin." Sarcastic kong sagot sakanya sabay higa lang sa kama. "Jem, Ano ba yang sinasabi mo?" "Bakit wala ka naman na talaga oras sakin ah? Lagi mong kasama si Dyan!" Iyak kong sigaw

